HEAVEN “Mom, bakit kailangan po na ‘ting pumatay ng tao? Dahil po ba gusto lang ni daddy?” tanong ng isang batang babae sa kanyang mommy. Hindi ko maaninag ang mukha nilang pareho dahil kahit gaano ko idilat ang aking mga mata ay malabong imahe ang nakikita ko. “No, sweetie. We did it because we need to. Lagi mong tandaan na naiiba tayo sa lahat ng tao sa mundo.” Hinaplos ng matandang babae ang buhok ng kanyang anak at inamoy ito. “But mom, bakit hindi rin ako p’wedeng makipagkaibigan? Like, Reykiel? You know, mom. He is not bad and he is my best friend now.” Sa tono ng boses ng batang babae ay mahihimigan mo ang tuwa sa boses nito ngunit hindi natuwa ang kanyang mommy sa binalita. Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit. “Diana! Didn’t I told you before? You can’t be friends

