Chapter 01

5658 Words
"Mesmerize, it's a sudden reaction which you see something that make you stop and then you feel your heart starting to beat abnormally. Warning; When you start to mesmerize, it will stuck in your head and you will always think of it and search for it." - MS. RHEN A. Chapter 01 "Bakit ba laging ako ang pinapatapon mo sa Japan Luci--i mean Dad? Kakagaling ko lang dun last month tapos ako na naman? Hindi ba pwedeng si kambal naman?" Mataman lang na nakatingin si Uncle Henry kay Demon habang nagrereklamo sa harapan ng table nya, kakauwi lang ni Demon matapos nitong maihatid si Rinka sa Ospital at pagkauwi nya ay dumeretso na ito sa opisina ng kanyang ama. Hindi malaman ni Demon kung bakit sya nalang lagi ang inaatasan ni Uncle Henry na pumunta sa Japan para asikasuhin ang negosyo nila doon na Wine exporting, nasa japan ang main headquarters ng negosyo nila at hindi na yata mabilang ni Demon kung ilang beses na syang pumupunta doon. Wala pa sa listahan ni Demon na asikasuhin ang negosyo nila dahil nage-enjoy pa sya sa panga-ngarera. Isa pa, alam nyang mababawasan ang oras nya sa karera at sa mga kaibigan nya pag inasikaso na nya ang negosyo nila at parehas lang sila ni Devil na ayaw munang hawakan amg pamamahala ng negosyo nila. Malakas pa din ang kanilang ama kaya hinahayaan nilang ito ang mag asikaso ng negosyo nila para na din malibang ito at hindi na tumambay sa kwarto nya. "Umaangal ka na naman Denver, you just need to visit the plantation of our wine in Japan. Supervise them for a day then that's it, bumalik ka na ulit dito sa pilipinas you lazy brat." sighal sa kanya ng kanyang ama na ikinapatong ni Demon ng kanyang dalawang kamay sa mesa ng ama "Can you just call your secretary there, aba Dad! May karapatan din akong makipag bonding sa lil'sis ko bago sya ikasal kay Ignacio kaya call your sec---" natigil sa pagsasalita si Demon ng may mga litrato ng mga kotse nya ang iniharap ng kanyang ama sa kanya na ikinasalubong ng kilay nya bago nilingong muli ang ama "Why do you have some pictures of my babies?" "Kung hindi ka pupunta sa Japan bukas, isa sa mga babies mo ang ipapadurog ko. Don't try me Denver, you knew i can ruin your one million dollar cars in a swift." ngising banta ni Uncle Henry na saglit na ikinatahimik ni Demon. Tinitigan ni Demon ang nakangising ama na kilalang-kilala niya na gagawin nito ang banta nito sa kanya na bigla nyang ikinangisi "Your blackmailing me once again Lucifer." "I am son, and my blackmail is not a bluff." Natatawang umayos ng pagkakatayo si Demon at inilahad ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang ama. "Where's the f*cking ticket? Kaysa naman madurog ang isa sa mga babies ko, oo na sige na, ako na lang ulit ang magpapatapon sa Japan." Malawak ang ngising binuksan ni Uncle Henry ang kanyang drawer sa bandang kanan at kinuha ang ang hinihingi ng anak na agad nitong iniabot kay Demon. In Mondragon's house they have two rules that they need to obey, first no one should not ever mention their mother's name because their father will be devastated again. Second, no one should defy their father's order or else something precious on them will be gone. Simula ng mawala ang kanilang reyna, silang tatlo ay kumukuha ng lakas sa isa't-isa, they loved each other pero hindi lang nila pinapakita they rather show it by action and not by words and now Irish came in their lives kaya mababawasan ang kalungkutan na nararamdaman ng kanilang ama. "After you supervise the plantation come back here early so we can convince Irish to delay her marriage to Paxton." pahayag ni Uncle Henry na naiiling sa ama "Aish! Nagkasundo na kayo ni Ignacio diba? Masama ang ganyan Dad, tsaka wala ka ng magagawa patay na patay ang bunso natin kay Ig-" Bahagyang napaatras si Demon ng biglang tumayo ang kanyang ama at binibigyan sya ng matalim na titig na kulang nalang ay batuhin sya ng kung anong pwedeng maibato sa kanya. "Get out of my office you son of a b***h! Hindi mo man lang kayang suportahan ang tatay mo!" "Common Dad! Huwag kang magpa kakontrabida sa buhay pag-ibig ni Tanya baka magtampo 'yun sayo tsaka remember Dad, anak mo ko kaya sarili mo ang tinatawag mong bitc--sabi ko lalabas na ako eh!" Mabilis na lumabas si Paxton sa opisina ng ama nya dahil may hawak ng itong matigas na bagay na ibabato kay Demon. Napapailing nalang siya sa kanyang ama, ang ugali nito ay pinagsamang sya at sa kambal nya kaya mas malala pag ang ama nila ang tinoyo. They gave their father a nickname which is Lucifer dahil sa pag uugali nito, besides naisip nya noo na hindi lang pwedeng silang kambal ang may pang lupang pangalan kaya dinamay na nila ang kanilang ama. Nilingon ni Demon ang hawak na ticket bago papalakad na lumayo sa opisina ng kanyang ama ng makasalubong nya ang kambal at si Irish na kakagaling lang sa garden nila. "Andito ka na pala Kuya Demon, kanina ka pa ba nakauwi?" malawak na ngiting tanong kay Demon na ikinangiti nya narin. "Kani-kanina lang lil'sis, galing ako sa opisina ni Lucifer." pahayag nya bago poker face na binalingan ang kambal na nakipagtitigan lang sa kanya bago nya ito nakitang bahagyang ngumisi "What time is your flight, i'll take you to the airport." alok ni Devil sa kanya na ikinailing nalang nya. Hindi nya kayang sungitan ang kambal dahil unang-una, wala itong epekto sa kambal nya at mas masungit ito sa kanya. Isa pa, masyado nyang pinahahalagahan ang kambal kaya hinahayaan nya nalang itong sya ang mapagkaisahan lalo na pagdating sa negosyo nila. Minsan lang kung magka-initan ang kambal na paranf world war III ang sagutan nila na sinasamahan nila ng kaunting sakitan. Huling away nila ay yung pinapatigil nya si Devil sa pagkakaroon ng feelings kay Gail. Dalawa lang tao lang ang kayang magpatigil sa kanila pag nagkaka initan silang dalawa ng kambal nya, una ay si Taz at pangalawa ay ang kanilang ama na panunuorin muna silang mag away bago ito mangielam. "10am ang flight ko pero babalik ako agad, teka lang anong ginawa nyo sa garden ni Tanya?" pag iibang usapan ni Demon na malawak ang ngiting si Irish ang sumagot "Tinuruan akong magbasket ball ni Kuya Devil tapos nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay pag-ibig nya." "Eh?Talaga?So twinnie nag open up ka na pala kay Tanya about sa undying one sided love mo kay Gail ah. Muntik na bang umiyak si kambal ha Tanya." ngising pang aasar ni Demon sa kambal na sinamaan ng tingin ni Devil "F*ck you Demon!" mura ni Devil sa kanya bago sila iwan nito na malakas na ikinatawa ni Demon na ikinanguso naman ni Irish dahil sa ginawang pang aasar ni Demon sa kambal nya. "Ikaw talaga, hindi mo dapat inaasar ng ganun si Kuya Devil. Ayan tuloy, na galit sya." "Sorry lil'sis, sinasanay ko lang si kambal para mas madaling maka move on 'yun." sagot ni Demon na ikinaakbay nya kay Irish "Bukas ang flight ko, baka ilang araw ako sa Japan kaya wala ako sa preparation ng kasal nyo ni Ignacio. May gusto ka bang pasalubong lil'sis?" "Wala naman Kuya Demon, huwag ka lang mawawala sa bachelor party nyo nina Paxton dahil baka magtampo ang isang 'yun." paalala ni Irish na ikinangisi ni Demon "Hindi naman marunong magtampo ang tangnang 'yun, mag uuwi nalang ako ng mga haponesa para may sasa---Aray naman lil'sis." natatawang hindi natuloy ni Demon ang sasabihin nya ng hampasin ni Irish ang tiyan nya "Subukan mo lang Kuya Demon, tsaka huwag kang mag mura hindi nakaka gwapo 'yan! Aish bakit ba ang hilig nyong mag mumurang magkakaibigan." naiiling na singhal ni Irish bago inirapan si Demon ay iwan ito. "Joke lang 'yun lil'sis, ayaw ko pang mamatay sa bugbog nina Boss Taz!" pahabol na paliwanag ni Demon na hindi naman na narinig ni Irish kaya ngingiti-ngiting pumunta na sya sa kwarto nya para mag ayos ng gamit na dadalhin nya. Inilabas ni Demon ang black leather bag nya at naglagay ng ilang damit na dadalhin nya, he will make sure na hindi sya magtatagal sa Japan dahil gusto nyang tulungan si Paxton sa pag-aayos ng kasal nito. Nilalagay nya na ang mga damit nya sa kanyang bag ng tumunog ang cellphone nya at agad nyang sinilip ang caller na ikinakunot ng noo nya dahil sa pagtawag nito. Umupo si Demon sa kama at sinagot ang tawag ng kaibigan nyang minsan gusto nya ng bugbugin dahil sa lakas nitong mang asar (Hello baby Demon! But---) Agad pinatay ni Demon ang tawag ni Blue at bago pa nya ito maihagis ang muling tumawag si Blue sa kanya na kahit bubwisitin lang sya nito ay sinagot nya na. "Subukan mong tawagin akong baby ulit at bago ako pumuntang Japan iiwanan kita ng pasa sa muka Asul! Sige call me that f*cking endearment again you dimsh*t!" agad banta ni Demon kay Blue na bahagya nitong ikinatawa (Sa pagkakaalam ko si Demon ang tinawagan ko bakit parang si Devil ang nakakausap ko?) "Gago! Kung paririnig mo kay Kambal ang tangnang endearment mo na 'yan baka wala ka pang sinasabi minumura ka na nun. Bakit ka ba napatawag na Asul ka?" Nilagay ni Demon sa loudspeaker ang tawag ni Blue bago ibinaba sa kama nya at muling tinuloy ang paglalagay ng mga gamit nya sa kanyang bag. Mabuti ng maaga syang mag-ayos dahil alam nyang tatamarin na sya pag pinatagal pa nya. (Tumawag sa akin si Boss Taz, inutusan akong makipag kita kay Ribal bukas, gusto mong sumama?) "Kahit gustuhin kong sumama Asul pass ako, papunta akong Japan bukas para dalawin ang kumpanya ni Lucifer." (Pansin ko Demon sa inyong dalawa ni Devil ikaw ang paborito ni Tito Henry na ipadala sa Japan ah.) "Pansin ko din eh pero ano bang magagawa ko, Langya! Kahit umangal ako ang ending ako parin ang pupunta doon. Mahirap suwayin si Lucifer, sayang ang mga kotse ko kung dudurugin nya lang." reklamo ni Demon na isinara na ang bag nya ng mailagay nya na ang dadalhin nya sa pag-alis nya bukas bago pahigang sumandal sa kama nya (Sya nga pala, anong feeling na magiging parte na ng pamilya nyo si Ignacio? Na-ikwento nya sa amin na pag tinatawag nya kayong brother-in-law may lumilipad daw na kung ano sa kanya. Excited ang gagong maikasal sa bunso nyo.) "Wala namang bago Asul, matagal na namang parte ng pamilya ko si Ignacio, actually lahat kayo kaya lang nag level up si Ignacio, nadagit ang puso ng lil'sis namin ni kambal. Tsaka hindi ako ang nagpapalipad ng kung ano sa kanya si kambal 'yun." sagot ni Demon na napalingon sa pintuan nya ng magbukas 'yun at sumilip si Irish sa kwarto nya na ikinabangon nya sa pagkakahiga nya "Kuya Demon, nandito si Paxton kausap ni Daddy mukhang tatakutin na naman, tulong please." lambing na request ni Irish na rinig nilang ikinatawa ni Blue sa kabilang linya (Speaking of the future son-in-law of Lucifer, bagay si Ignacio sa pamilya nyo kasi may pagka demonyo din ang isang 'yun.) "Demonyo ka din naman kaya huwag kang papatalo, papatayin ko na tawag mo istorbo kang gago ka." (Pasalubong baby Demo---) Pinatayan na ni Demon ng tawag si Blue dahil hindi talaga nito mapigilan ang pang aasar sa kanya. Iniwan nya ang cellphone nya sa kama nya at ngiting nilapitan si Irish at inakbayan ito palabas ng kwarto nya. "Ikakasal ka na nga sa kanya, araw-araw pang dumadalaw dito. Langyang Ignacio nagpapahalatang baliw sayo." ngising kumento ni Demon na ikinangiti ni Irish "Ang saya ko nga Kuya Demon eh, alam mo naman na ang hiling ko lang noon ay mahalin ni Paxton. Tapos ngayon ikakasal na ako sa kanya, hindi na rin ako makapag hintay." pahayag ni Irish na ikinapatong ng kamay ni Demon sa ulunan ni Irish at bahagyang ginulo ang buhok nito "Yeah! Nakita ko 'yun, just tell me or tell to Devil pag pina iyak ka ni Ignacio but i trust him will not do that, but in case. ." paalala ni Demon na ngiting ikinatango ni Irish Nakarating na sila sa sala ng maabutan nila si Paxton na nakaupo sa mahabang sofa habang kaharap nito ang tatay nila na matalim kung makatitig kay Paxton habang walang imik lang na nakaupo si Devil sa pang isahang sofa na ikinangisi ni Demon. "Yang tatay natin hindi matanggap na ikakasal na ang prinsesa namin, biglain mo kaya Tanya. Sabihin mong gusto mo ng ikasal bukas kay Ignacio tingnan mo iiyak 'yan." bulong ni Demon kay Irish na bahagyang kinurot ang tagiliran nya na pigil nyang ikinatawa "Lagi nyo nalang binu bully si Daddy, masyado na ngang nabubully si Daddy nina Uncle Lucian at Daddy Juaquin eh." "Hayaan mo na, bully din naman ang isang 'yan." sagot ni Demon na inakay na si Irish patungo kina Paxton na kunot na ang noo dahil sa mga sinasabi ni Uncle Henry "Akala ko ba