HEAVEN SCARLET Isang hakbang paatras ang nagawa ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga taong kaharap ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, malingap lang ako ng tingin sa kanila ay may magagawa na agad silang hakbang laban sa akin. Tumingin ako kay Moon. Siya nga ang Harmony ko. Sunod kay Yuki, I mean kay Saturn. He is my enemy now since that day. Inilagay ko ang aking kamay sa may bandang likod ko. In that simple gesture, gumalaw na agad ang iba nilang kasama at humanda sa ano mang gagawin ko habang sina Sun, Saturn at Moon ay nanatili lamang nakatayo sa kanilang puwesto. "Star, where did you go? Come back to us now. You have your new mission." Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang magsalita ang lalakeng kinamumuhian ko sa buong buhay ko, si Sun. I didn't think twice when I

