Chapter 18.3 Natigilan ako sa pagsubo ng ice cream dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya sa harapan pa ng parents ko. Kita ko ang amusement sa mga mata niya na tila tuwang tuwa sa nangyayari. Mukhang lalong namula ang mukha ko dahil sa pinaggagawa ni Mark. "Manang mana sayo si Arisse, honey" sa pagkakataong ito si Daddy na ang nang aasar. Pumikit ako dahil hindi ko alam paano aalis sa usapan na ganito. Tinignan ko ng masama si Mark bago tumayo at umalis para sana makainom ng tubig. "Kuha lang ako ng tubig" paalam ko sa kanila My God Mark! Kung ano anong sinasabi mo! Mamaya iba isipin nila Mommy Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pagkasara ko ng ref ay nakita ko namang papalapit sa akin si Mark habang tumatawa. Tinalikuran

