Pinagpahinga niya ako sa araw na to hindi niya ako pinapupunta sa Palasyo. Nagpaalam na siya sa akin ng nasa labas na kami saka ako hinalikan bago sumakay sa kabayo niya. Nahihiya akong hinampas ko siya sa braso. "Bakit.!" Painusenteng tanong niya nagtawanan ang mga yunok pati ang mga Kasama ko sa bahay pati narin si General. Nagiwan pa siya ng habilin na magpahinga ako bago nagpaalam na at pinatakbo na ang kabayo. Sabi niya babalik daw siya mamayang gabi. Nangingiti ako habang tinitingnan siya na umalis. "Uuy! Ang Zhine'ng kinikilig sa Kamahalan. Kayo naba Zhine'ng Roa?" Tanong nila abay Han sa akin ng mawala na ang Kmahalan. Napa tingin ako sa kanila saka ngumiti. "Kinikilig ako sa inyo. Zhine'ng Roa lalo kang gumanda ngayun halatang halata na may minamahal ka." Sabi ni abay Han.