Paxton akin ang anak ko ng isang buwan bakit araw-araw kang dumadalaw sa pamamahay ko?" striktong sita ni Uncle Henry na ikinalingon nito ng tabihan ng upo ni Irish si Paxton at tumayo naman sa likuran nya si Demon na nakangisi sa kaibigan "Maigi ng sigurado Uncle Henry baka dalhin mo sa malayong lugar ang baby ko. Dinadalaw ko lang naman hindi ko pa kinukuha, sa katapusan pa naman kaya chill lang Daddy." nakangisi ng sagot ni Paxton na akmang babatuhin ng maliit na unan ni Uncle Henry nang yakapin ni Irish si Paxton na mas ikinangisi nito. "Daddy naman. ." Napatawa nalang si Demon sa dalawa dahil sa mga oras na ito mukhang ang tatay nila ang nabubully ng wala sa oras. "Wala kang laban kay Ignacio Dad, nasa kanya ang panig ng prinsesa natin." kumento ni Demon na natatawang agad nasalo ang maliit na unan na kay Paxton dapat ibabato ng ama pero sa kanya lumanding. "Sa dami ng pagmamanahan mong bata ka bakit sa tatay mo pang kumag!" inis na reklamo ni Uncle Henry na ikanasandal nito sa kinauupan nya ng hindi inaalis ni Paxton ang tingin nito kina Demon "Sa pagkaka alam ko po si Irish ko ang dinadalaw ko." "Don't mind us, mag usap lang kayo dyan. Mabuti ng sigurado baka maisipan mong itakas ang anak ko. Dito lang kami kaya feel free to have a sweet f*cking talk to our princess." nakabusangot na sagot ni Uncle Henry na ginatungan pa ni Demon "Sige lang tol, huwag ka ng mahiya. Isipin mo nalang mga statue kami dito. Walang tatawa pag nagpaka corny ka, Promise." ngising pang aasar ni Demon na itinaas pa ang kanang kamay nya na sinamaan lang ng tingin ni Paxton Walang nagawa si Paxton kundi kausapin si Irish kahit may tatlong matang nakamasid sa kanila. Tinotoo nalang ni Paxton ag suggestion ni Demon na kunwari ay mga estatwa ang mga ito. Malambing na kinakausap ni Paxton si Irish habang pasingkit ng pasingkit ang mga mata ni Uncle Henry dahil aa nagiging usapan ng dalawa. "Baby pag kinasal na tayo ilan gusto mong anak?" rinig nilang malambing na tanong ni Paxton na kita nilang ikinapula ng mukha ni Irish bago sinilip-silip ang reaksyon nila sa sinabi ni Paxton "B-bakit tinatanong mo agad 'yan Paxton, ikakasal pa lang naman tayo. Di-diba dapat kasal muna natin ang pag-usapan natin." nahihiyang sambit ni Irish na ikinahawak ni Paxton sa kamay ng prinsesa nila. "Mabuti ng nagpapla--" "Tsk! Ang kapal ng mukha ng kalandian mo Ignacio, seriously? itatanong mo 'yan sa kapatid namin kahit naandito kami?" hindi naiwasan ni Demon na magkumento sa narinig sa kaibigan na poker face na ikinalingon nito sa kanya "Your gross Ignacio." seryosong kumento naman ni Devil na sinundan ng ama nila "Masyado atang mahalay ang utak mo ngayon bata, kasal muna ang isipin mo." "Teka lang?! Akala ko ba mga estatwa lang kayo dyan? May estatwa bang nakikisali sa usapan ng may usapan?" reklamong angal ni Paxton na si Devil ang sumagot "We didn't say that we will not interrupt you Ignacio, like now you shamelessly ask my sister about babies. You still not married Ignacio." "Hindi sana ako iimik Ignacio kaya lang iba din ang linyahan mo eh. Go lang tol lumandi ka lang dyan pero huwag masyadong lawakan ang kalandian ha." ngiting may halong pang aasar na pahayag ni Demon na pabulong na ikinamura ni Paxton sa kanya na ikina thumbs up nya lang Malambing namang binalingan ni Uncle Henry ang kanilang bunso. "Bunso malayo pa ang kasal nyo ni Paxton pwede pang magbago ang isip mo." payo ni Uncle Henry sa anak nya na ngising hindi ikapaniwala ni Paxton "Wait wait Uncle Henry, grabeng discouragement naman 'yan. Ako lang 'to oh si Paxton future son in law nyo." pahayag ni Paxton na sinamaan lang ng tingin ni Uncle Henry ng biglang ngumisi si Devil ng may maisip na pwedeng ikaasar lalo ng kaibigan "Ei Lucifer we should plan a way how to stop their wedding. Are you on it?" ngising suhestiyon ni Devil na kay Paxton nakatingin ng hindi makapaniwalang nilingon sya ni Paxton dahil sa sinabi nya "That's a good idea Devil, you should think a way too Demon." pag sang ayon ni Uncle Henry na parang may bumbilyang lumitaw sa ulunan nito dahil sa suhestiyon ng anak. Pilit namang pinipigilan ni Demon na matawa at dahil gusto nyang makitang maasar si Paxton ay nakisabay sya sa trip ng kambal at ama nya. "Im in, may naisip na ako Lucifer, bakit hindi natin dalhin sa Macau si Tanya sa mismong araw ng kasal nila?Hindi nakabantay nun si Ignacio isa pa maganda ang tanawin dun baka makapag isip isip si Tanya dun." suhestiyong pahayag ni Demon na asar na bahagyang ikinatawa ni Paxton dahol sa pinag uusapan ng mag aama "You have a point but Paxton have so much money in his bank, i know pwede syang sumunod dun. think another way Demon and don't f*cking call me Lucifer again you son of a b*tch!" punang sita ng ama nya na ikinangisi nya lang dito "Then again your a b*tch because im your son." sagot ni Demon na hindi inaasahan ang pagtayo ng ama kaya hindi nya rin inasahan ang pagbatok nito sa ulunan nya na mahinang ikinamura nya Pakiramdam ni Demon kotang-kota na ang katawan nya dahil napasimulan ni Rinka ang pambubugbog sa katawan nya. "Ang sakit nun ha!" angal ni Demon ng magsalita si Devil "Just take them apart, cancel their wedding and ban Ignacio to come closer to our princess" "Oh?Deretsahan kambal ah!" kumento nu Demon habang himas-himas parin ang ulunang binatukan ng kanyang ama "Better idea son!" "Kakaiba! Kung mag plano kayo parang wala ako dito ah? Kalma mga Mondragon baka gusto nyong mag usap in private para mapagplanuhan nyo ng ayos." naasar na sita ni Paxton sa kanila na bahagyang ikinatawa ni Demon "May point si Ignacio dun, pinaparinig natin plano natin di naka isip 'yan ng pang counter sa atin." "Tara sa office ko twins." pahayag ni Uncle Henry na tumayo sa kinauupuan at umalis sa harapan nila na malakas ng ikinatawa ni Demon "Epic reaksyon ng mukha mo Ignacio, ikaw ang kumalma dyan." "F*ck you Mondragon II! Isa kang malaking tangna buwisit kang kupal ka!" "Were just kidding you around Ignacio, don't take it seriously." pahayag ni Devil na tumayo na din at iniwan sila "Wag kang kabahan Ignacio, magtitimpla lang ng kape si Lucifer baka gusto mo din pagtitimpla kita?" ngising alok ni Demon na tinapunan lang ng masamang tingin ni Paxton "Gago ka! Lumayas ka sa harapan ko Mondragon II." asar na taboy ni Paxton sa kanya na natatawang umalis sa harapan ng mga ito. Iniwan na nila ang dalawa dahil kahit papaano ay nabad mood nilang mag aama si Paxton. KINABUKASAN, maagang nakarating si Demon sa paliparan ng Tokyo International Airport. Paglabas palang nya sa terminal ng airport ay sinalubong na sya ng secretary ng kanyang ama na agad kinuha ang dala nyang bag at itinuro sa kanya ang kotseng sasakyan nila papuntang hotel na tutuluyan niya. "Kamusta po ang byahe Master Denver." pangangamusta ng secretary ng tatay nya ng makasakay na sila sa kotse at patakbuhin na ito paalis sa Airport. "Maayos naman Hayate, mukhang kanina mo pa ako inaantay ah." "Maaga po akong nagpunta rito sa Tokyo Airport dahil ayoko pong paghintayin kayo." Ngiting tugon ang ibinigay ni Demon sa secretary ng tatay nya at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Nasasanay na si Demon sa mga nakikita nya sa Tokyo dahil lagi syang napupunta dito dahil sa business nila, bahagyang napangiti nalang si Demon ng maisip nya kung sakaling si Devil naman ang bumisita sa business nila, sigurado si Demon na hindi makaka kibo ang secretary ng ama nya sa kanyang kambal tulad kung paano sya kausapin nito. "Kamusta ang planta?" tanong nya dito na confident na sinagot nito. "Nag doble po ng taas ang sales natin, 95% to be exact Master Demon. May nadagdag din pong ilang mga national costumer sa list po natin. Our employees do their job perfectly Master Demon." balita nito sa kanya na ikinatango nya "I'll start to visit the plantation tomorrow, i'll stay here for three days. Ano ba ang gagawin ko for tomorrow?" Mabilis na binuksan ng secratry nila ang maliit na mac book nito at natatarantang hinanap agad ang schedule ni Demon na ngiting pinunan nya. "Kalma Hayate, no need to rush." puna ni Demon dito na ngiting ikinatango nito "Here's your schedule for tomorrow Master Demon as the C.E.O sent me the email. You will visit in the site B of the Plantation in Osaka, you have a board meeting in the afternoon and a dinner meeting with our stock holders. You need to visit the main headquaters and check the finish products that will ship in six asian countries and two cities in Europe. You need to sign some documents you need to fill up and you need to go in Nagoya to meet Mr. Watanabe for the signing contracts for the new partnership and then you have to meet Ms. Nagase whose staying in Yokohama for a dinner date and then. . ." "Cancel the dinner date with Ms. Nagase, nagpunta ako dito for business and not for pleasures so cancel it." singit ni Demon sa secretary ng tatay nya na si Hayate na ikinabaling nito sa kanya "But Master Demon, your father set this dinne---" "Wala namang magagawa ang tatay ko kung ipa-cancel ko 'yan. Nasa pilipinas si Lucifer naandito ako kaya ikansel mo na. Isa pa, i don't do formal dates and ayoko ng sakit sa ulo." pahayag ni Demon na buntong hiningang ikinasandal ni Demon bago sinenyasan si Hayate na ituloy ang pagsabi nito ng iba pa nyang gagawin. Hindi inasahan ni Demon na tatambakan sya ng gagawin ng kanyang ama, his given schedule was too tight at pakiramdam nya mauubos ang lakas nya sa lahat ng gagawin nya. Hindi pa man sya nagsisimula parang gusto ng sumakit ng ulo nya. Hindi nya alam kung paano nya tatapusin lahat ng tinambak na trabaho sa kanya ng kanyabg ama sa loob ng tatlong araw. Nagawa pa syang i set ng date ng tatay nya na lagi nitong ginagawa pag napunta sya ng Japan. Ayaw ni Demon ng mga dates at wala syang balak makipag date. Hindi rin nya trip ang mga babae sa Japan, ayaw nya sa mga babae sa Japan at para kay Demon mas gugustuhin nyang lumandi sa kapwa nya pilipino kaysa sa ibang lahi. "You have a golf activities with Mr. Kiri---" "Cancel that too, boring ang golf. Ayokong makipag pataasan ng yabang sa mga hapon na 'yan. Tama ng umaangat din ang kumpanya nila dahil sa atin kaya it's a no." muling pahayag ni Demon kay Hayate "Pero inaasahan po ni Mr. Kirigaya ang pagsama nyo sa golf co----" "Wala na ba akong ibang gagawin?" putol ni Demon sa sasabihin ni Hayate na walang nagawang ikinabalik nito sa harap ng mac book nya. "Wala na po Master Demon." "Good! We will visit the site B early in the morning so we can go back early in the time for the board meeting. Set the dinner meeting in Ginza Kojyu for our stock holders baka sabihin nila tinitipid natin sila. For our finish products just give me the details of each of it, we need to deliver our wines in good quality to our costumers. Then put all the documents in my father's office so i can check and sign them, About the meeting to Mr. Watanabe, call him that we should meet in the same place we've been before, send him a gift for choosing us as partners in this business. Tell him that i'm exciting in contract signing." bilin ni Demon na sunod sunod na tangong sinagot ni Hayate na mabilis tinatype sa mac book nya ang mga binilin nya. "Hayate gaano kalayo ang Tokyo sa Oyama?"biglang tanong ni Demon na agad sinagot ni Hayate "The road distance between tokyo and Oyama is 75.8km Master Demon, so it will consume of 1hr and 5 minutes when you drive it. Bakit nyo po naitanong?" takang tanong ni Hayate na ikinangisi ni Demon "Igilid mo ang kotse." utos ni Demon na walang tanong-tanong na sinunod ni Hayate. Nang makagilid na sila at inihinto ang kotse ay mabilis na lumabas si Demon sa backseat na naguguluhang ikinalabas na din ni Hayate. Lumapit ito kay Demon ng iwasan naman sya nito ay umikot papuntang driver seat. "Mauna ka ng pumunta sa bahay then ipadala mo sa Nakahinata, Oyama, Sunto District sa Fuji International Speedway racing track ang Carrera GT2 RS Porsche ko. I want to f*cking race now bago sumubo sa trabaho." ngising bilin ni Demon na agad sumakay sa kotse at mabilis itong pinaharurot at iniwan ang secretary ng tatay nyang napapakamot sa ulo. Madaming gagawin si Demon kinabukasan at alam nyang hindi nya maisisingit ang pangangarera dito sa Japan kaya ngayon nya na iyon gagawin. Nakarerahan na ni Demon ang lahat ng car racing track sa Tokyo maliban nalang sa Fuji Speedway kaya susubukan nya doon. Wala pa syang nakakaharap na magaling kaysa sa kanya, mapa pilipinas o Japan sya ang umuuwing panalo. Nabubuhay ang dugo ni Demon pag sumasabak sya sa karera at sa isiping may makaharap syang hindi boring kalaban at excited nyang pinatakbo ng mabilis ang dala nyang kotse. Matapos ang Mahigit isang oras sa byahe ay nakarating na si Paxton sa destinasyon nya. agad syang nag park sa parking lot ng malaking racing track na hindi maiwasang ikahanga ni Demon. Sa lahat ng dinayo nyang racing track sa Japan mukhang dito sya napahanga dahil sa lawak at ng makapasok sya loob ay mas humanga sya dahil sa laki at lawak ng racing field at sa dami ng taong nanunuod dito na naghihiyawan. Natutuwang nag tungo si Demon sa registration section para mag fill up at sumali sa karera, inalok sya nang mga facilitator na gamitin ang ilang available racing cars nila na itinanggi ni Demon dahil sinabi nya sa mga ito na meron syang gagamiting iba. Binigyan sya ng mga instruction ng isang facilitator at itinuro ang side ng field kung saan doon maghihintay ang mga susunod na mangangarera. Isa-isang pinagmasdan ni Demon ang mga makakalaban nya at ang tantsa ni Demon ay mailalampaso nya ang mga ito. Naghintay si Demon sa laban nila ng abisuhan sya na dumating na ang gagamitin nyang sasakyan na inihahanda na ng mga facilitator na ikinatango nya. Ilang oras pa ang lumipas ng matapos na ang unang race kaya dinala na ng mga facilitator sa mga racer ang mga gagamitin nila. Iniayos na ni Demon amg sarili at isinuot na ang mga gear na gagamitin nya ganun din ang mga makakalaban nya ng may lumapit sa kanyang isang lalaki na sa tingin nya ay racer din tulad nya. "Filipino?" tanong nito na ikinatango ni Demon "Great! Nasasawa na akong kumausap ng mga hapon dito, buti nalang may kapwa akong pinoy na nakita dito. Nice car." pahayag at puri nito sa sasakyan ni Demon. "Unang karera mo dito nuh?" "Yeah!" "Magagaling mga makakalaban natin, hindi papatalo ang mga 'yan." pahayag ng kausap nya na ikinangisi ni Demon "That's good to know, mas exciting ang laban. I will not loose either, i'm sure i'll win this." malakas ang loob na pahayag ni Demon na ikinatapik ng kausap nya sa kanya "Nararamdaman ko na mahusay kang racer, awra mo palang kaya nilapitan kita. Siguro nga mas magaling ka sa ibang narito na makakalaban mo kaya lang wala kang pag-asa dito lalo na at nakasabayan mo pa sa set na 'to si Black." pahayag nito na kunot noong ikinalingon ni Demon sa kausap "And why do you said that?" "Dahil lahat ng nakakalaban ni Black nalalampaso nya." sagot nito kay Demon "At sino naman ang Black na 'yan?" usisang tanong ni Demon na may itinuro sa bandang kanan nila ang kausap nya na agad nyang sinundan ng tingin. Bumagsak ang tingin ni Demon sa tinuturo ng kausap nya na isanf bulto na nakatayong nakatalikod sa kanila na kulay itim ang suot na gear at nakalugay ang kulay pulang buhok nito na hanggang bewang at pati ang kotse nito ay sumasabay sa kulay ng suot nito at base palang sa pangangatawan nito ay isa 'tong babae. "Yan si Black, ang nag iisang babaeng kasali sa set na 'to. Minsan lang 'yan dumayo dito pero naswertehan mo na ikinamalas mo din. Sobrang galing nyan, wala pang nakakatalo dyan. Kaya lang sa ilang beses kong nakitang sumali 'yan hindi ko man lang nakita ang itsura nya dahil naka maskarang itim 'yan." pahayag ng kausap ni Demon na ikinatitig nya sa Black na itinuro sa kanya. Napagmasdan ni Demon ang likuran ng Black na sinasabing wala pang nakakatalo na mas ikinatuwa ni Demon. Mag makarinig na may mas magaling sa kanya ay gusto nyang subukan. Para kay Demon may malakas na kalaban mas gaganahan sya. Sinisigurado ni Demon na pakakainin nya ng alikabok ang Black na mukhang hinahangaan ng kausap nya. Gusto nyang lapitan si Black para sabihan itong bigyan sya ng magandang laban pero hindi 'yun natuloy ng pinaghahanda na sila ng announcer. Bumalik narin sa kotse nito ang kausap nya ng sabihan na silang sumakay sa mga sasakyan nila. Pagkasakay ni Demon ay ikinundisyon nya na ang kanyang baby para sa nalalapit nyang laban, nilingon naman nya mula sa side mirror nya ang itim na kotse na di kalayuan sa pwesto nya na ikinangisi ni