Chapter 39 Hindi makapaniwalang nakatingin si Demon sa mga taong nasa loob ng bahay nila na parang naghahati na gumawa ng grupo dahil sa mga pwesto ng mga ito. Kakapasok lang nila ni Ayane sa loob ng bahay nila ng madatnan nya ang nangyayari sa loob na ikinatunganga nya. Magkakahiwalay na nakaupo sa isahang sofa ang ama ni Demon na sa gitna nakaupo habang nasa likuran nito sina Blue,Tad at Lu, si Uncle Lucian na sa kanang sofa naman nakaupo at nasa likuran nito si Paxton, LAY at ToV at ang ama ni Ayane na sa kaliwang sofa naman nakaupo habang nakatayo sa likuran nito si Devil at YoRi. “Teka?Anong meron dito? Langya hindi ata ako na orient na may groupings na mangyayari dito ah.” Kumento ni Demon habang palipat-lipat ang tingin sa tatlong oldies. “Just choose one of us D

