Isang puting bestida lamang ang napili kong suotin para sa pagsisimba. Ayaw ko sanang suotin ito dahil ayaw ko sa kulay na puti. Para sa akin kasi ang kulay na ito ay nagsisimbolo ng puri ng isang tao. Puri? Matagal na nawala sa akin 'yan. Wala na akong natitirang puri na maipagmamalaki sa ibang tao. Kaya ayaw ko sanang magsuot nito dahil pakiwari ko ay nababahiran ng marumi kong pagkatao ang kulay na 'to.
"Ready na ako." Biglang pumasok si Marya sa kuwarto ko at nanlaki ang mata ko dahil sa gulat nang makita ko ang ayos niya.
"Marya! Hindi tayo sa bahay-aliwan pupunta. Ano ba'ng damit 'yan?" puna ko sa kan'ya. Sino ba naman ang hindi magugulat sa ayos nito? Nakasuot si Marya ng isang red spaghetti strap dress na below the knee ang haba. Pinaresan niya rin ng hoop earrings na siyang kadalasang ginagamit namin kapag nagtatrabaho. Suot din ni Marya ang killer heels nito na may mahabang takong. In short, hindi angkop ang damitan niya ngayon sa pupuntahan namin.
"Ano ba'ng problema mo riyan Lena?" Saglit niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong nahiya sa ginagawa ng kaibigan. Hindi kasi talaga ako sanay na nagsusuot ng ganitong damit. "Pak! Sino ka riyan? Dinaig mo pa si Mama Mary, ang bongga mo. Plus points ka kaagad sa langit Lena!" dagdag pa ni Marya na nagpangiti sa akin.
"Ano ba, wala kasi akong ibang damit na pansimba eh. Lahat ng damit ko ay pang-pokpok kaya no choice ako."
"Bagay nga sa'yo eh, mukha kang mamahaling tao. Kung hindi lang talaga tayo magkakilala ay aakalain kong galing ka sa mayamang pamilya. Atsaka bagay sa'yo ang puti Lena!" si Marya. Napatingin ako sa suot ko at napaisip. Kung sana talaga ay lumaki akong mayaman noon, baka hindi ko ikahiya ang pagsusuot ng puting damit ngayon. Pero hanggang pag-iimagine na lang ako dahil iba ang reyalidad sa lahat ng naiisip mo. Life is so much cruel than we thought. Lalo na sa isang kahig at isang tuka na gaya ko. Kung hindi ka makasabay sa agos ng buhay ay talagang aanorin ka nito.
"Magpalit ka nga Marya, gusto mo ba'ng pagdiskitahan na naman tayo nila Aling Bonita dahil diyan sa suot mo?" sita ko sa kan'ya.
"What's wrong with my… Ano nga ulit english ng bestida?" nahihiyang tanong pa nito.
"Huwag ka na kasing mag-english Marya, umalis ka na nga at dapat nakabihis ka na within 5 minutes dahil iiwan talaga kita rito," pagbabanta ko. Kumaripas ng takbo ang bruha at halos matumba pa ito sa may pinto nang matapilok.
Lumabas ako sa kuwarto at sa sala ako naghintay. Nasa iisang bahay lang kami ni Marya. Isa itong compound para sa mga babaeng tulad ko na nagtatrabaho bilang entertainer sa bahay-aliwan ni Mother Lily. Bata pa lang ako ay namulat na ako sa ganitong gawain dahil sa mama ko. Dati rin kasing nagtatrabaho ang ina ko sa lugar na'to. At kapag nandirito siya ay nasa taas lamang ako at nagmamasid sa lahat ng ginagawa niya. Noong una ay nalilito ako. Araw-araw kasi ay iba-iba ang lalaking nakakasama ni mama. Kaya nang tanungin ko siya patungkol sa totoo kong papa noon ay wala itong maituro. Siguro dahil sa dami ng lalaking dumaan sa buhay niya ay hindi niya na alam kung sino ang nakabuntis sa kan'ya.
Pagkasilang ko pa lang ay nagisnan ko na agad ang makasalanang mundo. Namulat ako sa ganitong pamamaraan ng pamumuhay kaya hindi naging mahirap sa akin ang pasukin din ito. Hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo dahil wala naman akong pera. Sinubukan ko naman noon na magtrabaho ng marangal pero sadyang malupit ang tadhana sa akin. Ilang ulit na ako muntik ma-rape ng mga lalaking amo ko. Ilang sampal, sabunot at bugbog ka rin ang tinamo ko dahil sa mga babaeng nagseselos sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko na mabilang kung makailang ulit na akong ipinahiya sa madla dahil lamang sa mukha ko. Para sa iba, isang biyaya ang pagkakaroon ng natatanging ganda na kinahuhumalingan ng lahat. Para sa ibang kababaihan, ay isa itong sandata ang ganda sa mundong 'to pero para sa bata kong puso noon na ang gusto lamang ay mamuhay ng marangal at makapag-aral, isa itong sumpa sa pagkatao ko. Ito ang naging dahilan kung bakit iba ang turing nila sa akin. Bilang isang anak ng puta ay puta na rin ang tingin nila sa isang menor de edad na tulad ko noon. Bago namatay si mama ay iniwanan niya ako ng malaking utang sa lending. Kaya napilitan ako pumasok bilang entertainer kay Mother Lily sa edad na katorse.
"Siguro naman ay okay na itong suot ko?" tanong ni Marya. Agad nagbalik sa kasalukuyan ang isip ko. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ang kaibigan. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot na kasi siya ngayon ng isang dilaw na bestida na may kahabaan. Wala na rin ang malaking hoops earing nito sa teynga at imbes na red lipstick ang nasa labi nito, ngayon ay rosy pink shade na. Nagmukha siyang teenager sa suot at ayos niya ngayon.
"Ayan! Nagmukha ka ng anghel."
"Manang kamo, atsaka ano ba naman ito Lena. Parang sa panahon pa ata ito ng dinosaur nanggaling. Hindi ko nga alam kung bakit may ganito akong damit eh!" angal ni Marya. Nakabusangot ang mukha nito habang malaki ang panghihinayang sa mukha.
Nang makalabas kami ay may biglang pumaradang tricycle sa harap namin.
"Oh Berto ko!" Napataas ang kilay ko nang makita ko si Marya na lumambitin na parang unggoy kay Berto. Si Berto ay kasamahan din naman sa trabaho. Nagtatrabaho ang lalaki bilang waiter sa bahay-aliwan kung saan kami nagtatrabaho ni Marya bilang entertainer.
"Hoy babae! Magtigil ka nga, pinagtitinginan na naman tayo ng mga tao!" saway ko kay Marya.
"I don't ker," matigas nitong saad.
"Cher ata 'yon bunch," pagtatama pa ni Berto. Napapikit na lamang ako at kinalma ang sarili. Itinama niya pa si Marya eh mali rin naman pala siya.
"Hoy tumigil kayo. Atsaka CARE 'yon, hindi ker atsaka cher. Diyos ko naman!" Napahilot ako sa sentido ko at hinayaan ko na lang silang dalawa sa labas na maglampungan. Nagpatiuna akong pumasok sa loob ng tricycle. Kung hindi lang talaga dahil sa kuryosidad ko ay hindi ako magsisimba.
Naniniwala naman ako sa Diyos pero hindi ako nanampalataya sa kan'ya. Sa kaibuturan ng puso ko ay kinukwestiyon ko ang kakayahan niyang iligtas ako. Hindi naman ako dating ganito. Madasalin akong tao. Pero no'ng minsan ay nagsimba ako ay sinugod ako ng isang babae. Pinagbintangan niya akong inahas at inakit ko raw ang asawa nito. Ni hindi ko nga alam kung sino ang asawa niya. Kinaladkad niya ako palabas ng kapilya at pinagtulungan ako ng mga taong bugbugin at ipahiya. Galing ako sa pagod no'n at kamuntik pa akong magahasa ng amo ko nang umagang 'yon. Tumakas lang ako para sana ay magsimba at humingi ng tulong sa Diyos. Sa edad na katorse anyos ay naging malupit na ang buhay sa akin. Kamuntik ko ng kitilin ang buhay ko kung hindi ako napigilan ni Mother Lily.
"Ano ba 'yan bunch, tignan mo tuloy kinalat mo pa ang lipstick ko," malanding wika ni Marya. Nakasakay na rin ang kaibigan at parehong nasa harapan kami umupo habang nag-da-drive naman si Berto.
Marahan kong kinurot si Marya sa tagiliran dahil hindi ko alam na may relasyon pala sila ni Berto.
"Aray." Napahawak pa ito sa tagiliran atsaka bumulong sa akin. "Ano ka ba Lena, physical abuse ka ha?!"
"Good job sa'yo at tumama ka na rin sa pag-eenglish mo! Bruha ka, kailan pa kayo ni Berto? Lagot ka talaga kay Mother. Alam mo naman ang rules di ba?" pangangaral ko sa kan'ya. Masyado talagang rule breaker itong si Marya kaya lagi na lang siyang pinagsasabihan ni Mother dahil sa ugali nitong takaw-gulo at ang matigas nitong ulo.
"One week pa nga. Weeksary namin ngayon. Kaya mag-cecelebrate kami, kaya nga magsisimba di ba?" sagot niya sa akin.
"One week pa lang kayo pero kung makalambitin ka, dinaig niyo pa ang nakailang anniversary na!"
"Ang KJ mo," bulong pa rin ni Marya sa akin. "Alam mo 'yang si Papa Berto, galante kasi Lena. Lagi-lagi akong nililibre ng isaw sa may kanto kaya sinagot ko na!" Isaw? Isaw lang ang kapalit nito atsaka sinagot niya na? Ang hina talaga ng kokote nitong si Marya kaya naloloko eh.
"Nilibre ka lang ng isaw um-oo ka kaagad?" Patuloy pa rin kami sa pagbubulungan mabuti na lamang ay maingay itong tricycle kaya hindi kami naririnig ni Berto. "Umamin ka sa akin, nag-s*x na kayo no?!" Bigla namang namula ang gaga at agad itong nag-iwas ng tingin.
"Ano ka ba naman Lena, ang bastos ng bunganga mo," pa-virgin nitong sagot. "Ano kasi… half s*x pa lang nama, ehhhh!" kinikilig pa nitong wika.
"Umayos ka nga. Sundutin ko 'yang matres mo eh. Siguraduhin mong hindi malalaman 'yan ni Mother."
"Oo na, nag-iingat naman kami. Nasa touching stage pa lang naman kami bestie, hindi pa kami umaabot do'n sa, alam mo na. Wala pa nama'ng nangyayaring tusukan ng laman!" hagikhik pa nito. "Pero swear bestie, malaman si Berto kaya nga sinagot ko rin eh, 7 inches bestie!"
Hindi pa nga kami nakakapasok sa simbahan ay mukhang madadagdagan na naman ang mga kasalanan namin dahil sa pinag-uusapan namin ngayon.
"Sagad hanggang sa trot Lena!"
"Anong trot uy? Throat 'yon."
"Ay throat ba 'yon? Hayaan mo na, magkatunog naman." Atsaka bumuhalakhak ito ng pagkalakas-lakas.
"Akala ko ba nasa touching stage pa lang kayo? Bakit may pagsubo na nangyayari?"
"Practice nga 'yon. Kasi di ba may kasabihan? "Practice makes you an expert!"
"Perfect 'yon, bahala ka na nga!" saad ko na may bahid na kunsemisyon ang tono.