Chapter 10

2169 Words

"Salamat Lady Roa." Sabi nito sa akin. Hindi na lang ako umimik At umalis na kami. Pagdating namin sa palasyo, naka helera ang mga yunok na may dalang pagkain sa harap ng pintuan ng silid ng Kamahalan. Tumingin ang mga ito ng dumating kami. Kinuha ko ang tray na may laman na pagkain, umuusok pa ito. Nung una nagaalinlangan pa ang mga yunok pero ng tumango si punong yunok Peng binigay nila agad sa akin ang tray ng pagkain. "Narito si Lady Roa kamahalan!!" Sigaw ni punong Yunok Peng. Maya maya may nagbukas si General Ren. "O, Lady, pasok ka." Sabi nito. Saka binuksan ang pintuan at pinapasok ako. Pagkapasok ko nakita ko na nakayuko ang kamahalan ni hindi tumingin sa akin. Lumabas si General Ren ng makapasok na ako kaya naiwan kaming dalawa ng Kamahalan sa loob, nailang tuloy ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD