Chapter 33 - Riyu 'The Illusionist'

1157 Words
"Ibibigay ko ang natitira kong skill, Ashrah," sabi ni Bree. "Oo, ako rin," sabay na sabi ni Jio at Irchy. "Sinong nagsabi?" nakangising turan ni Enz, "Kaya na 'yan ng talino ni Ashrah." "Napakasama mo talaga!" Ang kaninang tahimik lang na si Bree, ay hindi na napigilang ipakita ang galit n'ya. "Eh, ano ngayon?" Sinundan 'yon ng malutong na pagtawa ni Enz, "Alis na Ashrah, may apat na oras ka na lang." Sinamaan ko s'ya ng tingin. Wala na akong magagawa kung hindi ang talikuran sila at harapin ang nakaabang na laban. Wala na itong atrasan. "Migron." Kaagad din s'yang lumabas sa tabi ko, nakapatong sa ulap n'ya na lumulutang sa ere. "Anong plano mo?" "Matulog ka na lang," nang-uuyam kong sabi sa kan'ya. "Sinabi ko naman sa 'yo, na inaantok talaga kaming mga Dragonier kapag naglalaho na kami o 'di kaya nag-iiba ng kulay," pagpapaliwanag n'ya, "Kung magpapakita naman ako sa mga kalaban, baka pati ako napagtripan." "Oo na, oo na." Inismiran ko s'ya kahit hindi n'ya nakikita, "Anong laban ko sa isang Dragonier na alam ang lahat?" "Wala naman kaming silbi, kung hindi pa namin nakikita ang isang nilalang o bagay." Tumigil ako sa paglalakad, pero bago pa ako makapagsalita, sumulpot na sina Enz sa likod ko. "Nanggugulat naman kayo!" Napahawak pa ako sa dibdib ko, "Ang bilis n'yo namang nakasunod?" "Ashrah, kanina pa kami nakasunod." Nagtatakang tingin ang ibinigay ni Jio sa 'kin. Napataas ang kilay ko sa narinig. "Sino ang kausap mo?" tanong ni Enz sa 'kin. Naguguluhan na ako. Anong nangyayari? "Anong nangyayari sa 'yo, Ashrah?" Kaagad kong narinig ang boses ni Migron. "Sino ang kausap mo?" Hindi ba 'yon ikaw? "Kanina pa ako tahimik, bigla ka na lang nagsalita na hindi ko maintindihan." Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng isa sa mga kasamahan ni Enz, "Baliw ka na ba? Anong pinagsasabi mo?" Kinutuban na ako. May hindi tama sa mga nangyayari. At tuluyan na akong kinabahan nang si Irchy naman ang nagsalita sa hindi maintindihan na lenggwahe. Nakatingin s'ya sa kanan. "Ba't kayo gan'yan makatingin?" nagtatakang tanong ni Irchy. "Sino kausap mo?" tanong ni Bree na katabi n'ya lang. Kumunot ang noo ni Irchy saka hinarap si Bree, "Ikaw!" "Wala akong sinasabi sa 'yo." Umiling-iling pa si Bree kay Irchy. Sa pagkakataong ito, si Enz naman ang nagsalita sa hindi maintindihang lenggwahe. "May skill ba na ilusyon?" naitanong ko bigla. "Sh*t!" sabay na bulalas nina Enz at Irchy. At base sa naging reaksyon nila, alam ko na kaagad ang sagot. "Kung sino man kayo, magpakita kayo at lumaban ng patas!" sigaw ni Enz na palinga-linga pa sa paligid. "Nagsalita ang lumalaban ng patas," nang-uuyam na sabi ni Jio. Bago pa man makasagot si Enz ay nagsalita sa hindi na naman maintindihang lenggwahe ang isa sa mga kasamahan n'ya. Pumikit ako at hinintay na matapos s'yang magsalita. Kaagad akong nagbilang nang matapos na nga s'ya. Isa. "Walang hiya ka talaga, lumabas ka!" Dalawa. "Hoy, duwag! Lumabas ka!" Tatlo. "Takot ka bang hayop ka!" Apat. "L*ntik lang ang walang ganti!" Lima. "Tagu-taguan ba 'to ng mga duwag!" Anim. "Yari ka talaga, kapag nakita ka namin!" Pito. "Nakakapikon ka na, ha!" Walo. "Galingan mo lang sa pagtago, dahil hindi kami magpapakita ng awa!" Siyam. "Sige pa, magtago ka pa! Kapag ikaw nahuli namin, magdasal ka na!" Sampu. At biglang may nagsalita na naman sa hindi maintindihang lenggwahe. Kaagad akong nagmulat ng mga mata at tiningnan kung sa'n nakaharap ang nagsasalita. Kanan. Sampung segundo. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong makasiguro kung tama ang hinala ko. Nang matapos sa pagsasalita ang isa sa mga kasamahan ni Enz ay nagbilang ako ulit. Sampung segundo. At sa kanan s'ya nakatingin. This is it. Hinanda ko ang pana ko at naglagay kaagad ng palaso. Kaagad naman akong napansin ni Bree, "Anong ginagawa mo, Ashrah?" Hindi ko s'ya pinansin at kaagad na nagbilang nang matapos sa pagsasalita ang isa sa mga kasamahan ni Enz. Isa. "Hoy, Ashrah! Anong ginagawa mo!" Dalawa. "Naloko na!" Tatlo. "Hoy, Ashrah!" Apat. "Anong plano mo, Ashrah!" Lima. "Sumagot ka!" Anim. "Maloloka na ako!" Pito. "Umaalis na lang tayo, Enz!" Walo. "Manahimik ka!" Siyam. Kaagad kong hinanda ang sarili ko at ipinwesto ang mga kamay ko habang hawak ang pana ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila. Sampu. Sa pagkakataong ito, si Bree ang nagsalita sa hindi maintindihang lenggwahe. Itinutok ko sa kanang bahagi ni Bree ang palaso. "Ashrah!" sabay na sigaw nina Jio at Irchy. Kaagad na nagsilayuan ang mga nasa kanang bahagi ni Bree. Sa isang iglap lang, malayang lumilipad sa ere ang palasong binitiwan ko. Kasabay ng mga sigaw nila ay ang pagsulpot ng isang player na nasa kanang gilid ni Bree. Isang pulgada na lang at matatamaan na sana s'ya ng palaso ko. "Hayop! Muntik na akong matamaan no'n, ah!" sigaw ng bagong sulpot na player. Kaagad na napunta ang tingin ko sa status bar n'ya. Riyu HP level 100 Anak ng kangaroo! At sabay na nagsulputan ang iba pang player na kasama 'ata ng Riyu na 'to. Kaagad nila kaming tinutukan ng mga baril nila. Ba't ang hilig 'ata nila sa mga baril? "Ri-Riyu?" Nanlalaki ang mga mata ni Enz habang nakatingin kay Riyu, "A-Alis ba kami!" Anak ng kangaroo! Mabilis pa sa kidlat, bigla na lang nawala ang grupo ni Enz. Nakita ko ring nakayuko sina Irchy at Jio. Kilala ba nila ang Riyu na 'to? Anong mayro'n sa Riyu na 'to at parang takot sa kan'ya ang lahat. Kaagad namang nagsalita si Migron sa isipan ko. Riyu Gun user HP level 100 Squad tournament -  180 wins - 40 losses Daily task - 389 wins - 35 losses Facts : Binansagang 'The Illusionist'. Wala pang nakakatalo sa kan'ya, dahil sa illusion skill n'ya. Isa s'ya sa mga player na ayaw makalaban ng iba. Kahinaan? Hindi nagseseryoso sa laban, kaya pati mga ka-squad ay nawawala sa focus. "Pa'no ba 'yan, Riyu? May nakatalo na sa illusion skill mo!" Tumayo si Riyu at nilapitan ako, "Matalino ka nga talaga. Ayaw ko mang aminin, pero nakakahiya at natalo ako ng isang babaeng HP level 5." Hindi naman masyadong mayabang, ano? Lumapit pa s'ya sa 'kin, "H'wag masyadong maging masaya, dahil hindi pa 'yon ang kayang gawin ng illusion skill ko. Swerte n'yo nga, dahil makakaalis na kayo." "A-Ano?" sabay na tanong nina Jio at Irchy. Nalipat ang atensyon ni Riyu sa kanila, "Ayaw kong maunahan ako sa pagtalo sa Zagira. Ayaw ko mang aminin, pero base sa mga nakita kong kayang gawin ng isang Ashrah, alam kong kaya n'yang matalo ang Zagira. Pero syempre, hindi ako papayag na maunahan n'ya." Kailangan ko bang matuwa? Binalik ni Riyu ang tingin n'ya sa 'kin, "Kaya umalis na kayo." "Ta-Tayo na, Ashrah!" Bago pa ako nila mahila, hinarap ko na si Riyu, "Sa-Salamat." "Hihintayin ko ang paghaharap natin sa squad tournament." Tumango lang ako bilang sagot. Oo. Hihintayin ko ang araw na 'yon Riyu 'The Illusionist'. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD