MALAPIT na akong mawalan ng malay nang biglang sugurin ng Werewolf ang Vampire. Nakagat ng Werewolf sa kanang braso ang Vampire. Hinatak ng Werewolf ang Vampire palayo sa akin gamit ang malakas nitong bibig. Iwinasiwas ng Werewolf ang Vampire at itinapon palayo. Unti-unti akong nilapitan ng werewolf. Dinig ko ang pag-ungol nito na parang mangangagat. Sinubukan kong umatras nang umatras ngunit nahanap ko ang aking sarili na napasandal sa pader. Dumudugo na ang leeg ko at galit ang pagtitig sa akin ng werewolf. Napapikit na lang ako at naluha. Tumahol ang Werewolf at kinagat ako nito sa kabilang leeg. Mabilis ang pagkagat ng asong lobo sa aking leeg. Bumitiw siya agad at napaluhod ako sa sahig. Napahawak ako sa magkabila kong leeg upang pigilan ang pagdurugo. Puro dugo na rin ang aking da

