Chapter 1

2515 Words
Constellation of Star: Orion _ "Emilia, saan ka na ba? Nandito na kami lahat sis. Ikaw na lang ang kulang." Ang dami nang pinagsasabi ni Prince sa kabilang linya pero lumabas lang iyon sa kabilang tainga ko. "Jusko. Hindi ko alam kung saan nagpupunta yung mga tricycle ngayon! Wala man lang nasasagi dito. Kanina pa ako dito sa daan." Alas tres y medya na iyon ng hapon at medyo mainit pa ang tama ng araw. Magla-labinlimang minuto na akong naga-antay sa daan. Ang presko presko ko pa kanina at feel na feel ang outfit of the day ko pero inamag lang ako dito sa pag-aantay. Peste. "Sunduin na lang kaya kita? Hihiramin ko motor ni Alec." tukoy nito sa jowa nito. Nanlaki ang mga mata ko ng may matanaw na. Malayo pa man ay itnaas ko na ang kamay ko para parahin ang tricycle. "Wag na bakla. Mayroon na dito." "Ay, mabuti. Siguraduhin mong hindi ka na idadaan pa sa ibang lugar ha." "Sira. Sige na antayin niyo na lang ako diyan." "Sige. Ipapahanda ko na ang red carpet mo." I laughed. Siraulo talaga. Nagpaalalam na ako at pinatay ang tawag. Nang makasakay ay sinabi ko agad kay manong driver ang lugar nila Patty. "Magkano ibibigay mo, miss?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong ni manong. Init na init na ako tapos magbibigay pa ng presyo tong isang to? "Medyo malayo na kasi yun, miss. Saka papasok pa." Napakamot ako ng kilay at sinilip ang pera kong dala. Kasya lang talaga yun sa papunta at pabalik na pamasahe ko. Iniiwan ko kasi ibang pera ko para hindi ako makagasto ng malaki. "Sige manong. Ibaba mo na lang ako sa bungad wag niyo na ako ipasok." Llakarin ko na lang yung papasok. Kainis naman, dadamihan ko talaga ang kain mamaya sa party. Pambawi sa pagod. Mabuti na lang at hindi na nakinegosasyon pa si manong at pinatakbo na ang tricycle. Mga fifteen minutes siguro narating namin ang bungad, ibinaba na ako ni manong. Binitbit ko ang paperbag na may laman ng red horse. Ambag ko sa birthday ni Patty. Ang sosyal kasi ng inumin nila doon. Kahit inis kay manong pinasalamatan ko parin siya. Bumuga ako ng hininga at pinagmasdan ang lalakarin ko. Mga five minutes pa siguro pag nilakad ko yun bago ko mararating ang bahay nila Patty. Wala akong load kaya hindi ko matawagan si Prince. Dapat pumayag na lang ako kanina e. "Ang haba ng runway." Wearing a white crop top and tattered jeans with matching belt. Taas noong rumampa ako sa gilid ng daan. Yung sinag ng araw nakadirekta sa mukha ko pero nagkunwari akong hindi ko iniinda iyon. Napapatingin sa akin yung mga nakamotor na papauwi, pero dedma lang. May ilang nginingitian ko lalo na pag gwapo at medyo bata pa. "Hello, wala man lang mag-ooffer diyan na ihatid ako?" bulong ko nang daanan lang din ako. "Puro kayo ngiti at sipol wala namang ambag." "Uy, Em! Bakit naglalakad ka lang?" Nginitian ko si Jasper na nakatambay sa labas ng tindahan at naninigarilyo. Dalawa sila doon hindi ko alam kung kasama niya yung isa kasi mukhang hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Siguro dayo? Medyo kilala na ako doon kasi lagi naman kaming tumatambay kina patty. Minsan sa plaza nila o kung saan ang inuman. Ako talaga yung bida bida pag may inuman e, starring palagi. Minsan nakakasama namin si Jasper kasi halang din ang sikmura sa inuman. "Nirarampa ko lang ang ganda ko ng mabawasan naman. Ang hirap nitong nag-uumapaw e." rason ko para hindi mapahiya. Tumawa ito. "Binaba ka lang ata sa bungad e. Rason mo bulok. Kanina ka pa inaantay nila Prince doon. Magpahatid ka na lang kaya. Sayang porma natin." Pasmado talaga ang bibig ng lalaking to. Natigil ako nang makita ang kumikinang na itim na motor sa harap