Chapter 31 Dahan-dahan na iminulat ni Ayane ang kanyang mga mata dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa may mukha nya. Bahagyang napangiti si Ayane habang dahan-dahan na bumabangon sa kama nya at bumabalik sa isipan nya ang nangyari sa kanila ni Demon sa buong gabi na nagdaan. Hawak-hawak ni Ayane ang kumot na tumataklob sa kahubdan nya at nilingon ang kabilang side nya pero wala si Demon sa tabi nya. Hindi pinagsi-sisihan ni Ayane ang nangyari sa kanila ni Demon, buong puso nyang ibinigay dito ang kanyang sarili dahil para sa kanya si Demon na ang gusto nyang makasama habang buhay. Ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi ang hinding-hindi nya makakalimutan. Akmang bababa sa kama nya si Ayane ng bahagya syang mapangiwi dahil sa kirot na naramdaman nya sa ibabang bahagi ng katawan nya,

