" Damn, Chloe!"
Hinawakan niya ito sa balikat at inilayo sa kanya. Bumadha ang pagka dismaya nito. She's pretty, dahil isa siyang rising star. Rich and spoiled na ginawang libangan ang pag aartista.
" Akala ko ayaw mo lang nang intriga, kaya iniiwasan mo ako sa Pilipinas?"
" I'm sorry, Chloe. May asawa na ako, I'm not on vacation. I'm on my honeymoon."
Sabi niya dito na sana tigilan na siya nito. Bukod sa ayaw niya nang eskandalo. Kahit maganda ito hindi niya nakikita ang sarili na kasama ito. She's too glamorous, at laging laman nang mga bar at party.
" Nagbibiro ka lang, Finn. We never heard you have a girlfriend. Ako pa lang ang rumor na girlfriend mo."
" Yeah, thanks to you."
Kasi ito din ang dahilan nang rumor na iyon, she sends his picture with her sa isang tabloid.
At ang mga rising star ay mas ginagawang trophy ang mga mayayaman na boyfriend.
Bumaba ang tingin nito sa kanyang daliri, kaya iniangat na lang niya iyon at itinaas sa tapat nang mukha nito.
" Arranged marriage maybe?"
Saka mapakla itong ngumiti, madami itong alam sa kaniyang pamilya. Ganun ito ka interisado sa kanya.
" Just leave me alone, Chloe."
"You on your honeymoon and yet you are here drinking alone? Hindi na ako magtataka na soon you will be free again. Maghihintay ako sa iyo Finn. That's how badly I missed you in my bed."
Napakuyom na lang siya nang palad nang humaplos ang mga palad nito sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong klaseng s*x ang pinagsaluhan nila at para itong nauulol na aso na gusto ulit siyang matikman.
Binayaran na lang niya ang inimom at iniwan ito. Isang malaking pagkakamali ang nangyari noon. Akala nila it was just casual s*x, pero nag expect pa pala ito nang mahigit pa doon.
Sa sala nang kanilang suite niya itinuloy ang pag inom. Hanggang makatulog na lang siya sa sofa.
Nagising na lang siya sa dahil sa tunog nang mga plato at kubyertos.
" Good morning, sorry to wake you up."
Sabi ni Ara na abala sa pag aayos nang breakfast table. Binuksan nito ang adjacent door na kanugnog nang veranda and it's overlooking the lake. The famous Swiss Riviera.
" No, it's okay."
Tumayo siya at nagtuloy siya sa banyo para maghilamos at mag toothbrush . Mabuti na din na dito sila kumain dahil baka makita pa niya si Chloe. Hindi siya sigurado kung ano ang iisipin nang asawa dito.
" Good morning."
Lumapit siya kay Ara at kinintalan ito nang halik sa pisngi. Isang malapad na ngiti ang ganti nito sa kanya.
" I'm getting used to your lips now."
Ginantihan niya ito nang ngiti at agad na inabot ang kape na ginawa nito.
" So where were you last night? I woke up and did not find you here."
Kaswal nitong sabi habang nagsisimula na kumain.
" I hang out in the bar, but I came early."
Sabi lang niya at tumango ito.
" I'm sorry about last night."
Kagat labi nitong hingi nang paumanhin.Hindi makatingin sa kanya.
" Apology accepted, Ara. Let's not talked about it anymore."
" Okay."
Sabi nito at ipinagpatuloy na nito ang pagkain.
" We will visit my favorite village here. I used to stay in Lauterbrunnen every time I came here."
Tumango lang ito sa kanya. Siya naman ay ganun na lang ang pagnanais na umalis sa hotel na ito kung saan nandito si Chloe. He's being chased by her. At iyon ang pinakaayaw niya sa mga babae.
Matapos nilang mag breakfast agad nilang ipinaalam sa front desk na mag early check out sila. Kaya matapos lang ang dalawang oras nasa lobby na sila.
" So, it's true. Akala ko nagbibiro ka lang."
Plano niya sana itong ignorahin pero, nakuha na nito ang atensyon ni, Ara, at mataman na nakatingin sa babae. They are exactly the opposite, Chloe wearing a sexy casual dress, fully made up that makes her elegant. Si Ara naman ay naka pantalon na maong at sweatshirt, at signature na flat sandals, and maybe just a powder and nude lipstick.
" Do you know her?"
Baling ni Ara sa kanya. Bago pa siya magsalita agad na inilahad ni Chloe ang sarili at nag pakilala.
" Hi, I'm Chloe. Finn and I used to share.."
" Chloe, this is Arabelle, my wife. I hope you don't mind but we're in a hurry."
Pag putol niya sa sasabihin nito. Pero isang nakakalokong ngiti lang ang ganti nito sa kanya.
" Finn, ngayon na nakilala ko ang asawa mo. Sa palagay mo, mawawalan ako nang pag asa? Mas bagay siyang maging alalay ko. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi kayo magtatagal. Kakainin siya nang insekyuridad niya, lalo na kung makita niya ang mundo mong ginagalawan."
Mahaba nitong sabi na nakapag pa kunot sa noo nang kanyang asawa.
" Marahil mas gusto kong makasama ang babae na katulad niya?"
Sabi niya at inakbayan ang asawa. Chloe just raised her brows.
" Let's see. Pero walang magbabago Finn."
Pagkasabi noon ay tinapunan nito nang tingin si Ara at tinalikuran na sila. Iginiya na lang niya ang asawa na alam niyang madaming tanong ang nabuo sa isipan.
Matapos maiabot sa kanya nang valet ang susi nang sasakyan ay pinagbuksan niya ang asawa na wala pa din imik. Umikot siya sa driver side at umalis na sila sa hotel na iyon.
" Don't bother yourself about Chloe."
Maya maya ay sabi niya nang nakatingin lang ito sa kanilang dinadaanan.
" She's very beautiful."
Sabi nito sa kanya, kaya bahagyang nagtangis ang mga bagang niya. Ito ang sinasabi ni Chloe, kasi halata sa tinig nito ang insekyuridad.
"You’re also beautiful, Ara. And you are more deserving of that word."
Sabi niya kaya napangiti naman ito sa kanyang sinabi.
" That's my girl!"
Sabi niya dito at masuyo pa niyang inabot ang pisngi nito.
" I should learn Tagalog. I feel like she said bad things about me."
Sabi nito at bahagya pa itong sumimangot, gusto niyang mapangiti dahil meron din palang pagkakataon sa buhay nito ang sumimangot.
" You don't like her huh?"
Baling niya dito.
" May God forgive me. But yes, I don't like her."
Hindi na niya napigilan ang mapatawa dito. Akala niyang walang masamang tinapay sa kanyang asawa.
" Don't worry, I don't like her either ."
Sabi niya kaya nagliwanag ang mukha nito.