ng tindahan. Agaw pansin yun kasi nangingintab pa at maganda ang disenyo. "Uy, mabuti pa! Sayo ba tong motor na to? Wow, bigatin ka na ah!" nilapitan ko yung motorbike at ininspeksyon. Mukhang bago kasi wala akong makitang gasgas. "Ijojowa na kita Jasper pag sinabi mong sayo to." biro ko. To my surprise someone tapped my arm. "Excuse me, miss." Napaatras ako at napatingala sa lalaking nagpaalis sa akin. Literal na napanganga ako. Ang gwapo kahit halos magsalubong na ang kilay. He's tall, white and handsome. Ang tangos ng ilong saka kissable lips mga bi. Ang ganda din ng katawan. Sumakay ito sa motor at inalis ang stand. "Ano? Kaya pa Em?" inakbayan ako ni Jasper at nginisihan ng mapang-asar. "Di ko rin afford yang motor ni Ion e." Ang gwapo din ng pangalan. "Ano ba yan," simangot ko at lumayo kay Jasper. Pasulyap sulyap kasi si Ion sa amin. Akala mo naman kakarnapin namin yung motor niya. "Akala ko pa naman sayo. Aalis na nga ako. Wala talaga akong aasahan sayo Jasper." Nagsisimula na akong pawisan. Kung makatitig pa tong si Ion para namang ginasgasan ko motor niya. Sige lang, eyes on me baby. Wala kang mai-ispot na pimple diyan sa mukha ko. Alagang derma yan. "Makisakay ka na lang kay Ion." maya-maya pa ay sabi ni Jasper. Close ba sila? Kung makaalok to. "Doon din naman punta mo diba brad?" "Oo." Lumiwanag ang mukha ko. Sa wakas may masasakyan na ako. Makaka-angkas pa ako sa gwapo. Kahit hindi niya sabihin mamaya, kakapit talaga ako sa abs niya. "Talaga?" "Pero may dadaanan pa ako." Bumagsak ang balikat ko. "Baka pwedeng ibaba mo na lang ako kina Patty. Mukhang mabilis naman tong motor mo." sinubukan kong magpa-cute sa kaniya. Sigurado naman akong ang ganda ko parin kahit babad na ako sa init. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagsuyod niya ng tingin sa akin. Tumagal iyon sa nakalitaw na tiyan ko. May piecing ako dun. Napangisi ako. Yes, boy I know I'm hot. Hindi siya sumagot pero pinaandar na niya ang motor. Tunog pa lang halatang bago pa. Ready na akong sumakay dahil akala ko papasakayin niya talaga ako pero, "Pasensya na." Pagkasabi niya nun, tinanguhan niya si Jasper saka pinasibat ang motor. I gasped in disbelief. Inayawan nya ako. Narinig ko ang malakas na tawa ni Jasper sa tabi ko. "Sabi na e." tinapik nito ang balikat ko. "Tara, hatid na lang kita. Hiramin ko lang bike ni bunso. Kawawa ka naman." Naiinis na pinagpag ko ang alikabok na dumapo sa damit ko. Nakakabadtrip naman. Ang damot. Gwapo pa naman sana! "Hoy, Em! Dali na!" Mas lalo akong napasimangot ng makita si Jasper na nakasakay na sa intsik-insik na bike. Lumapit na lang ako doon at sumakay sa likod. Saka ito nag-umpisang magpedal. "Bilisan mong magpedal, jasper!" "Demanding nito." "Amoy sigarilyo ka pa. Kaya walang tumatagal sayong chiks e. Amoy bulok ka." pang-iinis ko. Hindi naman iyon totoo. Amoy bagong ligo pa nga tong isang to. "Hoy, hindi sila tumatagal kasi ugali naman nila parang imburnal kaya deserve nilang iwan, Emilia." Humalakhak ako sa sinabi niya. Isa pa tong siraulo. Wala na ata akong matinong kakilala. "Saka wag ka ngang reklamo ng reklamo diyan. Nakikilanghap ka na nga lang dami mo pang satsat." Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para gumewang ang pagbibisekleta nito. "Hayuf! Yan ang sinasabi mong sundo mo bruha ka?!" Nakaabang na sa labas ng bahay si Prince kasama niya si Alec. Busagot na bumaba ako sa bike ni Jasper. Marami nang tao sa bakuran at labas ng daan sa bahay nila patty. Daming ininvite marami din kasing handa. Ang daming sasakyan na nakaparada sa labas mukha pang mamahalin. "Sira. Ibinaba lang ako ng driver sa bungad. Kulang pamasahe ko." Wala na si Jasper ng lingunin ko. Nandoon na sa dulo at kausap ang tropa nito. