Chapter 3: The Fall

2891 Words
"I'm Yule, angel of truth." Heaven's POV NAKATULALA ako sa may labas ng bintana ng aking kwarto. Hawak hawak ko yung feather na tumama sa mukha ko kanina. Sabi nina Melody, balahibo lang daw iyon ng kalapati pero sabi naman ng Lola niya ay hindi. "Ate Heaven!" Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto. Nakita ko ang pagpasok ni Sky. Dala dala niya ang doll niyang si Nirvana. "Ano yun baby?" tanong ko sa kanya habang nilalaro laro ang feather na hawak ko. "Wala naman po ate. Namiss lang po kita! Ano po 'yang hawak mo? Patingin!" inabot ko sa kanya yung feather na hawak ko. "Wow ate, feather ng angel!" tuwang tuwa siya niyan. Teka, pa'no niyang nalaman? "Feather yan ng angel?" tanong ko. Hindi rin kasi ako kumbinsido na feather yun ng kalapati. Di rin kasi ako sigurado sa lahat ng nakita ko kanina. Baka namamalikmata lang ulit ako. Grabeng pagkaparanoid na 'to, magpapacheck up na ako. "Opo ate! Sa panaginip ko, ganitong ganito yung feathers nila. Ate akin na lang 'to, please?" sabi niya with matching puppy eyes. Sino ba namang makakatanggi sa kanya? "Sige na nga, pero wag mong sasabihin kahit kanino na binigyan ka ni ate ng feather ng angel ha lalo na kay Mommy, secret lang natin yan." "Sige ate! Promise, di ko sasabihin kahit kanino lalo na kay Mommy!" she said with excitement. Mamaya kasi, mapagsabihan pa ako ni Mommy na niloloko ko ang kapatid ko at balahibo lang ng kalapati yung binigay ko sa kanya. Nagkwentuhan lang kami ni Sky about angels. Bale siya lang naman talaga yung nagkwekwento about sa mga ito since palagi niyang napapanaginipan ito. Nakikinig lang ako sa kanya. Same story pa rin, kinakantahan siya ng mga angel, nakikipaglaro sa kanya yung mga angel. Hanggang sa nakatulog na si Sky sa kwarto ko. Yakap niya si Nirvana. Kinumutan ko naman siya. Lampas alas dies na ng gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Lately, hindi ako makatulog ng ayos. Hindi ko alam kung may insomnia ba ako o ano. Mabuti pa yung kapatid ko e, sobrang himbing na ng tulog. Nang makaramdam ako ng uhaw ay bumaba ako at kumuha ng tubig sa may kusina. Ako na lang ang gising, maaga rin kasing natulog si Mommy. Tiningnan ko ang orasan, alas dies y media na at hindi pa rin talaga ako inaantok. Ilang araw na akong ganito. Magpabili na kaya ako ng sleeping pills kay Mommy? Nilaro-laro ko ang natirang tubig sa basong ininuman ko habang nag-iisip ng mga bagay bagay. Paano kaya kung buhay pa rin si Daddy hanggang ngayon? Siguro mas masaya kami nina Mommy. Sayang lang, kinuha agad ng maaga ni Lord si Daddy, hindi tuloy siya nakasama ng mas matagal ni Sky. Ganito lang ako tuwing gabi, kung anu-anong naiisip, lalo pa't hindi ako makatulog. Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang may mapakinggan akong dagundong sa labas, sa tingin ko ay galing ito sa may bakuran sa likod ng bahay. Parang may nagpatak mula sa bubong. Natakot ako bigla. Paano pala kung may magnanakaw? Binuksan ko yung ilaw sa kusina. Lakas loob, sisilipin ko kung anong meron sa may bakuran. Habang papalapit ako ng papalapit sa may pinto ay pabilis din ng pabilis ang t***k ng aking puso. Kinuha ko ang walis tambo sa may likod ng pinto, baka mamaya may masamang tao pala sa labas mabuti na yung may self defense. Unti-unti kong binuksan ang backdoor. Hawak hawak ko pa rin yung walis. Sisilipin ko lang naman kung may tao. Dahan dahan akong humakbang palabas ng kusina. "Araaaay." Nagulat ako nang may nagsalita sa kung saan. Boses ito ng isang lalaki. Hinanap ko kung nasa'n siya at pagtingin ko, nando'n siya sa may puno ng mangga. Nanlaki ang mata ko nang mapatitig ako sa kanya at mapagtanto kung ano siya. Sa sobrang gulat ay nabitawan ko pa ang walis. "Aaaah!!!" di ko napigilan, napasigaw na ako. "Patay." iiling iling niyang sabi sa akin. Ito na naman, nararamdaman ko na naman ang panlalamig ng buo kong katawan. Sa aking harapan ay may isang lalaking nagniningning ang balat sa sobrang puti. Kulay silver ang buhok nito. Mapungay ang kanyang mga mata, matangos ang kanyang ilong at may pagkarosy rin ang kanyang pisngi, isama mo na pati ang kanyang labi. Mukha siyang tao pero hindi. Wala siyang pangitaas kaya kitang kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Nakasuot lamang siya ng isang puting pantalon at wala siyang sapin sa paa. Sa isang iglap ay naramdaman ko na lang nasa likuran ko na siya. Ramdam ko ang hanging dala ng paghampas ng kanyang pakpak. Oo, may pakpak siya at katulad din siya ng mga nilalang na nakita ko nitong mga nakaraang araw. Lalo pa tuloy akong napasigaw pero sa pagkakataong ito, wala na akong boses. Nabitawan ko ang hawak kong walis ng mapahawak ako sa akin lalamunan ko. Sumisigaw ako pero walang nalabas na tinig. Ramdam ko ang malamig na hanging galing sa kanyang bibig, "Wag kang maingay." bulong niya sa akin at saka lumipad papunta sa aking harapan. Nakanganga lang ako for like 5 minutes. 'Heaven, nananaginip ka lang, hindi 'to totoo, walang anghel sa harapan mo, napaparanoid ka lang.' sabi ko sa sarili ko trying to convince myself. "Totoo ako." Nakangiting sabi niya sa akin. Teka nga, wala naman akong sinasabi sa kanya, paano niyang nalaman ang— "Nababasa ko iniisip mo." He said grinning. Matangkad lang siya sa akin ng konti. Muli akong napatingin sa kanyang pakpak. Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba? "Hindi ka nananaginip at lalong hindi ka napaparanoid. Totoo ako." sabi pa niya. Hindi ako makapagsalita at kung magsasalita man ako, ano namang sasabihin ko? "Wag kang matakot, mabait naman ako at—araaaaay." Napatingin ako sa kanang balikat niya, may malaki siyang sugat. Hindi naman ako natatakot. Hindi lang talaga ako makapaniwala. May anghel na bumagsak mula sa bubong ng bahay namin? "Hoy grabe ka, hindi ako bumagsak galing sa bubong niyo." Napatakip ako sa aking bibig. Nakalimutan ko, nababasa nga pala niya ang iniisip ko. "Heaven?" napalingon ako sa may pinto ng kusina. Si Mommy, papalabas si Mommy! "Magtago ka!" hinila ko siya at totoo nga, nahahawakan ko siya, ang lamig lamig niya. "Huh? Ano? B—bakit naman ako magtatago?" Dinala ko siya sa may likod ng punong mangga. "Lalabas ang Mommy ko, baka atakihin yun sa puso kapag nakakita ng gaya mo." Sakto namang paglabas ni Mommy ay naitago ko na yung anghel. "Heaven, anak, gabi na. Anong ginagawa mo dito sa labas?" "Ah-eh, ano kasi Mommy--" Hindi ako magaling magdahilan lalo na ang magsinungaling. Pero ano namang sasabihin ko kay Mommy? Nakarinig ako ng kalabog sa bakuran at lumabas para hanapin kung may magnanakaw ba o wala? At sa halip na magnanakaw ang makita ko, isang anghel na nahulog mula sa kung saan ang nakita ko? Ay naku! Bad idea. Mapapagalitan lang niya ako, pihado! "Ano?" tanong niyang muli. Napalinga ako sa paligid at nakita ko ang walis tambo na dala ko kanina. Dinampot ko ito at pinakita kay Mommy, "Ah ano Mommy, nagwawalis lang ako ng bakuran." palusot ko. Alam kong may mali sa sinabi ko. Saan ka nakakita ng nagwawalis ng bakuran ng gabi at ang gamit walis tambo? "Masamang magsinungaling." Napalundag ako sa gulat at napatingin sa aking kaliwa. Hindi ko namalayan, katabi ko na pala siya, ang anghel na aking nakita. "Bakit ka lumabas?" bulong ko sa kanya. Si Mommy naman ay papalapit sa amin. "Wag kang mag-alala, hindi ako nakikita ng Mommy mo. Pili lang ang nakakakita sa amin." Nakahingi ako ng maluwag sa kanyang sinabi. "Anak, alam kong hindi ka makatulog pero masamang magwalis kapag gabi." Pangaral ni Mommy sa akin habang papalapit siya sa amin. "Kasi baka lumabas ang swerte? Naniniwala ka sa ganung pamahiin Mommy?" tanong ko. Ano naman kasing masama sa pagwawalis sa gabi. "Hindi anak, ang masama dun, mahahamugan ka, mamaya magkasipon ka. Anong gusto mo, magkasakit ka?" Kinuha niya yung walis tambong hawak ko. "Tara na sa loob. Matulog ka na, malelate ka na naman niyan sa school mo bukas." Nilingunan ko ang katabi kong anghel. Hahawak hawak siya sa kanyang sugat. "Sige Mommy, susunod po ako." unang pumasok si Mommy sa loob ng bahay. Naiwan kaming dalawa sa labas. "So Heaven nga pala talaga ang pangalan mo, ang ganda naman." Puri niya sa aking pangalan. Ang lambing ng boses niya. Parang boses ng isang anghel na nahulog mula sa langit. Muli akong napatingin sa sugat niya. "Halika." Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya papasok ng bahay. Ang lamig talaga niya. "Teka, saan mo ako dadalhin?" tanong niya. Sa halip na sagutin ay pinaupo ko siya sa sofa sa aming living room. Kinuha ko ang medicine kit sa aking kwarto saka siya binalikan. Nakaupo lang siya do'n at lilinga linga sa paligid. Nilapitan ko siya at muli siyang napatingin sa akin. Hinawakan ko siyang muli, "Totoo ka nga." umupo ako sa tabi niya. "Anong gagawin mo?" kumuha ako ng isang cotton ball saka ko ito nilagyan ng beta-dine. "Gagamutin yang sugat mo." Idinampi ko ang cotton ball na may beta-dine sa kanyang sugat. Napaaray naman siya sa sakit. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Ang lamig talaga ng balat niya, parang yelo. "Nasasaktan din pala ang mga gaya mo?" tanong ko habang ginagamot siya. "Oo naman, hindi naman porke't anghel, invulnerable na, kapag nandito kami sa mundo niyo, nasasaktan kami." "Anong nasasaktan? Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ang laki ng sugat mo tsaka anong pangalan mo?" Sobrang dami ng tanong ang naglalaro sa aking isipan. "Akala ko tahimik ka, hindi ka kasi nagsasalita kanina. Madaldal ka pala, ang dami mo agad tanong." Siyempre naman, malamang tahimik ako kanina. Kanina kasi nasa state of shock pa lang ako. Ikaw ba naman makakita ng anghel out of nowhere, sinong hindi matatahimik no'n? "Sagutin mo na lang." ginagamot ko pa rin yung sugat niya. "Araaaay, dahan dahan naman." I glared at him, mukha naman siyang nasindak. "Easy. Ok? I'm Yule, angel of truth." Nakikinig lang ako sa kanya habang patuloy pa rin ang paggamot ko sa sugat niya. Angel of truth? Napakinggan ko na yun sa Tita ni Mirage dati nung bumili ako sa angel shop niya ng doll. "Ahh..okay. So Yule, bakit nagkaganyan ang balikat mo?" matapos kong linisin ang kanyang sugat ay nilagyan ko na ito ng band-aid. "Nakikipaglaro kasi ako sa mga ibon sa labas kanina. Natakot ata sila sakin. Sinugod nila