Chapter 22.1 Puti ang unang kulay na bumungad sa akin nang magising ako. Tumingin ako sa paligid para alamin kung may kasama ako. Isang mahimbing na Mark ang nakita kong nakatabi sa akin. Nakaunan ang kanyang ulo sa kanyang braso habang nakahilig ito sa hospital bed. Tinitigan ko siya nang mabuti. Di ko mapigilang mapangiti pero kasabay nun ay ang panunubig ng aking mata. Mahal ko na ata siya. Mali, mahal ko na siya but I know it can't be. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito. Dahan dahan naman siyang nagmulat. Mabilis na nagtama ang mga mata namin dahilan para maghumerantado na naman ang puso ko. Binigyan ko siya ng isang ngiti. Mabilis ang pag ayos niya sa pag upo at hinawakan ang kamay ko. "Hey, are you feeling okay?" nag aalala pa rin nitong tanong "I'm okay now"

