Chapter 17.1 Hinatid ako ni Mark pauwi. Naging magaan na ang loob ko matapos ang pag uusap naming dalawa. Sapat na sa aking malamang napatawad na niya ako. Sapat na sa aking, pwede kaming magsimulang muli. Madalas na siyang ngumingiti ngayon at mas naririnig ko na ring siyang tumatawa. Mas gusto ko ang Mark na nakikita ko ngayon. "Architect, may naghahanap daw sayo sa lobby, Jay daw" sabi sa akin ni Ella. "Thank you" sabi ko at mabilis na binaba si Jay sa lobby. Pagkabukas ng elevator ay agad ko siyang nakitang may dalang paperbag. Napangiti agad ako nang maisip na pagkain ang laman nito "Tell me its food" habang inaabot ang paper bag na binibigay niya sa akin. Napatawa si Jay dahil sa sinabi ko "Wala man lang bang good morning, o kaya kamusta muna talagang food agad ang hina

