"Sa balon Ginang Sun." Sagot nito. Agad kong sinuot ang pang ibabaw kong damit at tinali ito hinila ko na si Chin papunta sa balon. Habang naglalakad kami sige ang tanong ko kung anong nangyari. Sinabi niya lahat sa akin. Pagdating namin na kita ko na hinahataw ng pamalo ang abay ko ng pang apat na asawa ng Hari. Galit kong inagaw ang kahoy na pinanghahataw niya sa abay ko saka ko binali ito. Galit.galit siyang humarap sa akin. "Abat! Sino ka para baliin ang kahoy ko. Gusto mo pati ikaw hatawin ko." Sabi niya sa akin na lalo lang nagpainit ng ulo ko. "Sige subukan mo.!" Galit na galit kong Sagot sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko. "Han tumayo ka diyan.!" Sabi ko sa umiiyak na si Han. Tatayo na sana ito ngunit nagsalita na naman ang pang apat na asawa ng Hari. "Subukan mo at dad

