Tanghali na ako na gising kinabukasan kasi maguumaga na ng dalawin ako ng antok dahil sa kakaisip sa nangyari sa batis kagabi hindi ko namalayan na nakabalik na kami sa kubol hinatid kami ni General Ren. Umalis lamang siya ng makapasok na ako sa loob ng kubol wala kaming imikan habang pabalik. "Buti gising na po kayo Lady, nasa labas na po ang pang hilamos niyo. Nais niyo po bang maligo ngayun ihahanda ko po ang pampaligo niyo." Sabi ni abay Han tinatamad na bumangon ako. "Hindi na naligo na naman ako kagabi saka sigurado ako na maraming tao ngayun dun. Ihanda mo na lang ang susuutin ko." Sabi ko sa kanya. Saka lumabas para maghilamos ng pabalik na ako sa loob sinalubong ako ni Ginoong Don, may inabot sa akin na isang pompon ng bulaklak. Nagtataka na tiningnan ko ito. "Pinabibigay po

