Chapter 20 Luto ng Diyos

1113 Words
"Akala ko hindi ako gutom. But seeing this food, parang kaya ko itong ubusin lahat." Agad na komento niya nang makita ang pagkain. " Kumain ka nang madami. You need that." Sabi ni Finn at ito pa ang naglagay nang pagkain sa plato niya. " Te estas recuperando." Hindi niya napigilan na komento, pero nginitian lang siya nang gwapo niyang asawa. " Bakit kailangan ko bumawi? I'm doing this because I want you to get better. Madami pa tayo gagawin." " Like what?" Tanong niya na nagsisimula na siyang kumain, ganun din ito. " Hindi pa tayo nag ho-honeymoon, wife." Napaubo siyang bigla sa sinabi nito. Maagap naman siyang inabutan nito nang tubig. " Talking about the honeymoon and I'm still feeling sore. I'm not excited, Finn." Hindi niya napigilan na irapan ito. Pero may kaiibang kislap lang ito sa mga mata na nakamasid sa kanya. " Let's see." Sabi nitong parang naghahamon. Hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero nasa kalagitnaan pa lang sila nang late dinner nila nang pumasok ang mayordoma. " Senyorito Finn, meron pong naghahanap kay Senyorita Ara. Pinadala daw ni Senyorita Ezah." Napatingin siya kay Finn na agad hinarap ang mayordoma. " Pabalikin mo na lang siya.Sabihin mo tatawagan ko na lang si Ezah." Bilin nito sa kasambahay at muli silang iniwan. " I think I should call Ezah now. I disturbed her and yet I changed my mind." "She will understand. Let's finish our dinner at mamaya mo na lang siya tawagan." Sabi nito at bahagya lang siyang tumango at ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos kumain nanatili pa sila sa labas nang balkonahe. " Salamat nang marami sa inyong lahat." Pasalamat niya sa mga kasambahay na kumuha nang pinag kainan nila. Napabaling naman siya kay Finn na nakangiti na nakatingin sa kanya. " Bakit ka natatawa?" Hindi niya napigilan na tanong dito. " Wala. Hindi pa din ako makapaniwala na nandito ka." Lumapit ito sa kanya at inilahad ang mga palad na hinawakan niya. Inalalayan siya nito na tumayo at giniya sa baluster nang balkonahe. Masuyo siya ikunulong sa mga bisig nito mula sa kanyang likuran.Sumilay ang kanyang ngiti. " This is romantic." Aniya dahil sa hindi lang ilaw sa balkonahe kundi pati liwanag nang buwan ang tumatanglaw sa kanila. " Hmm, you never dream of this?" " I did when I was young. Noong ang favorite ko pa ay si Cinderella, Ariel and Belle." Sabi niya dahil iyon ang totoo, minsan nangarap din siya nang Prince Charming. " I hope you can trust me, wife. Sana hindi mo maramdaman ang pagsisi na sa akin ka natali at hindi sa simbahan." Naramdaman niya ang mas mahigpit na pag yakap nito. Kaya parang hinaplos ang kanyang puso. " Will you accept my shortcomings?" " Walang perpekto, ganun din ako. Who Am I to not accept and understand you?" " Will you support me with my goals?" " Of course, ganun ang mag asawa." Walang alinlangan nitong sagot. Kaya humarap siya dito at yumakap. " Just promise me one thing, wife. Wag ka naman basta basta mag alsa balutan sa simpleng problema. We have to talk about it." " Alsa balutan?" Tumawa si Finn sa tanong niya. "Means don't leave me. Pag may problema, let's talk about it and face it together. Lahat naman siguro nakukuha sa pag uusap." " I try Finn. With all my heart I will try." Bumaba ang mukha nito sa kanya, at sinalubong niya ang halik nito. Wala nang papantay sa romantikong eksena na iyon para sa kanya. They are kissing under the moonlight. Pero hindi nagtagal ang eksena na iyon dahil binuhat siya ni Finn papasok sa kanilang silid. Maingat na ihiniga sa kama at doon pinagpatuloy ang halikan nila na sinimulan sa balkonahe. Punong puno siya nang antisipasyon at takot dahil ramdam pa din niya ang sakit sa pagitan nang kanyang hita. " Not tonight, wife." Namumungay ang mga mata nitong sabi sa kanya. Alam niya handa ang kanyang asawa dahil sa matigas na bagay na tumatama sa kanyang puson. " Thank God!" Hindi niya napigilan na sabi na nakapag pahalakhak kay, Finn. " You're really amazing." Sabi nito at kinintilan siya nang halik sa noo bago umalis sa ibabaw niya at pumasok nang banyo. Habang nasa banyo ang asawa, kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Ezah. " I'm sorry, Ezah. Finn doesn't like the idea of staying in your condo." Hingi niya nang paumanhin nang sagutin nito ang tawag. "Okay na kayo?" Tanong nito, na agad naman nakapag pangiti sa kanya. " I think so, Ezah." "Mabuti naman. Basta wag mo kalilimutan, you are beautiful." Bilin nito na marahil hindi siya makadama nang insecurity. "Yeah, pinaramdam ni Finn na maganda ako." Nahihiya pa niyang sabi dito. " Aha! Nakatikim ka na?" Tanong nito na napakunot naman nang kanyang noo. " Anong natikman ko? What do you mean?" Nagtataka niyang tanong. " Luto nang Diyos as we call it" " What's that?" Naguguluhan pa din niyang tanong na tinawanan lang ni Ezah. " Malalim na Tagalog iyan. Alamin mo na lang sa susunod na mga araw." Natatawa pa din na sabi ni Ezah.Hindi nagtagal at nagpaalam na sila sa isa't isa. "Luto nang Diyos?Hmm, what she meant by that?" Bubulong bulong niyang sabi nang maibaba ang tawag. " Are you saying something?" Tanong ni Finn na hindi niya namalayan na nasa gilid na niya. " Oh, I called Ezah and told her I can't stay in her condo." Aniya na nagbaling nang tingin sa ibang deriksiyon dahil nakatapis lang nang tuwalya si Finn at bagong shower. " She should understand. Hindi na nga siya umuwi dito." Sabi nito at naglakad na papasok sa walk-in closet. Siya naman ay naglakad papunta sa banyo para mag toothbrush nang maalala ang sinabi ni Ezah. " Finn!" Tawag niya sa asawa na agad siyang nilingon. " What is luto nang Diyos?" Tanong niya na agad nakapag pasilay nang ngiti dito. " What exactly she told you? Ezah, right?" Tumango siya. " If I already tasted it. Luto nang Diyos." Ulit pa niya at natatawa naman na lumapit si Finn sa kanya. Nang nasa tapat niya ay bahagya itong yumukod hanggang mag pantay ang kanilang mukha. Hindi pa din nawawala ang ngiti nito. He looks very charming. " You just did, wife. And I promise I will not deprive you of that." Nanlaki ang kanyang mga mata at namula ang kanyang mukha sa pagkaka intindi niya sa sinabi nito. " T- that, that's-" " That's it, wife. We call it luto nang Diyos." Sabi nito at masuyo siyang dinampian ang halik sa noo habang hindi pa din nawawala ang amusement nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD