HINATID ako ni Tam sa bahay namin at dumiretso siya nang pag-uwi sa kanila. Gulat na gulat naman si Mama nang makita ako na may arm sling. “O, anak?! Anong nangyari sa’yo?!” Halata sa tono ng pananalita ni Mama na sobra siyang nag-aalala. Inalalayan niya ako paupo sa may sofa. “Uhm may activity po kasi kami sa school kanina. Nagkamali lang po ako ng pagtukod. Tapos ‘yon po… heto injury ang inabot,” katwiran ko. Buti na lang at nakaisip na kami agad ng alibi ni Tam bago makauwi. Tinulungan ako magbihis ni Mama, maging sa pagkain. Tulog na rin kasi si Erin kaya naasikaso niya ako. Pagkatapos no’n ay dumiretso ako sa pagtulog, kailangan ko rin kasi ng lakas para sa party bukas ng gabi. KINABUKASAN, naalala ko ‘yong sinabi ni Tam tungkol sa healing powers ko. Kaya’t paggising ko,

