HABANG papasok sa mansyon ng mga Franco, napansin ko na ang daming mga Angeals ang nasa paligid. Iba’t iba ang suot nila pero naisip kong Angeals sila dahil lahat sila ay nakaputi. Lahat sila ay may dalang Demon bane dagger at holy gun. Siguro, nandito na si tita Hera kaya’t nagbabantay sila. Ipinarada ni Zed ang kotse sa harap ng malaki nilang pinto. Bumaba kami at ibinigay niya ang susi sa usher nila. Doon ay naghihintay na si Tam sa akin. “Friend!” Sinalubong ako ng yakap ni Tam at niyakap ko rin siya. Nagkita naman kami kanina pero parang na-miss niya agad ako. “Hi, friend!” sagot ko. “Shana, I’ll be inside. Sumunod na lang kayo ni Tam, a. Sa function room gaganapin ang meeting,” sambit ni Zed. “Sige, Zed. Salamat sa pagsundo, a.” Nauna si Zed sa pagpasok sa bahay nila at kami

