NAIPON ang mga bula sa paligid nina Ate Kat, ngunit may napansin akong natatanging bula na nasa itaas nila. Pumutok ang nag-iisang bula na iyon at biglang lumabas si Jack doon. Ikinumpas ni Jack ang kanyang kamay na parang inuutusan ang mga bula na dumikit kina Ash. Pagbaba sa lapag ni Jack at sa isang pitik ng kanyang daliri... isa-isang sumabog nang mabilis ang mga bula na parang mga bomba. Napapikit ako at napatakip sa aking tainga nang dahil sa malakas na mga pagsabog. Nang humupa ang mga pagsabog at sa pagdilat ko... nabalot ng usok ang paligid at nangamoy nasusunog. Nang humupa ang usok sa pwesto nina Zed, wala na ang kanyang force shield at napaluhod siya. Maging si Ate Kat ay napaupo sa sahig at wala na ang kanyang ice sword and shield. Si Ash naman ay... si Ash naman ay.

