" How's your day, Finn?"
Bungad agad sa kanya nang asawa, pag sagot niya nang tawag nito. Naging routine na nila ang mag tawagan, paggising sa umaga at bago matulog. Nagpapadala din siya nang mensahe kapag meron siyang lakad o gagawin.
" Tiring, mi esposa."
" Hmm, you tired asawa ko?"
Tanong nito, na hindi niya napigilan ang pag silay nang mga ngiti sa labi.
" Wow, you're improving. I'm so proud of you."
Aniya na napatawa naman ito dahil sa papuri niya.
"When do you want to visit me?"
Tanong niya dito dahil halos tatlong linggo na ang nakalipas at gusto na niya itong makasama.
" I will let you know, so far my Tagalog is still not great. I don't want to meet that girl and talked in front of me again as if I was not there."
Nahimigan niya ang pagkainis nito. Hindi talaga nito nagustuhan ang ginawa ni Chloe dito sa Switzerland.
" If you say so, mi esposa."
Sabi niya habang niluluwagan ang suot na necktie.
" Oh, before I forgot! I called you for a different reason now. I will be away maybe for two weeks. I want to be part of mission activities in an orphanage in one of the remote area in Murcia."
Paalam nito na halata ang kasiyahan. Dahil mula nang lumabas ito sa kumbento ay ito ang unang beses niyang babalik doon.
" As long as you will promise me that you'll be safe."
Tumango ito sa kanya at ngumiti dahil sa pagpayag niya.
" I will, you know how much I wanted to be with you."
Sabi nito na dama niya ang sinseridad.
" Okay, take care of yourself. Maybe I will be also busy this coming week."
Paalam din niya dahil simula sa susunod na lingo sisimulan na niya ang planong pagpapatayo nang bahay nilang dalawa.
Nagtagal pa nang ilang sandali ang kanilang pag uusap hanggang magpa alam na din ito.
Kaya naman nang mga sumunod na mga araw ay hinahanap hanap niya ang tawag nito na parang alarm clock niya sa umaga at lullaby sa gabi.
" Boss, dumating na po ang architect na ka meeting ninyo. Pinasok ko na po sa opisina mo."
Agad na salubong sa kanya nang kanyang secretary na pinasalamatan niya. Pagpasok niya sa opisina, napakunot noo siya dahil sa hindi inaasahan na tao na nanduon.
" Bianca?"
Agad na nag angat ito nang mukha mula sa painting na tinitingnan. At malaki ang ngiti na bumaling ito sa kanya.
" Hey, Finn. Long time no see."
Sabi nito at lumapit sa kanya, bahagya itong tumingkayad at humalik sa kanyang pisngi.
" Yeah, long time. How are you now?"
Ginantihan niya ito nang tipid na ngiti at lumapit na siya sa kanyang table at ibinaba ang bitbit na leather bag. Lumapit siya dito at minuwestra na maupo. Siya ay sa pang isahan na upuan at ito naman ay sa mahabang sofa.
" Gaano na nga ba katagal tayong hindi nagkita?"
Tanong niya dito nang maupo ito at bumaling sa kanya na nakangiti.
" Matagal na, it's been eight years."
Sabi nito at tumango tango siya. Mataman niya itong pinagmasdan. Ito ang una niyang naging kasintahan o mas tamang sabihin na first love niya ito. Hindi na niya makita ang simple na babae noon na laging nakangiti. She's sophisticated and looks domineering. But still, she's very pretty, kung paano nagustuhan niya ito noon.
Tumikhim ito na nakapag pahinto sa kanyang pagmamasid dito.
" Eight long years and it seems you changed a lot."
Sabi niya at tiningnan ito sa mga mata. Nagbawi ito ng tingin. Ito ang nag iwan sa kanya noon. Dahil sa mga pangarap nito.
" Hindi naman. How about you Finn? Bukod sa pagiging mas gwapo, what else is new?"
Tanong nito at saglit na sumulyap sa kanyang mukha.
" Madaming nag bago. I just got married. Kaya kailangan ko nang architect para sa ipapagawa kong bahay."
Sabi niya nawala ang ngiti nito at sumulyap sa kanyang mga daliri kung saan nakasuot ang kanyang wedding ring.
" Oh, congratulations Finn. Bakit hindi yata updated ang society page?"
Tanong nito na pilit tinatago ang pagka dismaya pero ilang taon din niya itong nakasama kaya alam na niya ang body language nito.
" It's just a solemn wedding. And she's from Spain kaya doon kami kinasal."
Sabi niya na nginitian ito. Tumango lang ito at agad na dinampot ang organizer nito.
" Si Sebastian ang nag recommend nang firm ninyo. Hindi ko alam na doon ka pala nag tatrabaho."
" I joined recently, after my masteral in the UK."
Tumango tango siya.
" Don't mind the budget, I want to build a house malapit sa lake. You've been there kaya may idea ka."
Tumango ito at agad na nag sulat sa organizer nito.
" I will just send my assistant sa susunod if I'm not available."
Sabi nito at tumango siya. Nag usap pa sila tungkol sa project na gagawin nito. Hanggang mapansin niya ang malungkot na pag sulyap nito sa kanya.
" Are you okay, Bi.?
Tanong niya na lalong nakapag pa lungkot dito.
" You used to call me that."
Halos bulong lang iyon pero nakarating sa kanyang pandinig.
" May iba na bang tumatawag sa iyo nang ganyan?"
Sinamahan niya nang ngiti ang tanong na iyon. Pero umiling ito.
" Masyado akong focus sa pangarap ko. Akala ko magiging masaya ako. But seeing you now, I want to question myself."
Pareho silang natahimik. Pero una siyang naka bawi.
" Don't say that, Bianca."
" Napakabait mo Finn, noon at kahit ngayon."
Sabi nito at muling bumalik ang ngiti nito sa labi.
" Iyan din ang sabi nang asawa ko."
Aniya at napatawa na lang siya nang maisip ang asawa.
Alam niya hindi siya nito hinihiwalayan nang tingin habang marahan siyang tumatawa.
" I'm glad you're happy just thinking about her."
Komento nito na may halong inggit sa kanyang asawa na hindi nito nakikita. Pero mabait si Bianca, kaya alam niya hindi nito sa sabihan nang masama ang asawa sa old fashioned style nito at simple sa lahat nang bagay.
" Thank you, Bianca."
Iyon lang ang nasabi niya sa dating kasintahan, o mas tamang sabihin sa nag iisa niyang naging seryoso na kasintahan.