Chapter 5

1458 Words
Nagising ako na parang lumulutang sa ere bago ko naramdaman ang malambot na kama. Nang makita ko kung nasaan ako ay doon ko lang napagtanto ang mga nangyari. "Nagising ba kita?" tanong niya. Umiling lang ako. "Pasensya ka na Shannen. Nakatulog na pala ako. Kamusta si Chardie?" nag-aalalang tanong ko. "Okay na siya. Huwag ka nang mag-alala. Hindi ka pa pala kumakain. Tara kain muna tayo sa baba para makaalis na rin ako," sabi niya. Sumunod na lang ako. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang gutom ko. Tahimik lang kami habang kumakain kaming tatlo. Oo, kasabay namin si Chardie at ang itsura niya, parang walang nangyari. Maliban lang sa kamay niyang may bandage at sa pisngi niyang may mga konting galos. "O paano, alis na 'ko," pambasag ni Shannen sa katahimikan. "Ihahatid na kita Shannen," sabi ko. "Huwag na Farah baka hindi ako lalo makaalis," sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. "For now ikaw muna ang magbantay kay Chardie. Napag-usapan na namin kanina ang tungkol doon," dagdag pa niya. "O-okay. Ingat ka Shannen," Sabi ko sabay tayo at inihatid siya sa may pinto. "Be safe Farah. Be happy," dabi niya at nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan sa may noo. Mabilis lang pero ewan ko ba. Nagulat talaga 'ko. Hindi ko naman kasi ine-expect e. "O-oo." Still I managed to smile back para 'di halata ang pagkailang ko bago siya sumakay sa sasakyan at pinanood ko na lang ang sasakyan hanggang makalabas ng gate. "Pasalamat ka at request ni Shan na mag-stay ka rito. Dahil kung ako lang, pinalayas na kita rito." Si Chardie yan na biglang sumulpot sa likod ko. "At oo nga pala, magpalit ka na ng damit mo." Napatingin naman ako sa suot ko. Wala namang problema. "Ayos naman ang suot ko," sabi ko sa kanya. "Manang Ising!" sigaw niya at kaagad namang lumapit si Manang sa amin dala ang dalawang maid's uniform. "O ayan na ang susuotin mo simula ngayon." Sabay abot sa akin ni Manang ng maid's uniform. "Baka kasi nakakalimutan mo na KATULONG ka. Kung kay Shan buhay prinsesa ka himbis na buhay alipin pwes sa akin bilang personal alalay ko kailangan alam mo ang mga gusto at ayaw ko at unang-una sa lahat ng ayaw ko ay ang pagiging PAKIALAMERA mo." Pinagdiinan niya pa talaga 'yong word na katulong at pakialamera dahilan para mapayuko na lang ako. Tagos na tagos sa puso ko ang mga sinasabi niya sa akin. Kahit naman hindi totoong mahirap ako, sa mata nilang lahat ng 'di nakakakilala sa akin ay mahirap lang ako kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod. "Pangalawa, ayoko ng istorbo kapag nasa kwarto ako," dagdag pa niya. "At panghuli, huwag na huwag kang lalapit sa akin or kahit dumikit sa akin kung hindi kita tinatawag." Parang ang hirap namang sundin lahat ng ayaw niya. "O-okay," pagsang-ayon ko na lang bago ako umakyat sa kwarto para magpalit ng damit. Makita ko pa lang ang damit na susuotin ko parang gusto ko ng magback-out. Nagulat naman ako ng pagbaba ko ay nakahilera ang mga katulong sa sala dala ang kani-kanilang bag. "A-anong meron?" nagtatakang tanong ko. "Pinagbakasyon kami ni Senyorito ng isang buwan," sagot ni Cathy, ang kusinera. "What?" Napabulalas ko na lang sa pagkabigla. Hindi yata ako prepared sa ganito. Anong gagawin ko ngayon? Wala akong alam sa trabahong bahay. "P-pero paano 'yong mga sahod niyo?" Tama. Paano ang sahod nila? "In-advance na ni Senyorito. Binigyan niya pa kami ng bonus. O paano, ikaw na ang bahala rito. Kita-kits na lang sa susunod na buwan." Bago sila tuluyang lumabas isa-isa. "T-teka, Manang, Cathy, Mang Teryo, Neri." Pagtawag ko sa kanila pero iniwan pa rin nila ako. "Hahahahaha!" Narinig ko namang tumatawa ang magaling kong amo kaya tiningnan ko siya ng masama. "O bakit? Gusto mo 'kong masolo hindi ba? Well, your wish is my command." Nakadekwatro pa na naupo siya sa sofa. "A-anong pinaplano mo?" tanong ko. Sa totoo lang parang ayoko na talagang tumuloy sa mga plano ko. "Pinaplano? Wala." Hinagis niya bigla sa akin ang walis. Of course alam ko naman ang tawag dito. "A-ano to?" tanong ko habang tintingnan ang walis na hawak ko. "Walis bobo. Simulan mo nang maglinis. Tingnan mo at ang dumi ng buong bahay," sabi niya sabay higa sa sofa. "You only have 3 hours para linisin ang buong bahay." What the? Linisin ang buong bahay sa loob lang ng tatlong oras tapos ako lang mag-isa? Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni hindi nga kami gumagamit ng walis sa bahay e. "Wala bang vacuum?" Nagbabakasakaling meron. "Meron," matipid na sagot niya at nagningning naman ang mata ko sa sagot niya. "Pero gusto ko walis ang gagamitin mo." "Pero Chardie..." "Isa pa pala 'yan. Call me Sir. Hindi tayo close baka nakakalimutan mo. Feeling close ka lang masyado. At isa pa sinabi ko na hindi ba? Ang gusto ko lang ang masusunod," seryosong sabi niya. Nakatayo lang ako at walang ginagawa. Paano ba naman hindi ko alam ang gagawin ko. "Time is running my dear." Pang-aasar niya pa. "Uhm... Ano... Sir Chardie..." Hindi ko masabi-sabi ang sasabihin ko dahil alam kong magagalit siya. "Ano?" tanong niya. "W-wala." Napangiwi na lang ako at nagsimulang igalaw ang walis. Batay sa napapanood ko sa T.V ganito ang ginagawa nila, 'yong parang isasayaw mo ang walis gamit ang kamay mo nang matabig ko ang vase. Basag! Bigla namang napabangon si Chardie at mukhang galit. Hindi pala mukha, galit talaga. "Ano bang kabobohan 'yan? Magwalis lang hindi mo alam? Tapos ang lakas ng loob mong pumasok na katulong dito," bulyaw niya sa akin. "S-sorry," sabi ko nang naka-peace sign pa. Napahilamos na lang siya ng kamay sa mukha niya. "Magdilig ka na lang nga sa garden," utos niya. Magdilig? Wow! Mukhang madali. Sige iyon na lang ang gagawin ko. Kaya naman lumabas na ako at kinuha ang hose sabay binuksan ang gripo at nagsimulang magdilig. "Ayan maligo pa kayo," masayang sabi ko nang lumabas si Chardie. "Papatayin mo ba ang mga halaman dito sa garden? Alam mo bang isang oras ka ng nagdidilig d'yan sa iisang halaman na 'yan. Tingnan mo nga 'yong iba roon, tuyot na tuyot na sa sikat ng araw," sermon niya sabay hablot ng hose. "Ganito magdilig." Pinakita naman niya kung paano niya binasa ang mga halaman ng halos sabay-sabay hanggang sa lahat ay basa na at sandali lang tapos na. "Pumasok ka na nga lang sa loob at magluto sa kusina ng meryenda. Gusto ko ng spaghetti," sabi niya kaya naman pumunta na lang ako sa kusina para 'di niya na ako bulyawan sa labas. Problema ko naman ngayon kung paano magluto ng spaghetti. Kaya naman pasimple kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at nagsearch kung paano magluto ng spaghetti. "Pakuluan daw ang pasta." Kaya ganoon nga ang ginawa ko. "Tapos igisa ang chopped garlic and onion." Bigla na naman ako napaisip kung paano icha-chop ang bawang at sibuyas. Kinuha ko nalang ang chopping board at tinadtad ang mga ito ng kung anu-ano. Iginisa ko ang mga ito sa mainit na kawali nang bigla itong magliyab sabay sulpot naman ni Chardie sa likod ko. "s**t!!!" sigaw niya sabay patay sa kalan at LPG Gas bago humarap sa akin. "Susunugin mo ba ang bahay ko?" "So sorry Sir Chardie. Hindi ko kasi alam kung paano --" Hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ko at agad siyang nagsalita. "Hindi mo pala alam, sana sinabi mo na lang!" Halatang inis na inis siya. Tama naman siya e. Kung sinabi kong hindi ko alam, wala sanang problema. "Kung sabagay, ano bang alam mo? Ang kulitin at bwisitin lang naman ako 'di ba?" Nagpipigil siya na sumigaw pero alam mo 'yong feeling na sinisigawan ka na niya sa utak mo pa lang. "Marunong akong mag-bake," sabi ko na lang baka sakali mawala galit niya. "Sigurado ka?" Paniniguro niya. Kunsabagay kahit siguro ako magkaka-phobia kapag ganoon kamuntikan ng magkasunog sa bahay ko. Tumango naman ako and this time hindi na siya umalis sa tabi ko at pinanood ako sa ginagawa ko. After 30 mins luto na ang brownies na ginawa ko. "Eto na Sir Chardie. Tikman mo." Ipinaghiwa ko pa siya at inilagay sa platito. Tinikman naman niya. "Hhmm..." Nakatingin lang ako sa kanya habang nginunguya niya ang brownies na ginawa ko. Hinihintay ko lang ang reaksyon niya. "Masarap," sabi niya kaya naman nagtatatalon pa ko sa tuwa. Yehey! Nagustuhan niya ang brownies ko. Sa wakas may nagawa rin akong tama. "By the way, pag-aralan mong maglinis ng bahay kung ayaw mong mapuno ng alikabok, sapot at gagamba ang bahay ko. In short, magmukhang haunted house," sabi niya bago sumubo ng isa pang brownies. Sumaludo naman ako sa kaniya habang nakatayo ng tuwid. "Sir, yes Sir!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD