MATATAAS at malalaking puno ang nasa kakahuyan na ito. Payapang tingnan ang kapaligiran at mukha namang walang panganib habang kami ay naglalakad sa loob. Mga isang oras na rin ang nakakalipas simula nang pumasok kami rito. Huni ng mga ibon at iba’t ibang hayop ang naririnig namin sa paligid. Tahimik sana ang lugar kung ‘di lang sa… ♫ So, baby let’s just turn down the lights and close the door! Oooh I love that dress but you won’t need it anymore! ♫ Kung ‘di lang sa sintunadong pagkanta ni Ash Franco ng awiting Versace on the Floor ni Bruno Mars. Pumipiyok-piyok pa habang inaabot ang matataas na tono. “My god, Ash! Magbalasa ka na nga lang ng baraha mo. Susugurin tayo ng mga wolves sa boses mo e,” pagsaway ko. Natawa naman si Ash at tumigil. He snap his fingers at biglang lumab

