Chapter 37 - Brainy Chick

1251 Words
Araw ng squad tournament. Sa mga nagdaang araw, hindi na ako sumasama sa mga daily task. Tumutulong na lang ako sa pagmo-monitor. Hindi ko rin pinapansin si Zen, at kahit sa labas ng GSO, lumalayo ako sa kan'ya. Ayaw ko na munang patulan ang utak n'yang makitid. Nagpa-plano rin akong alamin, kung sino si Melody. Ang solo tournament namin ni Mirya ay gagawin namin next week, dahil naghahanda ang iba n'yang ka-squad para sa squad tournament. Sa ngayon, manonood kami ng squad tournament. "Ahm guys, matanong ko lang. Kapag ba sasali sa squad tournament, anong mangyayari sa daily task?" tanong ni Aruz—isang bagong miyembro. S'ya si Mario San Pedro sa totoong buhay. Isang probinsyano, pero hindi naman halata kung pumorma at magsalita. "Safe. Walang talo, wala ring panalo," sagot ni Yuri na hinahanda ang big screen sa loob ng bahay. Doon kami manonood ng live squad tournament. May isang maliit na screen sa gilid nito, kuha naman 'yon mismo sa labas ng GSO. Mapapanood ng live ang squad tournament sa TV network na pag-aari din ng GSO, ang GSO Channel. Sakop ng channel na ito ang buong pitong virtual worlds. Maliban sa GSO Channel, mapapanood din ng live ang squad tournament sa Armenzie App. Isa itong application na kailangang i-download sa cell phone. Hindi s'ya isang game app. Isa s'yang app na nagbibigay ng mga balita o kaganapan sa loob ng Armenza. Para lang din s'yang GSO Channel, pero Armenza lang ang sakop ng Armenzie App, dahil may sariling application ang iba pang virtual worlds sa loob ng GSO. Ibig sabihin, ang mga top hero at squad, ay sikat din sa labas ng GSO. Kasalukuyan daw silang nag-a-upgrade, dahil plano na rin nilang ipalabas ang mga daily task highlights. "So, tayong mga hindi sasali, kailangan pa rin nating gawin?" tanong naman ni Jira, isa ring bagong member. S'ya si Natalya Evangelio sa totoong buhay. Mahinhin at parang prinicipal ang dating, pero mabait naman. Sa ngayon, mayro'n ng labing apat na miyembro ang BAS. "I'm back!" sigaw ni Jio habang kinakaway-kaway ang mga pagkain nilang dala. "Aba! Parang manonood lang ng sine, ah!" bulalas ni Irchy. "Paki-check na ang big screen, Jio," sabi ni Zen na kanina pa tahimik, "I-log in mo sa data base ng Armenza para mabigyan tayo ng records sa lahat ng games." Kaagad namang tumalima si Jio at pumwesto na sa harap ng big screen. May isa pang big screen kung saan nagmo-monitor sa daily task, at kasalukuyan nang nasa harap no'n si Irchy. Daily task nila ni Xy ngayon. Kasama naman ni Xy sina Rim at Shin. Napapansin kong iniiwasan ako ni Rim. Nahihiya naman akong kausapin s'ya at tanungin kung anonf problema. Hintayin ko na lang siguro na s'ya mismo ang mag-open up. Lalapitan ko na sana si Irchy para sana tumulong sa pag-monitor nang biglang magsalita si Zen, "Umupo ka sa likod ni Jio, Ashrah, kailangan mong manood, para makilala mo kung sino-sino ang mga maaari nating makalaban sa susunod na squad tournament." Ngayon n'ya lang ako kinausap ulit. "Oo nga, Ashrah," segunda ni Bree. "Tama si Zen, Ashrah," sang-ayon ni Krix na kumakain na sa dalang pagkain ni Jio, "Ikaw ang utak ng BAS, para mapaghandaan mo rin ang mga strategy na gagawin." "Hindi ko pa kayo napanood lahat kung pa'no kayo makipaglaban," sabi naman ni Aruz, "Pero totoong ang astig mo talaga, Ashrah! Kahit ilang beses kong panoorin ang video record, nakakabilib pa rin!" "Oo na, oo na," sagot ko sa kanila at tinungo na ang upuan sa likod ni Jio, "Hindi na kailangan nang mga mabubulaklak na salita." "Hanggang ngayon, Ashrah, hindi ka pa rin sanay sa mga papuri sa 'yo," ani Yuri at umupo na rin sa tabi ko. "Saka n'yo na ako purihin, kung may naiambag na akong panalo sa squad