Chapter 45 Matapos ang unang hakbang nina Demon sa kung paano makukuha si Cassano ng walang masyadong aberya, matapos ang pag-papanggap nina Demon at Ayane ay nasa sala muli silang lahat upang pag-usapan ang susunod na hakbang na gagawin nila. Kakatapos lang din ng pang-aasar ni Hale kay Demon sa performance na pinakita nito kanina sa harapan ni Cassano na ikinamura lang ni Demon kay Hale na natatawa lang sa kanya. Nasabi na rin ni Ayane ang pag-sunod ng isang tauhan ni Cassano sa kanya kina Demon na agad namang pinaasikaso ni Hale kay Massimo ang pamilya na tinigilan ni Ayane upang makaiwas sakaling bumalik ang mga tauhan ni Cassano sa bahay na ‘yun. “I’m sure at this moment ginagawa na ni Massimo ang binilin ko sa kanya sa pamilyang tinigilan ni Uno. Wala din naman tayong dapa

