Nakangiti ako habang minamasdan ang mga imaheng nag f-flash sa screen ng aking Macbook Air. Pictures that holds a thousand memories... memories hindi lang ng dalawang taong ikakasal a few days from now, kundi memories ng mga taong naging bahagi ng love story nila, and that definitely includes us! In short, memories namin. Naming magkakaibigan na ang iilan ay sinubukang tawirin ang mga hangganan.
Dahil gano'n naman yata talaga- we were all governed by such intense emotions at a certain point in our lives. Somewhere along the journey, in between twist and turns, we've bend rules and crossed boundaries, kahit na gaano paman 'yon ka off-limits. Kahit na minsan we're running out of reasons na. Even at some instances na masyado ng malabo ang lahat, ‘yong alam mong wala naman talagang naghihintay na maganda sa dulo? Still, tataya at tataya ka parin, whatever it takes. And when reality sinks in... mapapa sana ka nalang. I shouldn’t have risked it all… wala sanang nagbago... wala sanang nasayang.
I came back to my senses when I suddenly heard someone sobbing behind me. I turned around to see Rafa in full senti mode. He’s back at it again!
Si RAFAEL GALLENTES ang tropa naming "pogay" isang babaeng na trap sa katawan di lang ng isang lalaki, kundi ng isang tunay na hunk. Sa laki ng kanyang muscles at biceps ay mas lalake pa siyang tingnan compared to me. Sobra din kasi siyang obsessed sa gym lately. Kung bakit? I don’t know! Basta gano'n siya, ayaw niyang magmukhang babae, kahit pa pusong babae siya.
Pinagmasdan ko siya ng mabuti habang nagmo-moment. Ash gray spiky textured ‘yong buhok niya ngayon. Bagong ahit ‘yong bigote, tipong kakagaling lang sa salon. Parehong-pareho talaga sila ng trip ni Patricia, kaya sila nagkakasundo. Naka tuck-in ang isang under armor black shirt sa kanyang cargo pants at naka brown topsider with the latest trend. Napailing ako habang nakatitig sa kanya. Litaw na litaw ang kulot-kulot na mga buhok sa kanyang hita. But still, kitang-kita parin ang makikinis at mapuputi niyang balat.
Yong sinasabi ng mga babae na lalaking mabangong tingnan? That’s exactly how I’d describe Rafa.
Pero anak ng… bakit parang ako yata ang nababakla?
Kinilabutan ako sa sarili, sabay tawa ng mahina. Focus, please.
Totoo naman kasi—kahit ‘yong mga ka-federasyon niya, hindi makapaniwala na he’s one of them. Madalas pa nga siyang mapagkamalang straight. Kung hindi lang talaga siya ngayon nakahalukipkip na parang giniginaw, malayo sa isip ng kahit sino ang pagiging binabae niya.
Lalo na ngayong naka-flex-fit na shirt siya na halos yakapin ang katawan, may defined na chest, broad shoulders, at biceps na parang handa nang makipag-wrestling sa sinumang magkamali ng tingin sa kanya. Pero ayun nga… sa loob, pusong dalagang high-maintenance.
Umiling-iling ako. Ilang sandali pa, ibinaba niya ang isang kamay sa bewang habang ‘yong isa naman ay bahagyang pinupunasan ang tila basa niyang mga mata.
Tumayo na ako at lumapit. “Hoy! Anyare?” Inakbayan ko siya at marahang tinapik sa balikat.
“Wala…” sagot niya, sumisinghot-singhot pa.
“Anong wala? Eh umiiyak ka!” Napataas ang kilay ko.
Muli niyang pinahid niya ang luha sa gilid ng mata, pero halata pa rin ang pamumugto.
“Wala ‘to… na-touch lang ako,” sagot niya, pilit na ngumiti pero sablay. “Grabe kasi, ang ganda ng slideshow mo. Parang… parang pelikula sa Star Cinema na alam mong iiyak ka kahit alam mo na ending. Pengeng tissue.”
Napatawa ako. “Eh ikaw naman kasi, OA. Konting background music lang, tissue agad.”
Sumimangot siya pero tumawa rin. “Uy, hindi lang background music ‘yon! ‘Yong shots! ‘Yong candid moments! Diyos ko, naalala ko tuloy lahat ng kalokohan natin noon.”
I rolled my eyes, pero deep down, tinamaan din ako sa sinabi niya. “Oo nga. Pero huwag ka masyadong senti d’yan, baka isipin ng iba brokenhearted ka na naman.”
Bigla siyang umayos ng upo at tinakpan ang dibdib. “Excuse me, hindi ako brokenhearted. Ako ang heartbreaker, charot!” Sabay flex ng braso niya na parang Mr. Universe.
Napailing na lang ako. “Oo na, ikaw na ang may muscles. Pero kahit ilang barbell pa buhatin mo, pusong babae ka pa rin.”
“Korek ka diyan!.” sagot niya, pero sumisinghot parin.
"Eh bat umiiyak ka parin?"
"Tears of joy lang 'to." Tumayo siya ng matuwid at inayos ang sarili. "I'm just so happy kasi finally, after all the chaos, may magkakaro'n din ng happy ending sa barkada..." a statement that made such an impact.
Matiim ko siyang tinitigan habang napahawak ako sa aking dibdib. Medyo na hurt ako do'n ah! Nagpaparinig ba siya? At marahil ay nabasa niya siguro ang nasa isip ko, kaya't kaagad na nag-apologize. "So-sorry, I didn't mean it that way..." aniya na natataranta
Of course he didn't mean it that way. It’s just that… may isang mapait na bahagi ng nakaraan siyang nasaling. But he’s simply stating a mere fact here, kasi totoong-totoo 'yong mga sinasabi niya. It does make sense actually. Alam kong wala akong karapatang mag-inarte, so I lift my right thumb as I nodded, to let him know na wala 'yon sa'kin. Muli kaming nagpatuloy sa pag-uusap pagkatapos.
"Naalala ko lang 'yong dati, 'yong parang aso't pusa pa si Nickolo at Mia? Minsan kaya akong naging referee nila," mababakas na ang ngiti sa kanyang mga labi pagkasabi no'n.
"Oo nga! Who would forget that? At 'wag mo'ng solohin, kasi lahat tayo naka experience ng gano'n, naging shield pa nga ako minsan," sagot ko at nagtawanan na kami pagkatapos.
Naging saksi kami sa mga pangyayari, sa mga bangayan nong dalawa, ang hindi lang namin nalaman ay kung saan at kelan specifically nagsimulang magbago ang lahat between them. Well, balato na namin sa kanila 'yon, it's their love story after all, hindi lang talaga namin maiwasang hindi ma overwhelmed kapag naaalala ang lahat.
And after years of in denial, they will now tie the knot. Akalain niyo nga naman? Who would have thought that Nickolo and Mia will end up with each other's arm? Isn't that Ironic? Na kung sino pa 'yong walang ka amor sa amor sa isa't isa sa simula, ay sila pa ang magkakatuluyan sa huli. Samantalang 'yong mga famous "love team" ng barkada ay nauwi lang sa sad ending. True to what they say… life really, is full of surprises! And fate often gets in the way of our system, in order for something to happen Magugulat at magugulat ka na lang sa mga mangyayari.
Days before the wedding itself ay nagdesisyon kami, initiated by no other than Patricia of course, to throw a party for the lovebirds, parang send-off to the married life. Instead na bridal shower for Mia, and Stag party for Nickolo, we've all decided na gawin na siyang one big event. Although we still prepared a little bit of those and a little of that…. to fulfill some traditions. But we all agreed na magsasama-sama kami after.
Why not di ba? Since we belong to the same circle naman, at ngayon lang ulit yata kami mabubuo, for the first time, after a long time. Muli kaming magba-bonding sa mga huling araw ng pagiging single no'ng dalawa. As it will soon be mark as another milestone in our lives. We had cleared our schedules for the day just to be present, all for the love of Mia and Nickolo.
Pero, mabubuo ba talaga ang tropa ngayon? Oo nga't nag confirm kaming lahat, but come to think of it! Di ba nangyari na ito before? Every body said yes, pero iilan lang ang sumipot sa mismong araw ng okasyon. Sana lang it will not happen this time, sana lang talaga... kasi, baka magwala na si Patricia at tuluyan na kami nitong isumpa.
Who is she by the way? Well, siya lang naman ang punong abala ng lahat ng ito. "Trish" as what we call her... A.K.A. Host/Event Organizer/Planner/Coordinator ng tropa ever since High School days, at pumayag akong magpa-alipin sa kanya ngayon.
I am ANDREI SADIASA VILLAMOR a Graphic Artist by profession, at nautusan lang naman ako ni Patricia na gawin ang lay-out ng wedding at ng party ngayong gabi. I'll be fully in charged of the visual arts and effects, or whatever they may call it. Responsible din ako sa kung anumang makikita ng mga tao sa screen later tonight. May iba pa kaming tropa, I just don't know kung anong naka assign sa kanila, basta na ikuwento ni Rafa sa'kin kanina na isa-isa kaming binigyan ng task ni Patricia in order for us to commit.
With finger crossed ay umaasa din ako. Umaasa ako na magiging successful ang lahat, merely hoping for this night to end with a blast. And who knows if this might bridged the gap between some old bond? Perhaps a chance for us to rekindle what was put into hold for quite a while.
Am I talking about our friends here?
Or… does this only refer to a particular person na gusto ko nang makausap muli, nang walang pag-aalinlangan. Just like old times.
That one person na kasabay kong nangarap noon… pangarap na tila imposibleng maisakatuparan if we keep holding on to what was once called us.
“Asan na ba si Patricia? She needs to take a second look at this one—baka may gusto pa siyang ipabago. Buti nang magawan ko ng paraan before the party starts.” Ako naman ngayon ang nakahalukipkip, nagsasalita sa tabi ni Rafa.
“She headed to the pool area kanina. She’s checking some details daw para sa after party. Mukhang kailangan niya rin yatang huminga ng fresh air for a while. Buti pa, sundan mo na lang tapos kaladkarin mo pabalik, para ma-finalize na natin ’to!” Rafa suggested, sabay tulak sa akin palayo.
“Kaladkarin talaga? Baka ako pa ang makaladkad no’n,” sagot ko, tumatawa habang naglakad papunta sa open door.
Nabangga ko ang ilan sa mga kaibigan namin sa daan, pero hindi na muna ako nakipag-usap—isang tango at tipid na ngiti lang muna. We’ll catch up later, guys.
Sinuyod ko ng tingin ang bawat sulok, hoping to spot my chubby-but-pretty friend. Hanggang sa… may narinig akong boses.
“Hello… hello! Gwyn, asan ka na ba?” sigaw ni Trish. Parang galit sa kausap. I’m certain I just heard her voice—I can’t be wrong.
Pinaikot ko ang mga mata sa paligid, hinahanap ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses. Luminga-linga ako. I’m pretty sure nasa tabi-tabi lang siya. Naka-ilang hakbang pa lang ako nang tuluyan ko na siyang makita.
And there she is!
Ang babaeng pink ang buhok.
Sabi ko na nga ba—may pagbabago rin sa hairstyle niya, gaya ng kay Rafa. But anyway, bagay naman sa kanya ang bagong look. Ang cute pa niyang tingnan sa suot na short denim dress at 4-inch heel sneakers—pampadagdag sa 4’11” nitong height.
Nagmamadali akong lumapit sa kanya, pero mukhang focus na focus siya sa ginagawa. Ni hindi man lang niya ako napansin, kahit kanina pa ako nakatayo sa likuran niya.
Gulatin ko kaya siya? naisip ko… pero ‘wag na lang, baka ako pa ang unang masumpa. Hahaha. Napatawa ako sa sarili at nagpasyang manatili muna sa gano’ng posisyon.
Then, she glanced at her wristwatch to check the time—hindi man lang ibinababa ang phone mula sa tainga.
"Gwyn, ano na? It's almost 4:00 baka mauna pa 'yong couple sa inyo." Dinig na dinig kong pabulyaw niyang sinabi sa kausap.
"Wait, what? You mean... Gwyn naman, akala ko ba na settle mo na lahat last week pa lang." Dinagdagan pa! She’s so bossy sometimes. Di ko napigilang mapailing.
"Kanina pa 'yang on the way mo ha! At ga'no ba kalayo 'yong malapit mo? Kasi the last time I checked, yan 'yong last message mo about an hour ago," an'ya habang nakapamewang.
Hindi ko na narinig 'yong iba, or better yet hindi ko na ginustong marinig, until her last line.
"Siguraduhin mo lang ha? Pag ikaw di sumipot ngayon, ewan ko na lang sa'yo! Kalimutan mo na kami, kasi friendship over na talaga for us."
Okay, that's my cue, and so I've decided to finally break my silence.
"Si Gwen ba 'yong kausap mo?" I pop-up the question as I poke my head on her left shoulder.
Ngunit mali yata ako ng timing at muntik ng mabitiwan ni Trish ang hawak-hawak na phone sa sobrang gulat. Nilingon niya ako pagkatapos.
"Pu_cha Drei! Aatakihin ako sa puso sa'yo," ang naibulalas niya, habang nakapatong sa dibdib ang kanang kamay at hinahabol ang hininga.
"Kanina ka pa nag e-eavesdrop?" May pagka-irita niyang tanong sa akin.
"Grabe siya! Eavesdrop agad? Di ba puwedeng masyado lang malakas 'yong boses mo kaya dinig na dinig ng lahat! Isa pa, kanina pa kita hinahanap," sagot ko.
"Hinahanap mo ako? Eh ba't di ka nagsasalita? Mukhang kanina ka pa nandito ah!" Hindi parin nawala ang pagka-inis sa mukha niya. Napakamot muna ako sa ulo bago tuluyang nakasagot.
"Eh kasi po... MARIA PATRICIA BAJAO may kausap kayo sa phone, kaya di ako makasingit," paliwanag ko, habang nakaakbay sa kanya. Sa taas ko na 5'11" ay madali ko siyang naipulupot sa aking mga braso. It feels like I'm hugging a stuffed toy now, pero mas lalo lang yata siyang nainis sa nasabi ko.
"Wag mo ngang ipangalandakan yong pangalan ko Drei! Lalo mo lang akong iniinis niyan eh!" Sabay kumawala sa'kin.
Bigla yatang naging pula 'yong kulay pink niyang buhok sa paningin ko, sa sobrang stress na siguro.
But I just laugh at her, sanay na sanay na ako sa mga ganitong hirit ni Trish, inakbayan ko siyang muli at pilit na pinapakalma.
"Eh ba't ka ba kasi naiinis? Dinaig mo pa 'yong bride at groom sa sobrang stress. Chill lang dapat..." payo ko.
"Hoy! Ba't naman sila ma s-stress? Gayong wala naman silang ibang gagawin ngayon, kundi ang sumipot dito at alamin ang sorpresang nag-hihintay para sa kanilang dalawa. And FYI hindi biro 'tong ginagawa ko ha! Schedules pa lang natin, ang hirap ng pagtugma-tugmain." pinagsalikop niya ang dalawang kamay.
"Alam ko... eh, sino ba kasi ang may sabi na magpaka-abala ka sa pag-aasikaso ng party na'to? Ano na lang kaya ang ginawa mo kung nagkataong wala pa ako dito? Baka pumutok ka na by now!" Pang-iinis ko pang lalo.
"Yabang nito...nakatulong ka lang ng konti, ganyan ka na umasta!" Nakataas na ang kilay niya ng mag sandaling 'yon.
"Is that your way of saying thank you? You're welcome Trish..." I said in a sarcastic way.
"Sama talaga ng ugali mo Drei, kaya ka..." sa hindi malamang dahilan ay hindi na niya dinugtungan pa.
"Kaya ano? Tuloy mo Trish..." hamon ko.
"Hmmp! Di bale na nga! Ikaw, napaka nega mo talaga pagdating sa mga gan'tong event, palibahasa kasi wala kang planong magpakasal."
"Pa'no mo nalaman?" Sarap niya talagang inisin.
"Gago ka talaga Drei, kelan ka ba magseseryoso? Mamaya niyan, karmahin ka na!" Galit na yata siya.
"Kinarma na nga..." bulong ko.
"A-ano?" Medyo gulat niyang tanong.
"Wala! Sabi ko okay na sa loob, naayos narin ni Rafa ang dapat ayusin, final touch mo na lang ang kulang, so you better check it out. Nakasalubong ko din si Ysa on my way here, kasama niya si Patrick. Pero di na kami nakapag-usap, kasi hinahanap pa kita."
Napamulagat siya sa nasabi ko, "Sila na ba?" Malisyosa niyang tanong.
"Hahaha..." napalakas ng bahagya ang tawa ko.
"And why are you laughing?" Naiinis na naman siya.
"Di ba sabi ko sa'yo..." lumingon lingon muna ako sa paligid, just to be sure na walang ibang tao roon, pagkatapos ay hinila ko siya, "bakla si Patrick," bulong ko.
"Puro ka talaga kalokohan Drei," nahampas niya pa ako dahil do'n.
"Aray ko!” Hinawakan ko ang bahagi ng balikat na hinampas ni Patricia. “Totoo 'yon, tanong mo pa kay Rafa," I insisted.
"Oh, ba't siya nasali? Ba't siya tatanungin ko? Ikaw naman 'yong nang-iintriga…"
"Siyempre! It takes one to know one, kaya siya nalang tanungin mo! Besides, hindi naman ako kapani-paniwala, di ba?"
"Wow! BEST ACTOR MODE, Bakit, kanino bang kasalanan 'yon? Na medyo mahirap kang paniwalaan, ha?"
Sama rin talaga ng ugali ng babaeng 'to, "Oo na! Kasalanan ko na, lahat naman kayo eh! Gano'n tingin sa'kin... lalo na 'yong kausap mo sa phone kanina? Naku! Ako na yata ang pinaka sinungaling na tao sa paningin no'n." May himig ng pagtatampo sa aking boses.
"Sobra ka, hindi siya gano'n!" Pagtatanggol niya sa isa pa naming kaibigan.
Nagiging intense na yong pag-uusap namin habang unti-unti na kaming naglalakad pabalik sa hall.
"Anyare? Kanina lang inis na inis ka sa kanya, tas ngayon..."
She immediately cut me off before I could even proceed.
"Hoy!” dinuro niya ako. “ANDREI SADIASA VILLAMOR nainis ako kay Gwyn, Oo! Kasi naman, kanina pa 'yong on the way niya, pero ikaw, wala kang karapatang makaramdam no'n! Gets?" Halos lumuwa na yata ang mga mata niya sa pandidilat sa'kin. But it din't affect me much, wag ako Trish... I've seen worst, kaya di 'yan oobra sa'kin. Isa pa, medyo na distract ako when she mentioned somebody's name and I smiled on the thoughts about that dear friend of ours.
"Anong ngini-ngiti mo diyan, Drei?" makahulugan niyang tanong.
"Wala! Kelan ba naging on time si Gwynneth, Trish? Para mo namang hindi kilala ’yon."
"Sabagay," she shrugged. "May point ka ro’n. Pero… gusto ko lang siguraduhin na hindi niya na tayo i-indiyanin this time." Mas kalmado na siya pagkasabi no’n.
"We’ll see. Pero matanong ko lang… a-alam ba niya na nandito ako?" Nagdalawang-isip pa ako bago ko binitawan ang mga salita.
"Alam niya na invited ang lahat, at alam din niya na ang ultimate goal for this event is for all of us to be reunited once again. Kaya she’ll be expecting you to be here," sabi niya bilang assurance na walang magiging ilangan kung sakali mang magkasalubong kami ng girl she mentioned later.
"Mabuti naman kung gano’n," nakahinga ako nang maluwag. "A-a…"
"Yes, Drei?" Nakaarko na naman ang kilay niya, hindi ako pinatapos.
"Isa na lang…"
"Ano ’yon?" Nakapamewang na naman siya.
"Si R-ron…?" What the hell happened to me? Paisa-isa na ’yong nagiging tanong ko.
"What about Ron? Kung sasama ba siya?" tumango ako.
"Sa pagkakaalam ko, hindi. He’s on a seminar somewhere in Visayas, I think. So, she’ll be coming here all alone. Okay na?"
"Okay!" sabay taas ng kamay ko.
"Hoy! Andrei Villamor, ano ’yon? Ano ’yong okay mo? Umayos ka!" Nandidilat na naman ang mga mata niya.
"Bakit? Ano bang ginawa ko? Maayos naman ako ah!" depensa ko. "Tsaka kulang ng sadiasa, Trish!" dagdag ko, taas-baba pa ang mga kilay.
"Gago! Tigilan mo nga ako, ha! Kulang na lang tumalon ka eh!"
"Pinagsasabi mo diyan! Ba’t ko naman ’yon gagawin? Para naman tayong hindi ano niyan…" bahagya akong natawa.
"Ano?" muli niyang tanong.
"Wala! Basta… ’wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano diyan! Tropa tayo, remember? Bago pa man nagkagulo-gulo at nagkamalisya ang lahat, barkada tayo! Kaya siyempre happy lang ako na mabubuo tayong muli ngayon," depensa ko.
"Talaga lang, ha?" Tila nagdududa pa rin siya.
"Talagang-talaga! Pero, Trish…"
"Ano na naman, Drei?" nakakunot na ang noo niya.
"Ka-kakausapin niya kaya ako?" Nahihiyang tanong ko.
"Oo naman! Ba’t naman hindi?" sagot niya sabay irap.
"Kasi… naalala mo, last time, noong birthday ni Rafa?"
"Like, when was that again? Three years ago?" paglilinaw niya, at tumango ako.
"Bakit? As far as I can remember, kinausap ka naman niya noon ah! She even said hi… nakipag-biruan pa nga siya sa ’tin, nakalimutan mo?"
"Nag-hi, oo! Pero kinausap? I don’t think so. At nakipagbiruan? Sa inyo siguro. Sa ’kin, hindi."
Umismid siya bago sumagot. "But still, pinansin ka pa rin niya. Hindi nga lang sa paraan na gusto mo."
Nagkibit-balikat na lang ako, tila naubusan ng energy makipagtalo.
"Sabagay…" I uttered as I came to an end.