"K..kasi Lady sabi nila k..kinulam mo lang daw ang Kamahalan kaya pinansin ka dati. Pero nalaman daw siguro ng Kamahalan kaya hindi na pumupunta dito." Sabi ni abay Han. Huminga ako ng malalim. "Saka sabi din nila. Hindi na daw tayo pupuntahan ng Kamahalan. Kasi ang Empress na gabi gabi ang pinupuntahan ng Kamahalan. Sabi daw ng Empress sisiguraduhin daw niya na magbubunga ang pag lalagi ng Kamahalan sa palasyo niya at kapag naging Reyna na daw siya gagawin ka daw niyang utusan. Tutal naman daw sanay ka na daw dun." Sabi naman ng isang abay ko. "Haaays...Heto na naman kami." Inis kong bulong sa sarili ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wag niyong patulan ang mga naririnig niyo." Sabi ko sa kanila. "Hindi po talaga namin sila pinapansin. Kaso tinapon nila ang mga damit na