Demon. "Let's see kung anong ibubuga ng Black na'to, no one can defeat me. the only one who can defeat me is me." pahayag ni Demon sa sarili ng pinapwesto na sila sa starting line. Naririnig na sa buong racing track ang ingay ng makina ng mga kotse nila, hinihintay nila ang signal at ng marinig nila ang tunog ng bell ay agad na nilang pinaharurot ang kani-kanilang sasakyan. Ibinigay ni Demon ang lahat ng galing nya sa karera nya pero matapos ang set ng race nila, ay hindi makapaniwalang itiginil ni Demon ang sasakyan nya matapos syang makarating sa finish line bilang pangalawa sa rank. Hindi makakibo at hindi alam ni Demon kung paano sya natalo at naging pangalawa lang habang naririnig nya ang palakpakan at ang boses ng announcer na binabanggit nito ang naka first place sa laban "Soshite, kono rēsu no muhai no joō, watashitachi no saisho no basho! Burakku!!" malakas na hiyaw ng announcer na parang ikinabingi ni Demon. Hindi makapaniwala si Demon sa naging resulta ng laban nya, walang sinoman ang kayang tumalo sa kanya, hindi sya natatalo sa kahit saang laban na pinupuntahan at dinadayo nya, ngayon lang. Hindi ito katanggap-tanggap kay Demon lalo na at ang lumampaso sa kanya ay isang babae. Badmood na lumabas si Demon sa sasakyan nya at agad hinanap ng kanyang mata ang nakatalo sa kanya na kita nyang kalalabas lang din ng kotse nito at inalis amg helmet na suot nito na ikinalaglag ng namumulang buhok nito pero kahit nakatagilid ito sa kanya ay kita nyang nakamaskara ang nakatalo sa kanya. Walang ng pagdadalawang inihakbang ni Demon ang kanyang mga paa patungo sa nakatalo sa kanya. Hindi sya papayag na humantong sa ganito ang laban nila, hindi sya pwedeng matalo kaya muli nya itong hahamunin dahil alam nya hindi sya patutulugin mamaya ng pagka badtrip nya sa pagkatalo nya. Nang makarating si Demon sa tabi ng babaeng nakatalo sa kanya na napansin ang paglapit nya ay agad na binalingan sya ng tingin nito at hindi lubos malaman ni Demon na sa paglingon nito sa kanya ay sa mga mapupulang labi nito bumagsak ang tingin nya na ikinatulos nya sa kinatatayuan nya. Nakatitig lang si Demon sa mga labi nito at hindi nya alam kung bakit hindi nya maalis ang pagkakatitig dito. "Nani?" rinig nyang tanong nito pero hindi nya magawang magsalita dahil pakiramdam nya ay nahihipnotismo sya ng labi ng babaeng nakalaban at nakatalo sa kanya. "Naze watashi o mitsumete iru nodesu ka?" muling tanong nito na ikinabalik ni Demon sa huwisyo at ilang beses na napatikhim bago seryosong ekspresyon ang binigay sa dalaga pero hindi maalis sa isipan nya ang mga labi nito "M-mata rēsu shiyou, On'na to no sōshitsu wa yurusenai!" reklamong pahayag ni Demon na kita nyang ikinangisi nito na muling ikinabagsak ng mga mata nya sa mapupula nitong labi "Ne, Kimi wa kono gēmu no kekka o ukeireru hitsuyō ga arimasu. Shōsha ga imasu Soshite haisha, Sore ni taisho suru." ngising sagot sa kanya nito na lumapit pa ng bahagya sa kanya na lihim na ikinalunok ni Demon at ikinatitig niya sa mga mata nito na parang bulang ikinawala ng pagkabadmood ni Demon at ikinatulos nya sa kanyang kinatatayuan. "I like competitor man like you, the one who doesn't want to loose. Better luck next time handsome, see yah!" pahayag nito bago iniwan si Demon na naiwang tulala sa kinatatayuan nito. Demon met every kind of woman in his entire life but this was the first time that a woman makes him memerize just by her lips and her eyes. This is the first time a Mondragon stuck his feet unto the ground because of a japanese woman. *TRANSLATION* * And the undefeated queen of this race, our first place!Black!! - Soshite, kono rēsu no muhai no joō, watashitachi no saisho no basho! Burakku *Why are you looking at me?- Naze watashi o mitsumete iru nodesu ka? *Let's race again, i can't afford to lose with a woman! - Mata rēsu shiyou, On'na to no sōshitsu wa yurusenai! *Hey, you must accept the result of this game.- kimi wa Kono gēmu no kekka o ukeireru hitsuyō ga arimasu *There is a winner and the loser, deal with it. - Shōsha ga imasu Soshite haisha, Sore ni taisho suru
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD