HEAVEN SCARLET Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko sabay lapag ng notebook na hawak ko sa lamesa ng Heaven's Library. Ilang beses ko ng pinuntahan ang lahat ng sulok ng bahay, pero wala talaga akong nakuhang impormasyon tungkol kay Harmony. Pumunta na rin ako sa Gate of Heaven, pero wala na kong makitang nakatagong pinto roon maliban kay Mist. Sa ngayon, mag-isa lang ako sa mansion. Pinabalik ko kasi ang mga bodyguards ko sa kani-kanilang mga sariling bahay at binigyan ng pagkakataon na makapagpahinga. Ilang araw lang naman 'yon at pagkatapos ay diretso na kami sa plano. Nasa kanila na 'yon kung bigla nila kong iiwan at mamumuhay na lang sila ng normal katulad ng dati. Natural lang naman ang matakot at sumuko na lang dahil sa hirap ng mission namin ngayon. Salamat na l

