NAIYAK ako sa ginawa ko. Nalungkot si Zed at parang nasira ko ang pagkakaibigan namin. Sana naman naiintidihan talaga niya kung bakit gusto ko silang lumayo sa akin. Hindi ko rin naman gusto pero ang hirap kasi ng marami ang inis sa akin at nag-iisip ng hindi maganda. Idagdag mo pa ‘yong mga pam-bu-bully nila. Paglabas ko ng building A ng school, nag-aabang si Nix sa labas kaya’t pinunasan ko agad ang maluha-luha kong mga mata. “Ang tagal mo! Halika na, ihahatid na kita pauwi,” inis na sambit ni Nix. “May pupuntahan pa ako at kaya kong umuwi mag-isa,” seryoso kong sambit sa kanya at nilagpasan ko siya. Ngunit hinawakan niya ako sa braso. “Wait lang! Ito naman badtrip agad. Saan ka ba pupunta?” sambit niya sabay ngiti. Bilis talagang magbago ng mood nito, e. “I’ve joined the st

