Chapter 34.1 Mag isa akong kumakain sa lamesa dahil late na akong nagising. Panigurado nag t trabaho na ang mga kasamahan ko habang ako ito kagigising pa nga lang ay humihikab na naman. Madalas akong antukin nitong mga nakaraan marahil dala na rin sa pagod at malamig na hangin dito sa beach. "Can I join you?" kahit hindi ko na tignan ang nagtanong alam kong si Prin ang nagsalita. "Be my guest" at inilahad ang bakanteng upuan na nasa harapan ko. Tahimik kaming kumain walang gustong magsalita but the silence comforts me. Siguro dahil sa matagal ko nang kilala si Prin kaya hindi awkward ang katahimikan. The silence broke when Prin burp so loud. Nanlaki ang mata niya habang nahihiyang tumingin sa akin. I laughed while pointing at him. "Stop laughing Arisse" inis na sabi nito "Sorr

