UNTI-UNTI kong iminulat ang aking mga mata. Medyo parang manhid pa ang katawan ko, gawa ng tila kuryenteng dumaloy sa akin mula sa batok bago ako mawalan ng malay. Nakasakay ako sa isang sasakyan at hindi pamilyar ang lugar na dinadaanan nito. Madilim sa labas at matataas na puno lang ang natatanaw ko na naiilawan ng headlight. Isang lalaki ang nasa driver seat at nagmamaneho. Paglingon ko sa kaliwa’t kanan, dalawang lalaki ang katabi ko. Nag-panic ako kaya’t nagpumiglas ako nang makita kong nakagapos ang aking mga kamay at may takip ng tape ang aking bibig. “Hep! Hep! Mga pre! Gising na si Ms. Makinis!” sambit ng katabi ko sa kanan at nagtawanan silang tatlo. Hinawakan ako sa balikat ng lalaki sa kaliwa ko at inamoy niya ang leeg ko. “Ang bango-bango!” Nagpumiglas ako ngunit sadyang m