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ungas. Humalakhak ang bakla at kinapitan ako sa braso. "Let me guess, wala kang load kaya hindi sa nakatawag sa akin." Tinanguhan ko si Alec bilang pagbati. "Nakuha mo. Kung alam mo lang, ganito outfit ko rumampa ako mag-isa sa daan. Wala man lang nagpasakay." "Aw, kawawa naman ang kaibigan namin. Ikain mo na lang yan, daming handa nila Patricia." dumikit ito sa akin at bumulong. "Saka ang daming papabols sa loob sis. Dumating mga katrabaho ng kuya ni Patricia. Mga yummy. Papatokhang ka ng wala sa oras." Isa pa to. "Isumbong kita kay Alec e." "Gaga. Subukan mo." Pumasok na kami sa loob. May videoke sa malawak na bakuran saka may kaniya-kaniyang mesa. Ang handa ay nasa labas at mukhang meroon din sa loob. Pero may nakaagaw ng pansin ko. Nasa balkonahe na kami nun, biglang umingay ang kaibigan namin ng makita ako at ikwento ni Prince ang nangyari sa akin. Hindi ako nakikinig kasi nakatingin ako ngayon sa isang mesa na puro lalaki. May iilang babae din naman pero mukhang girlfriend at kaibigan iyon nila. Mapapansin mo talaga ang grupo nila kasi ang gaganda ng katawan at ang gagwapo. At isa nga doon si kay Ion. Sabi niya may dadaanan siya? Bakit nandito na to? Napaismid ako. Sinungaling. "Hoy, sis! Sino bang tinitingnan mo?" sinundan ni Prince ang tingin ko. Tumili ito ng mahina. "Sila yung sinasabi kong katrabaho nila Yvo! Ang gagwapo diba? Mga police daw silang lahat. Naku, kung hindi ako loyal kay Alec ko kanina pa ako kumekerengkeng sa kanila." "Gwapo nga, ang sama naman ng ugali." komento ko. "Ha?" Sa inis, naikwento ko sa kanila ang nangyari. Lumabas si Patty mula sa loob dahil narinig niya daw ang boses ko. "Sino diyan?" tanong nito ng mapag-alaman ang kwento ko. "Yung Ion. Yun ang tawag ni Jasper kanina e. Yung may itim na motorbike, yung nasa sulok." Mukhang nakilala din agad iyon ni Patty. "A, si Kuya Orion! Mabait naman siya a? Best friend yan ni Kuya." Iningusan ko siya. "Akala ko din mabait, hindi naman pala. Type ko pa naman sana." Best friend pala siya ni Yvo. Bakit hindi ko siya madalas makita kung ganoon? "Mukha lang siyang masungit pero mabait talaga yan." "Chance mo na to, sis. Aatrasan mo pa ba yan? Mukhang boyfriend material. Hindi ka magsisisi pag nabingwit mo yan. Pwede ka nang buhayin niyan." sulsol naman ni Alice na pwede nang ilaban sa scammer. "Lasingin mo muna saka mo diskartehan." nagbanggaan ng baso sina Ethan at Jay. "Mga siraulo kayo. May kahihiyan din ako no. Inayawan niya na ako kanina, may hiya din ako." "Ay meron ba?" Binato ko nang tinidor si Prince na nakaiwas naman. Humalakhak ang bakla ng malakas. "Ano ba yang dala mo?" tanong ni Sam. Naalala ko ang dala ko. Ipinatong ko yun sa mesa at binuksan. Nakangising pinakita ko yun sa kanila. "Tangina! Red horse?" "Binalot mo pa talaga!" para na silang mamamatay kakatawa pero binuksan naman nila iyon. Mabuti na lang at parehong open-minded ang mga magulang ni Patricia. Pinahatiran pa kami ng letchon at inumin sa mesa. Sanay na naman sila sa amin kaya feel at home kami. Nag-inuman at nagkwentuhan na lang kami hanggang sa dumilim na. Pasulyap sulyap ako sa mesa nila Ion. Ang ingay na din nila doon pero ang lalaki ay tahimik lang at pangisi ngisi sa sulok. Ang gwapo talaga, kainis. Yung mga babaeng bisita nila Patty obvious na nagpapapansin sa mesa ng mga lalaki. I wonder if iisang station lang ba sila nakadistino? Saang checkpoint sila naka-assign? Nang mag-aalas nwebe na ay naisipan kong mag-cr. Kami-kami na lang ang mga tao doon. Kaninang tanghali pa ba naman sila nag-iinuman kaya lasing na ang iba. Yung iba nagsiuwian na tulad ng mga kapitbahay nila patty. Lumipat kami ng pwesto kanina dahil gustong kumanta ng kaibigan ko. Go na go naman si Prince dahil nandoon nga sa malapit ang mesa ng mga police. Mas napapagmasdan ko na ngayon ng malapit ang lalaki pero ni minsan hindi bumaling sa akin. "Saan ka?" tanong ni Patty sa akin nang makita niya akong tumayo. "Comfort room lang." Malakas ang tolerance ko sa alcohol kaya hindi pa ako gaanong nalalasing pero alam ko na may tama na ako. "Gusto mo bang samahan kita?" Umiling ako. "Hindi. Kaya ko pa." Tumango ito at hinayaan akong pumasok sa bahay nila. May cr naman sa first floor kaya doon na ako nagbanyo. Naghilamos ako at nag-ayos. Namumula ang magkabila kong pisngi, sinuklay ko pataas ang hanggang leeg at bagsak kong buhok. Alam ko namang maganda ako, mataas at balingkinitan. Malaki din ang pwet ko na kinaiingitan ng baklang si Prince. Yun nga lang medyo hindi malaki ang dibdib ko. Sakto lang. Nang makontento sa sarili ay lumabas na ako. "Em!" Napatigil ako at hinarap si Tita nang tawagin niya ako. May bitbit itong pitsel ng tubig. "Bakit po, tita?" "Lalabas ka din naman, pakidala na lang to sa mesa nila Yvo. Nagpapakuha kasi sila." Agad na inabot ko iyon. "Sige po tita. Ako na ang bahala." Nginitian niya ako at nagpasalamat. Mukhang busy ito sa kusina. Habang papalapit ako sa mesa nila Ion, yung tingin ko nasa kaniya lang. Medyo kinakabahan din ako dahil nakita kong napatingin siya sa akin pero inalis din agad. He looks drunk. Yung mga mata niya naniningkit na at nakakalaglag panty ang ngisi niya sa kasama. Tanda mo ba ako? Ako lang naman yung hindi mo pinasakay sa motor. Sinadya kong sa gilid niya dumiretso. Napansin agad ako ni Yvo. "Salamat, Em!" sabay kuha nito sa pitsel. Naririnig ko yung kantyaw ng mga bakla sa kabila. "Pahingi ako ng isang baso." Ako ang malapit kay Ion kaya binigay pabalik sa akin ni Yvo ang pitsel para ako ang maglagay nun sa baso ng lalaki. Sumulyap ako sa kaniya pero ang lalaki ayaw man lang ako tapunan ng tingin. Iniumang ko na ang bibig ng pitsel sa baso na hawak niya, pero nagulat ako nang pagbuhos ko, natapon lahat ng laman nun. Hindi pala naayos ang pagkakatakip kaya pati iyon ay natangay. Gulat na nanlaki ang mga mata ko. Napaatras naman si Orion dahil nabuhusan ko ang kamay niya na may relo. Basang basa ang kamay niya. "s**t!" "Hala, sorry." Sinamaaan niya ako ng tingin at dali-daling tinanggal ang relo. Natatarantang naghanap ako ng tissue pero wala akong makita. "Anong nangyari?" kuryosong tanong ng ibang police. "You okay, bro?" Nakita kong natigilan si Yvo nang makita ang relo na pinapatuyo ni Orion. "That's..." napatingin siya sa akin ng may pag-aalala. Am I in trouble? Mahal ba yung relo? Napaatras ako nang bigla akong hawakan ng marahas sa braso ni Orion. He look so mad right now. "Tanga ka ba?" singhal nito. Napatigil ang kumakanta dahil sa kumosyon. "S-sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi na ba naaandar? Papalitan ko na lang." Hindi ko alam pero mas nagalit ito sa sinabi ko. "Papalitan? Hindi mo mapapalitan to!" Pumagitna na si Yvo sa amin at inawat si Orion. Nilapitan naman ako ng kaibigan ko at tinanong pero hindi ko sila masagot sagot. Hindi ko din sure kung mapapalitan ko yun kung mahal nga talaga ang relo. "Bro, please calm down. Hindi niya naman sinasadya." rinig kong sabi ni Yvo bago hinila ito palayo para pakalmahin. Relo lang naman yun ah? Sabi ko nga babayaran ko. Bakit galit na galit siya? Hindi ko naman siya tatakbuhan. Ang sungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD