STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP WITH MR. POPULAR // GOALS #24 // "ARE you okay?" Nabaling ang atensyon ni Zoe sa lalaking kumausap sa kaniya. Si Ross. Nakaupo na sila sa isang sofa dito sa Sanctum. Madilim ang paligid at violet at pink ang ilaw sa loob. Puro videogames ang nakapaligid sa kanila. "Yeah, I'm fine," sagot niya at napaikot ang tingin. Mayroon namang dumaan na lalaki na binati si Ross. "How come you have so many friends here?" tanong niya sa bagong kaibigan. "I'm a regular here. Is this not your kind of thing?" Umiling si Zoe. "I'm more a... home girl." "And why aren't you home right now?" Umiling siya kay Ross. She couldn’t tell him that she was trying to forget about the problems they have. Bakit ba kasi siya nandito sa California? Dapat nasa Pilipinas lang siya

