INIHATID ako ni Zed sa bahay nang hindi man lang kami na-uusap. Hindi ko akalain na ganito pala siya magtampo. “Uhm… thank you sa paghatid. Goodnight,” nakayuko kong sambit at nagmadali akong lumabas ng kotse. Paglabas ko ay agad naman niyang pinaandar ang kotse at umalis. Hindi man lang nagpaalam. God! Why is he acting that way? Tila tuloy hindi ako mapakali. Pagpasok ko ng bahay, gising pa si Mama at nanonood ng balita sa TV habang umiinom ng Tea. “Nandito na ko!” “Kumain ka na ba, Anak? Ipinagtabi kita,” bungad naman sa akin ni Mama. Sakto naman at kumalam ang tiyan ko. After this long day, gusto kong kumain nang marami. “Hindi pa Ma, e. Ano po’ng ulam?” “Walang ulam Anak, kanin lang,” sambit ni Mama habang nakangiti. “Weh? Bakit, Ma? Wala na po ba tayong pera?” nag-alala

