Chapter 30 - Tulungan si Enz

1294 Words
Nakapwesto na kami ni Irchy sa may puno, nakikiramdam, nagmamasid. Nasa unahan namin si Bree, nasa taas s'ya ng puno. Para mas madali n'yang makita ang buntot ng Estora. Samantalang nasa pinakaunahan naman si Jio, naghahanda para sa signal na gagawin ni Irchy. "One..." Naang magbilang si Irchy. Pakiramdam ko, bumagal ang takbo ng oras. Ang pagsayaw ng mga dahon ay bumabagal. "Two..." Nagsimula nang bumilis ang pagtibok ng puso ko. At unti-unting tumaas ang gilid ng labi ko. Ako si Ashrah at hindi si Xielo. At ang nararamdaman ko ngayon ay hindi kaba o takot. Because all I can feel is excitement. "Three!" sigaw ni Irchy at tuluyan nang lumabas si Jio sa pinagtataguan n'ya. Tumakbo s'ya sa unahan at parang gusto ko na lang panain si Jio, dahil sa mga pinagsasabi n'ya. "Hoy! Estorang ahas! Lumabas ka r'yan! Yuhuu! Estora!" "Kahit kailan talaga, Jio!" Hindi na rin mapigilan ni Irchy ang pagkainis. Naihilamos n'ya pa ang mga kamay sa mukha n'ya, "Hay! Ewan!" "Hoy, Estora! Magpakita ka!" Nakaharap si Jio sa 'min, habang nagmamartsa at itinaas-taas pa ang bitbit na sibat at pananggalang, "Ay hayop ka! Saan ka na ba!" Napapailing na lang si Irchy habang sapo n'ya ang sariling noo. Pero kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot ang Estora sa likod ni Jio. "Estora, gusto mo bang ihawin kita? Mamili ka, ginataan? O sinabawan na lang kaya?" Patuloy pa rin sa pagsasalita nang kung ano-ano si Jio at walang kamalay-malay na nasa likod n'ya na pala ang kanina n'ya pang tinatawag. Nagpapadyak na lang sa kaba si Irchy. Hindi kami p'wedeng sumigaw, baka makita kami ng Estora. Masisira ang plano namin kapag nagkataon. "Hoy, Estora!" Anak ng kangaroo ka talaga Jio! Nakita namin ang dahan-dahang paggapang ng Estora papunta sa kinaroroonan ni Jio. Lumabas ang dila nito at sigurado akong may tunog 'yon. Sana naman narinig 'yon ni Jio. "Esto—" Kulang na lang pumalakpak ako, dahil sa wakas natigil din sa kakangawa si Jio. Kaagad kaming tiningnan ni Jio at sumenyas kami na nasa likod n'ya na ang Estora. Wala pang segundo ay kumaripas na nang takbo si Jio. Mabilis din ang paggapang ng Estora. Nagtago pa kami nang mabuti nang dumaan na sila sa tapat namin. Tiningnan ko si Jio na halos hindi ko na makita, dahil siguro naka-activate na ang running skill n'ya. "Ready ka na, Ashrah?" "Gawin na natin." Sabay kaming lumabas ni Irchy sa pinagtataguan namin. Pumwesto na ako sa likod ni Irchy at naka-pwesto na rin s'ya. Nilapag n'ya ang Barrett M82 n'ya sa lupa. Hindi pa ako sigurado kung Barrett M82 nga ang sniping gun n'ya. Kaagad na s'yang dumapa at nakahanda nang patamaan ang Estora. Inihanda ko na rin ang pana ko, kumuha ng isang palaso, saka 'yon nilagay sa pana. Pumikit ako at dinama ang daloy ng hangin. Masyadong mahangi. Mukhang mahihirapan ako nito. Narinig kong nagpaputok ng isang beses si Irchy, "Sh*t, hindi natamaan!" I cleared my mind. Naririnig ko na ang ingay ng hangin. Nakarinig ulit ako ng isang putok na sinundan ng pagmura ni Irchy, "T*ng ina!" Papunta sa kanan ang hangin. Isang putok ulit ang narinig ko, "Sh*t, Ashrah, nakita n'ya na tayo." Nanatili akong nakapikit at patuloy na dinadama ang daloy ng hangin. "Hinagis ni Jio ang sibat n'ya at naagaw n'ya ulit ang atensyon ng Estora!" Parang nanonood lang ng boxing match si Irchy, "Mag-concentrate ka lang d'yan, papuputukan ko s'ya ulit." Papunta sa kaliwa ang hangin. Isang putok ulit ang narinig ko. Nagtaka ako ba't gumulo na 'ata ang daloy ng hangin. At nasagot 'yon nang sumigaw si Irchy. "Papunta na talaga s'ya rito, Ashrah!" Kaunti na lang... Nasa kanan naman ang destinasyon ng hangin, pakaliwa ulit. Kanan. Kaliwa. Kanan. "Ashrah!" Kaliwa! Kaagad akong nagmulat ng mga mata at nakitang nasa sampung metro na lang ang layo ng Estora. Ipinwesto ko ang palaso, gumilid nang kaunti sa kanan at binitawan ang pisi ng pana. Sapul sa mata. Napangisi ako. Nagsitumbahan na ang mga puno, dahil nagwawala na ang Estora sa pag-inda sa ginawa kong pagtama ng palaso sa mata n'ya. "Ayos!" Narinig kong sigaw ni Irchy. Kumuha ulit ako ng isa pang palaso at ipinwesto 'yon, sa pagkakataong 'to, tiyan n'ya naman ang puntirya ko. Masyadong malikot ang Estora kaya, hindi ko alam sa'n patatamaan. Kinalma ko ang kamay ko at pati na rin ang paghinga ko. Saka ko pa lang naramdaman ang daloy ng hangin. Natigil ang sa pagwawala ang Estora at nakatingin na sa direksyon namin ni Irchy. "Lagot ka, Ashrah, ginalit mo," natatawang sabi ni Irchy saka ulit dumapa at minaniobra ang baril n'ya. Dahil, hindi na gaanong gumagalaw ang Estora ay natamaan ni Irchy ay katawan nito. Galit na galit na 'ata talaga ang Estora, dahil sumigaw ito at naitakip ko na lang ang kamay ko sa tainga ko. "Ang sakit no'n, ah!" bulalas ni Irchy habang tinatampal-tampal ang tainga. Nang tumigil sa pagsigaw ang Estora ay pumikit ako ulit saka ipinwesto ang pana. Papuntang kanan ang hangin. Nagpaputok ulit si Irchy, "Nakaiwas s'ya!" Papuntang kaliwa ang hangin. Isa pang putok ulit, "Lagot na, Ashrah, papunta na naman s'ya rito!" Kaliwa! Iminulat ko kaagad ang mga mata nang huminto sa pag-ihip ang hangin sa kaliwa. Gumilid ako ng kaunti sa kanan, itinaas ng kaunti ang kamay saka binitawan ang pisi, "Ngayon na, Bree!" Kaagad na tumalima si Bree. Bigla s'yang nawala. Tumama sa kabilang mata ng Estora ang palaso, kasabay no'n ang pagkaputol ng buntot n'ya. At napapanganga na lang kami nang unti-unting nasusunog ang Estora. Ilang minuto pa at naging abo na s'ya. May lumutang sa ere. "Woah! One thousand coins!" Nakalapit na pala sa 'min si Jio. Napaupo ako kaagad sa lupa. That was intense! Nakipag-high five si Jio sa 'min. Gano'n din sina Bree at Irchy sa 'kin. "Galing mo, Ashrah, ah!" Tinapik pa ni Jio ang balikat ko, "May pikit-pikit pang nalalaman!" "Siraulo." Tanging nasabi ko, "Galing mo nang gumamit ng espada, Bree, pati na rin ang flying skill, nakabisado mo kaagad." "Oo nga!" segunda naman ni Jio, "Ang astig!" "Congratulations sa 'tin, guys! Ganda ng combo natin!" natutuwang sabi ni Irchy, "Pero, hindi pa tayo tapos." Oo nga. Nasa unang pagsubok pa lang kami. At hindi pa namin nakikita ang Alycoon. Ilang Prix pa ang makakalaban namin? Nagulat na lang kami sa biglaang pagsulpot ni Enz sa harapan namin. "At nagpakita ka pa talaga!" Muntik nang suntukin ni Irchy si Enz nang biglang lumuhod si Enz sa harapan namin. "Kailangan ko nang tulong n'yo." Saglit kaming natulala sa sinabi n'ya. "Nagpapatawa ka ba!" sigaw ni Jio, "Matapos mo kaming nakawan!" Kaagad na hinagis ni Enz ang pouch na ninakaw n'ya sa 'min kanina, "Parang awa n'yo na, may sakit ang kapatid ko, kailangan kong manalo sa daily task namin. Iko-convert ko sa totoong pera ang mapapanalunan ko. Ayaw akong tulungan ng mga ka-squad ko, kasi delikado. Galing sila sa mayayamang pamilya, samantalang ako, scholar lang at ang headgear na gamit ko ay sponsor lang ng paaralan namin. Please, maawa kayo. 'Yong kasama ko kanina, naubos na ang life n'ya." Walang ni isa man ang sumagot. "Sige." Gulat na napatingin sina Jio sa 'kin. Tiningnan ko si Enz, "Ilang oras na lang natitira sa daily task mo?" Tumingala s'ya bago sumagot, "Limang oras na lang." "Ganito, tatapusin muna namin ang daily task namin, saka kita tutulungan." Lumiwanag ang ekspresyon ng mukha n'ya, "Maraming salamat!" "Anong ikaw?" Nakataas-kilay na tanong ni Irchy, "Syempre kasama ako!" "Ako rin!" nakangiting sabi ni Bree. "Hoy, sama rin ako!" segunda ni Jio saka tiningnan si Enz nang masama, "Magnakaw ka pa at ililibing kita nang buhay." Nagsimula na silang mag-usap-usap. Hindi ko alam, pero ayaw kong tumanggi sa mga taong nangangailangan ng tulong. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD