NAGULAT ako sa sinabi ni Zed. Hindi ako nakapagsalita at ang lakas ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Tumingin ako sa kanyang mga mata at bakas doon na seryoso siya nang sinabi niya na gusto niya ako. “I like you but you don't see it. I like you but it looks like… you like somebody else,” sambit niya. Hindi ko alam ang isasagot sa mga sinasabi niya. Crush ko siya pero parang paghanga lang iyon, e. Ano bang gagawin sa mga ganitong pagkakataon? Tasaka bakit niya sinasabi na may gusto akong iba? “W-what do you mean?” nauutal kong tanong. “Alam ko na nagkakamabutihan na kayo ni Nix. Tell me… do you like him too?” Hindi ko agad nasagot ang tanong niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung gusto ko rin ba siya? Or kung tama siya na

