Chapter 22.3 I smiled and answered back, "I love you too" Umupo kami sa harapan ng puntod ni Kim. Nakahawak ang kamay niya sa balikat ko at isinandal niya ang aking ulo sa balikat niya. Ramdam ko ang ilang beses niyang paghalik sa aking ulo. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag, naluluha ako dahil hindi ko inakala na aabot kami ni Mark sa ganitong sitwasyon. "Bago nawala si Kim, alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?" tanong sa akin ni Mark Hindi ako nagsalita at hinintay ang idudugtong niya dito. "She asked me to look after you, to make sure that you are always happy and taken care of. She asked me if I can make you happy" Napatakip ako sa bibig para pigilan ang tunog ng aking pag iyak. "Until the end Arisse, she worries about you. She loves you

