STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //GOALS #31// NAUNANG pumunta sila Jet kung saan gaganapin ang game. Kasabay naman ni Zoe ang mga roommates niya. Marunong palang mag-drive si Kellie at nagsakto naman sila sa kotse nito. Sa totoo lang, medyo kinakabahan si Zoe. Hindi mapalagay ang kaniyang kaluluwa sa kung anong pwedeng mangyari. Kaya naman bago pa may mangyari ay inunahan na niya. Pinauna niyang pumasok sila Erin sa stadium at nagpunta siya sa likod. Dito din kasi naganap noon ang pagka-sprain ng pulsuhan ni Jet kaya alam niya ang daan. Nag-text muna siya at sinabing kitain siya sa likod. Wala pang tatlong minuto ang kaniyang paghihintay kaya naman nang lumabas ang kaniyang kaibigan, mabilis siyang ngumiti. "Ross." "Hey," nakangiti na din nitong bati. Nakasuot ito n