tournament," mahina kong sagot. Hindi pa rin talaga ako sanay. Gusto ko ring ipakita kay Zen, that I'm not after fame or what, dahil una sa lahat, ayaw ko nang marinig na hinahalimtulad n'ya ako kay Raffa. Nagsimula nang mag-countdown ang live na nasa maliit na screen. "So, una sa lahat," panimula nang head reporter sa Armenzie App na kasalukuyang nasa News Alert sa GSO Channel, "Magiging kakaiba ang squad tournament ngayong buwan, dahil nag-upgrade ang Armenza." "Iyon din ang balita ko!" segunda ng isang reporter na nasa ibang lugar. Nakikita ko sa likod n'ya ang mga kabataan na hawak ang kani-kaniyang mga cellphone, siguro nakatutok na rin sila sa Armenzie App. Hindi ko na nasundan pa ang pag-uusap ng mga reporter, dahil nagsisimula na ang squad tournament, at nakikita namin ang halos hindi mabilang na mga player. "Magsisimula na ang matching up." Narinig kong sabi ni Jio na nasa harapan ko lang. Oo nga pala, on the spot ang pagpili ng mga maglalaban-laban. Ibig sabihin, wala ni sino mang nakakaalam kung sino magkakalaban-laban. Naka-focus ang camera sa isang babaeng may pakpak na kulay ginto—staff ng Armenza. Tiningnan ko ang status bar n'ya. Irmee Reporter "Bago simulan ang matching up, ipapakilala muna namin ang top ten na nanalo o ang may pinakamataas na score noong nakaraang squad tournament." Nagsimulang mag-ingay ang lahat. "Jio, naka-log in ka na ba sa data base?" tanong ni Zen at naramdaman kong nasa likod ko na s'ya. "Naman!" sagot kaagad ni Jio. "Maglaan ka ng copy sa top ten, ibigay mo kay Ashrah, dahil sila ang magiging bigatin na maaari nating makalaban. Pati picture, para makita ni Migron at mapag-aralan ang mga kahinaan nila." "Sa-Sandali..." singit ko sa pag-uusap nila, "Ibig sabihin..." Si Migron na mismo ang sumagot, "Oo, Ashrah, hindi ako p'wedeng sumama sa 'yo kapag squad tournament." Masusubok na talaga ang talino ko rito. Malaki ang tulong ni Migron sa 'kin, dahil sa mga tip na binibigay n'ya, nakagagawa ako ng mga strategy. Mukhang mahihirapan ako sa squad tournament. "P'wde kang mag-save ng messages sa drafts mo, Ashrah," sabi naman ni Jio, "Kahit pa ma-memorize mo lahat, mahihirapan ka pa rin kapag nasa mismong squad tournament ka na." "Oo, Ashrah. Isa pa, h'wag kang mag-alala, magsi-save rin kami, in case lang," sabi ni Yuri. "First up, the top ten! The Extravagant!" sabi ni Irmee at kaagad na natuon ang mga mata ko sa big screen. May sumulpot na lalake sa tabi ni Irmee at gaya nang lagi kong ginagawa, tiningnan ko ang status bar n'ya. Kaagad ding nagsalita si Migron. Razeem Sword user HP level 99 Squad tournament - 78 wins - 30 losses Daily task - 150 wins - 10 losses Facts : Mayabang sa lahat ng bagay. Bago tumira sa kalaban ay marami pang satsat, kaya nauunahan na lang minsan na matamaan ng kalaban. "Ako na muna magsusulat sa draft," suhestyon ni Jira. Nagsalita ulit si Irmee, "May gusto ka bang makalaban? Sino at bakit?" "Oo, kaso lang hindi sila nakasali. Pero aabangan ko sila sa susunod na squad tournament. Balita ko, naghahanda sila." "P'wde bang malaman kung sino?" "Oo naman! Ang nag-iisang B-Chick ng Armenza! Si Ashrah ng Aces!" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Napapikit at napayuko na lang ako sa sunod kong narinig. "Anong B-Chick?" nagtatakang tanong ni Irmee. "Brainy chick! Ano pa!" At nilunod na ng ingay ang dalawang screen na nasa harapan namin. "Ayon, oh! Sikat ka na nga talaga, Ashrah!" Parang gusto ko na lang matunaw sa sobrang hiya. Anak ng kangaroo! Pero... Bigla akong kinabahan sa huling statement na binitiwan ni Razeem. "Dakilang extra man kami, pero hindi namin hahayaan na makapasok sa top ten ang Aces!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD