STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR //EPILOGUE// After a few years later... Kakagaling lang ni Jet mula sa training niya. Para na nga siyang makakatulog habang nagd-drive pauwi galing ng court. Pinatay na niya ang makina ng kotse at naupo muna panandalian. Bukas pa ang halos lahat ng ilaw sa loob ng bahay nila ni Zoe. Pagod na siya pero kailangan may energy pa siya pagpasok niya ng bahay. He gets out of his car and walks to his front door. Naririnig na niya ang ingay sa loob hindi pa man din niya binibuksan ang pinto. Isusuksok palang niya sana ang susi niya sa knob nang kusa na itong pumihit. "Daddy!" "Hey!" mabilis niyang bati dito at agad na binuhat ang anak niya. Humalik naman siya kaagad sa bilugang pisngi nito. "Where's mommy?" "Kitchen," sabi nito sa kaniya. "Z