akong lahat, natumba ako, nalaglag at tumama sa bubong ng bahay niyo. Nadali siguro yan ng yero." Pinapanood lang niya ako habang tinatapos ko ang aking ginagawa. "Ah..so anong ginagawa mo dito sa lupa?" pang-uusisa ko pa. "Pinababa ako dito ng hukom ng langit. Sabi niya sa akin, may nangangailangan daw sa akin. Kailangan ko siyang tulungan." Matapos kong gamutin ang sugat niya ay iniligpit ko na rin ang medicine kit. "Anong tutulungan? At paanong kailangan?" Inilapag ko ang medicine kit sa lamesa na nasa salas. Magkatabi kami sa sofa, ang laki nung pakpak niya, sakop ang buong upuan. Langhap ko rin ang amoy ng pakpak niya, mabango, hindi naman amoy kalapati. "Tutulungan, as in help." Tinaasan ko siya ng kilay. Pilosopo din pala 'tong anghel na 'to. "Paano ngang tutulungan?" Di ko mapigilang di magtaray, ang ayoko sa lahat yung pinipilosopo ako. "Chill, ito naman, linawin mo." Pangangatwiran niya. "Tutulungan in a way na—sandali, paano ko ba ieexplain sa'yo ng maayos. Ang hirap kasi e, medyo complicated." "Ok lang. Explain it sa paraang kaya mo. Nacucurious lang talaga ako." sabi ko. "Hmm, ganito na lang, naniniwala ka ba sa guardian angel?" tanong niya sa akin. Sinagot ko naman siya, "Hindi." Oo, hindi ako naniniwala sa guardian angel kahit pa may tunay na anghel sa harap ko. "Anong hindi?! Pwes, ngayon pa lang maniwala ka na, bawat anghel, may binabantayang tao dito sa mundo ng mga mortal." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya. Ang puti puti niya. Kumikinang kinang ang kanyang balat. Ang tangos ng ilong niya. Isama mo pa ang rosy cheeks niya. Ganito pala ang hitsura ng anghel sa malapitan. Nagpatuloy lang siya, ako naman ay patuloy lang sa pang-uusisa sa kanya. "Kapag kailangan na kami ng mga taong binabantayan namin ay dumadating kami. Tulad mo." Hindi ko pa rin maintindihan. Paano at kailan naman? At anong tulad ko? Itatanong ko palang sana ang mga bagay na naglalaro sa isipan ko pero mukhang nabasa na niya ang mga ito. "Paano, kalian at bakit ikaw?" Tumango ako. I badly want to know. "Ganito yan Heaven. Kapag emotionally down ang isang tao at kailangan niya ng makakaramay, sa panahong wala siyang makapitan, that's the time na dadating kami. That's the time na magbubukas ang third sense nila at makikita kami. Katulad mo. Siguro nagtataka ka kung bakit nakikita mo ako. Reason why is because, ako ang guardian angel mo. Malungkot ka, kailangan mo ako." Pagpapatuloy niya. Napataas ang kilay ko, ako? Malungkot? Anong pinagsasasabi nito. "Hindi naman ako malungkot e. Balisa lang siguro. Hindi rin ako emotionally down. Baka hindi ako ang hinahanap mo." Sabi ko sa kanya. Napatawa naman siya, "Imposible yun. Nakikita mo ako e." "Sabi mo nagbubukas lang ang third sense kapag malungkot, e sa hindi nga ako malungkot. Stress siguro? Oo. Stress nga siguro ako. Ano ba naman yung makakita ka ng mga anghel the past few days." Seryosong sabi ko sa kanya. Makulit din 'tong isang 'to. "Hmmm.." parang ayaw pa niyang makumbinsi. "Sige, tingnan mo na lang ako. Angel of truth ka diba, see for yourself kung nagsisinungaling ako." Tiningnan niya naman ako sa mata na para bang may binabasa siya. "Hmmm..bakit nga?" "Anong bakit nga?" "Mukha ngang nagsasabi ka ng totoo." "See? I'm telling you the truth. I never lied. Kanina lang." giit ko pa. Napakunot naman ang noo niya, nakatingin pa rin siya sa akin. Bigla ko namang naalala yung nakita ko nung isang araw. Yung anghel na hinahagod yung likod no'ng matandang namatayan ng anak. Siguro yun yong guardian angel nung matanda. Kaya niya hinahagod ang likod ng matanda kasi malungkot ito. So meaning, yung Lola ni Melody na nakitaan ko ng anghel gano'n din ang case? All this time malungkot ang Lola niya? Sabihin ko kaya kay Melody na pasayahin ang Lola niya? Pero paano naman? Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw si Yule, "WHAT?!" Napakunot ang noo ko, anong what ang pinagsasasabi nito? "Nababasa ko ang iniisip mo." Ah, kaya pala. And so? "Hindi ako ang unang anghel na nakita mo?" "Hindi. Nabasa mo inisip ko diba? Like what I said earlier baka stress ako. I already saw two angels before you." sabi ko. "So hindi nga ikaw ang hinahanap ko." "That's what I'm telling you. Hindi nga ako kasi hindi naman ako emotionally down. I'm fine. I'm always fine. Teka, am I?" Tumayo siya at inilapit niya sa noo ko ang kanyang kanang kamay. Hindi naman nakalapat, para lang may pinupunasan siyang ewan. "Dahil tanging ang guardian angel mo lang dapat ang makikita mo. Once na makakita ka ng anghel, kinabukasan paggising mo dapat limot mo na ang lahat." pinagpapatuloy lang niya yung ginagawa niya. "Teka nga, anong bang ginagawa mo? Anong dapat nakalimutan ko na?" medyo naiilang na ako, ano bang ginagawa niya. Maya-maya pa, tumigil na siya sa ginagawa niya. "Kaya pala, bukas ang third eye mo. Paano mo nagawa 'yon?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam, saka anong third eye ang sinasabi mo?" Naguguluhan na ako, anong sinasabi nitong anghel na 'to? "Third eye, di mo alam? Grabe ka naman. Pero kung sa bagay, di ka nga naniniwala sa amin e so baka nga hindi mo lang talaga alam." "So kasalanan ko pa? Ano ba kasi yang mga sinasabi mo? Bukas ang third eye ko?" Tumango siya, "Chineck ko yung sa'yo, bukas and third eye mo. May kakayahan kang makakita ng mga nilalang na nasa iba't ibang dimensyon ng daigdig. It's either inborn 'yan or there is someone who opened it for you." May naalala ako sa sinabi niya. Yung research ko about sa dimensions of the world. Sabi doon, may mga nilalang daw na nakatira sa fourth dimension. Pero paanong nagbukas ang sa akin? For sure hindi 'to inborn, nagsimula lang naman akong makakita ng anghel no'ng isang araw. I looked at Yule. Hindi ako nagsasalita pero mukhang nabasa na naman niya ang iniisip ko. "Kung hindi yan inborn, baka may nagbukas na iba para sa'yo." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. "So sinong nagbukas?" "Hindi ko alam. Pwedeng anghel na gaya ko, gnomes, good or evil spirits or worst, death Gods." Napalunok ako sa sinabi niya. "d-death what? S—so paano ko pala masasarhan 'tong third sense ko? Ayaw ko nito!" He sighed, "Kailangan mong makita kung sino man ang nagbukas ng third sense mo, siya lang ang makakapagsara n'yan." Tumalikod siya at pumunta siya sa front door namin. Teka, iiwan na niya ako? "Sige, Heaven, salamat sa paggamot ng sugat ko, kailangan ko ng umalis. Hahanapin ko pa ang taong nangangailangan sa akin." T-teka, aalis na talaga siya? Madami pa akong itatanong sa kanya. "Sanda—" At bago ko pa siya mapigilan ay lumipad na siya. Naiwan akong nakatayo sa may front door, "Yule!" Nageecho pa rin ang mga sinabi niya: "Kailangan mong makita kung sino man ang nagbukas ng third eye mo, siya lang ang makakapagsara n'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD