Chapter 28.1 Dumating na rin ang mga materyales kaya naman nagsisimula na ang paggawa ngayon. Hindi pa ako nakakapunta sa sinisimulang building dahil mas inuna ko ang mga nirerenovate, si Jay muna ang hands on doon. "Architect, hard hat mo" tinakbo ako ni Jay at isinuot sa akin yun. "Thank you" Sabay kaming pumasok ni Jay sa loob ng building na irerenovate. Binati naman agad kami ng mga trabahador. Lumapit sa amin ang mga kasamahan namin. "Kung alam ko lang na ganito kaganda dito sana sumama na ako mag advance party" sabi ni Camille "Same, super nakakawala ng stress dito" pangalawa ni Janna Nakita ko si Margie na paparating. Agad niya akong tinaasan ng kilay at inirapan. Problema nito! "May mga kulang pa dito, ano bang ginawa niyo bat di niyo na supervise to. Ano date date la

