HEAVEN SCARLET Nakita ko ang pag-aalala sa pasulyap-sulyap na tingin sa direksyon ko ng aking mga bodyguards habang nakikipaglaban sila sa mga kalaban. Binigay ako ni Saturn kay Moon at si Moon ang humawak sa akin at nagbantay. Bumalik si Saturn sa puwesto ni Mist at siya na ang lumaban dito. Nasa tabi ako ni Sun at nasa likod ko naman si Moon habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko sa likod. Buti na lang at siya ang may hawak sa akin. Hindi ko alam kung makakatayo pa ba ko sa tabi ni Sun kung nagkataon dahil kahit nakaupo lamang siya at walang ginagawa kundi manood lang sa labanan ay damang- dama ko ang dala niyang init ng araw sa kinatatayuan ko. Pinagmamasdan kong makipaglaban ang natitira kong pitong bodyguards at nakaramdam ako ng inis sa sarili dahil hinayaan kong maranasan nil

