Prologue

534 Words
Martha Salen.. Inside coffee shop "Anong nangari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo Gina?!" Napasimangot si Martie o mas kilala bilang Martha Salen , habang pinagmamasdan ang bestfriend niyang si Gina Malone, Namamaga ang mata nito at parang hindi pa ito naliligo! Tatlong araw silang hindi nagkita. kaya naman nagulat siya ng makitang ganito ang itsura nito ngayon Tila may mabigat itong pinagdadaanan "B..Buntis ako martie" Garalgal ang boses nito "Ano?!" Napatayo sa upuan si Martha sa sobrang gulat. Nagtinginan naman sakanya ang mga tao sa loob ng coffee shop kaya umupo siyang muli "A..Anong sabi mo gina? B..Buntis ka?!" Bulong niya sa kaibigan Kinagat nito ang labi at bigla nalang umiyak "Oo martha tatlong buwan na akong buntis.." "Oh..Shit!" Lumapit agad si Martha kay gina para yakapin ang kaibigan. "Manloloko siya! binuntis niya lang ako.. Ayaw niya akong panagutan.." Labis labis ang pagdadalamhati nito "Oh..God.. i still can't belive it.. " "Tulungan mo ako martha! Kailangan niyang panagutan tong dinadala ko" Iyak padin ito ng iyak "P..Paano naman kita matutulungan?" "Hanapin mo siya please.. Sabihin mo panagutan niya ako" Sumubsob ito sa mesa at umiyak ng umiyak.. Muntik pang matapon ang Ice coffee na iniinum nito kanina. "Ehh?" Nalilito si Martha sa gustong ipagawa sakanya ng matalik na kaibigan. Pero mahihindihan niya ba ito? Gayong ito ang tumulong sakanya para makapagtapos ng pag-aaral.. Ulilang lubos na kasi siya at ang kaibigan lamang ang naging sandalan niya sa buong buhay niya Sabay silang lumaki ni Gina.. Mayaman ito at mahirap lamang sila. Pero hindi naging hadlang para maging matalik na magkaibigan sila. Hangang sa namatay ang magulang ni Martha at kinupkop siya ng Pamilya ni Gina. Pinag-aral binihisan at minahal siya ng mga magulang nito. Ngayon pareho na silang Graduate ni Gina. Pareho na din silang nagtatrabaho sa isang Kompanya sa Makati.. Napakabait nito sakanya., Kaya kahit anong hilingin nito ay susundin niya "Please martie.. Papatayin ako ni daddy kapag nalaman niyang disgrasyada ako!" "Fine.. Fine.. Wag ka ng umiyak., Ako ng bahala sakanya" "Hindi ko kayang mawala siya martie.. Mahal na mahal na mahal ko si Calix Kolin" "Calix Cullen?" "Yes" Unti unti nalang itong nawalan ng malay "GINA! oh my god.. help us!" Nataranta siya ng bigla nalang hinimatay ang matalik niyang kaibigan.. Mabuti nalang madaming tumulong sakanya para madala agad sa pinakamalapit na hospital si Gina. Pinangako ni Martie sa sarili na hahanapin niya ang Calix Cullen na yon! Ngunit paano niya mahahanap ang Calix Cullen na yun kung pangalan lang nito ang binigay na inpormasyon ni Gina? Pag gising kasi ni Gina hindi na nila ito makausap.. Nakatulala na lang ito.. Oh God paano naman niya mahahanap si Calix Cullen?! On her way home napatingin siya sa isang Bill board.. napahinto siya sa pagmamaneho sa kahabaan ng Edsa ng mabasa ang pangalan ng Lalaking gwapo sa isang napakalaking Bill board! Calix Cullen!!!! Bingo! Ito na nga ang hinahanap niya! Ayon sa billboard ito ang pinakamayamang tao sa buong bansa. "Ang gwapo pala kaya pala ayaw panagutan ang bestfriend ko! humanda ka sakin!" "Hoy miss! Edsa to bawal huminto!" Sigaw ng truck driver kay Martie na nagpabalik ng pag iisip niya. "Sorry po!" Nagmadali na siyang magmaneho pauwi ng bahay nila..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD