HEAVEN SCARLET Naghiwa-hiwalay kami ng mga kasama ko pagkalabas ng mansion. Dumiretso ako sa underground ng isang mall kung saan nagtatago ang pinakapinuno ng kalaban. Akalain mong may underground sa mall? Natawa tuloy ako ng mahina. Dito ako dumaan sa isang mahabang tunnel na maaaring makadaan ang isang tao lamang. Kakaiba nga siyang tunnel dahil hindi siya mabaho o madumi. Ano pa nga bang aasahan sa isang assassin? Tama. Mga assassin nga ang pinuno ng kalaban namin. Sun. . . Yan ang codename niya. Iniisip ko nga na kapag natalo ko na siya ay may Sun din ang Heaven, si Light. Natawa tuloy ulit ako. Pagkalabas ko ng tunnel ay parang naalog ang utak ko dahil may mga alaala na namang lumalabas sa utak ko. "Star, natapos mo na ba ang mission mo? Did you killed them already?" tanong s

