HEAVEN “Eh? Bakit marami yatang tao sa tapat ng entrance ng bahay mo, Ms Heaven?” Sabay-sabay na lumingon ang mga kasama ko sa aming dinadaanan pagkatapos marinig ang pinahayag ni Light. “Mukhang hindi rin sila mga ordinaryong tao lang,” komento ni Cloud pagkatapos makita ang mga tao na tinutukoy ni Light. Totoo ang sinabi nila. Mga nakaitim na tao ang nasa harapan namin at tila nagmamasid sila sa paligid ng aking mansion na hindi naman nila makita kung saan. Napapalibutan kasi ng puno ang mansion ko at sa likod ng mga puno ay may malaki pang pader kaya hindi nila ito makikita basta-basta. Napangisi ako habang nakatingin sa mga ito. Ang bilis naman yata nilang ma-track ang location ng bahay ko? Sa pagkakaalam ko, kanina lang ako nakapasok sa site nila. Interesting. . . “Hoy, babae! Ba

