HEAVEN SCARLET Nakapalumbaba lamang ako sa dinning table habang nakatitig sa notebook na matagal ko ng hawak-hawak. Mas'yado ng naguguluhan ang isip ko sa nangyayari at ngayon ay may dumagdag pang isang tao na magpapagulo rin ng isipan ko. Mist Sino si Mist at bakit kailangan ko pang itago ang kanyang pagkatao kahit mismo sa sarili ko? Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib nang bumilis bigla ang pagkabog ng aking puso lalo na ng bigkasin ko ang pangalan ni Mist. Sino ba si Mist sa buhay ni Heaven Scarlet? Ngunit kahit gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko ay hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng pagkirot sa aking dibdib. Para bang nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking puso ng banggitin ko ang pangalan niya. Hindi lang sakit ang naramdaman ko kundi pati galit at pagkapoot? Hi

