Chapter 43 - Round One (Part3)

1398 Words
"So... sinong squad na naman panonoorin natin?" tanong ni Jio na handa nang i-type kung anong sasabihin namin. "Sino, Ashrah?" Sa pagkakataong 'to ay nilingon ko na si Zen sa likuran ko. Tumikhim muna s'ya bago nagsalita ulit, "Ba-Baka may gusto kang squad na pag-aralan." Narinig ko ang mga mahihinang tawa nina Yuri, Xy, at Kiri. "Tripple D," tipid kong sagot. "Sabi ko na nga ba, 'yan din ang naisip kong squad," sabi ni Shin habang nakahawak pa sa baba n'ya. "Aba! May isip ka pa pala, Shin?" panunukso ni Irchy kay Shin. "Ang sama n'yo sa 'kin," kunwaring nagtatampo na sabi ni Shin na sinabayan n'ya pa nang paghawak sa dibdib n'ya. Naging seryoso naman kami bigla nang makita na namin sa big screen ang pangalang Tripple D Squad. Kaagad na nag-focus sa big screen, na kaharap ng member ng Tripple D ang camera. Nagsalita naman kaagad si Migron. Erish Sword user HP level 80 Squad tournament - 110 wins - 34 losses Daily task - 198 wins - 28 losses Facts : Matagal mag-isip, kaya minsan laging nahuhuli. "Totoo nga ang facts tungkol sa kan'ya." Kaagad na nalipat ang mga atensyon namin sa big screen, nang itinuro 'yon ni Jio. "Parehas lang pala lahat nang pinapasagutan sa round one," sabi  i Yuri at napatango naman kaming lahat. May isang guess na lang s'yang natitira. At napangiti na lang ako nang i-type n'ya ang huling sagot nila. Teamwork "Magaling sila, pero mabagal nga lang talagang mag-isip," sabi naman ni Sharee. Kaagad na nag-kulay green ang bog screen sa harap ni Erish. Congratulations! Here's the clue to the civilian's location. Flowing with sweetness as well as danger. Ano raw? Biglang may nag-popped up na maliit na screen sa ilalim ng big screen, nakita naming si Irmee 'yon, may ia-anunsyo siguro. "Bilang pa lang ang nakakuha ng sagot sa unang tanong sa round one. Kapag ang player ay nabigyan na ng clue para sa susunod n'yang hahanapan ng sagot, sabi ko nga kanina, na ang clue na ibibigay ay ang kinaroroonan ng ililigtas na sibilyan. Kapag nakaisip na ang player ng sagot, may mapa sa big screen na nakalaan para sa elimination category. Pipindutin nila 'yon, at hahanapin nila, kung nando'n ang naisip nilang sagot. Kapag gusto namang mapadali ang paghahanap, mayro'ng search tab sa mapa at ilagay lang keyword nang naisip ninyong lugar. Don't worry madali lang makakapunta sa kinaroroonan ng ililigtas na sibilyan, dahil susundan lang nila ang mga red mark na nasa mapa. Ang medyo mahirap lang, ang pag-isip kung anong lugar ang ibinigay ng clue. Once again, good luck!" "Paki-zoom in sa mapa na tinitingnan n'ya, Jio," sabi ko at lumapit sa tabi ni Jio. May mga pangalan nga sa mapa. "Flowing with sweetness as well as danger." Pag-uulit ko sa ibinigay na clue. "Honey!" sabay na naisigaw namin ni Bree. "Oy, bawal n'yo akong tawagin sa pangalan ko kapag nandito tayo sa Armenza," reklamo ni Yuri sa 'min. Biglang bumunghalit ng tawa ang iba. "A-Anong na-nakakatawa?" mahinang tanong ni Yuri na may halong pagtataka sa boses n'ya. Kaagad na nagsalita si Jio, "Ayan! Nakuha n'ya na ang sagot!" Nakita naming dinadaanan n'ya ang may red marks sa mapa. Siguro, nabasa na ni Yuri kung sa'n papunta si Erish, dahil bigla s'ya napatawa, "Ay, 'yon pala ibig n'yong sabihin. Sorry naman." Nakisabay na rin ako sa pagtawa nila. Sumasabay ang camera sa bawat pagtakbo ni Erish. "Good luck na lang talaga," biglang sabi ni Irchy, "Bilisan mo pa ang pagtakbo, baka maunahan ka na ng kalaban!" Parang nakikisabay rin ang mga papa at pwet namin sa bawat pagtakbo ni Erish. "Bilis!" bulalas nina Kiri at Xy. "Sige pa!" sigaw naman nina Sharee at Krix. "Dalian mo!" Hindi rin nagpaawat sina Bree at Jira, may padyak pang nalalaman. "Bakit ang sagwa n'yong pakinggan?" Nilingon sila ni Jio. Ako naman ang napatawa. "Akala ko talaga, hindi ka na marunong tumawa, Ashrah." Bigla akong natahimik, dahil sa sinabi ni Rim. "Ayan tayo, eh! Pasimple lang duma-moves!" kantyaw ni Shin kay Rim. "Guys..." tawag ni Jio sa 'min. Kaagad namang nabalik ang atensyon namin sa big screen. At nagulat kami sa nakita. Isang player at nasa tabi nito ang isang babaeng walang status bar, 'yon na siguro ang tinatawag na Miriuz, isang uri ng Heroix na system operated. Kaagad namang sinabi ni Migron ang details ng lalakeng player. Hezen Gun user HP level 90 Squad tournament - 159 wins - 40 losses Daily task - 200 wins - 45 losses Facts : Masyadong mayabang. Hindi marunong makinig sa mga kasamahan. "Malala naman ang isang 'yan!" bulalas ni Aruz. "Bakit hindi n'ya pa hinahawakan?" tanong ni Jio na tutok na tutok sa big screen. "Anong hahawakan?" Itatanong ko sana 'yon, pero naunahan ako ni Bree. "Isang hawak mo lang sa sibilyan na ililigtas, ibig sabihin panalo ka na," paliwanag ni Zen. Gano'n pala 'yon. Nagsalita si Hezen at natuon kaagad ang atensyon namin sa kan'ya, "Ang bagal pala ng mga taga-Tripple D. Bale, nauna ako rito ng kinse minutos." Kaagad na dumako ang mga mata ko sa timer na nasa taas ng big screen. Forty-five minutes simula nang nag-umpisa ang round one. Nakuha nila ang sagot sa loob ng trenta minutos lang. "Ang yabang talaga! Hindi nga kami nagpa-party na wala pang fifteen minutes, nakuha na ni Ashrah ang sagot!" Kulang na lang hampasin ni Irchy ang big screen ng hawak n'yang softdrinks in can. Si Irchy 'ata ang mainitin ang ulo kaysa kay Zen. Nagsalita ulit si Hezen, "Gusto ko sanang makipaglaban pa, kaya hinintay talaga kita. Kaso babae ka pala, aksaya lang sa oras—" Nagulat na lang kami nang tumilapon ang espada ni Erish sa kinaroroonan ni Hezen, pero kaagad namang nakaiwas si Hezen. "Ba't 'di mo ako labana?" nanghahamong sabi ni Erish, at mas lalo akong nagulat nang lumipad pabalik sa kan'ya ang espada n'ya. "Woah, magnet skill!" sabay na sabi nina Yuri at Bree. "Ang lahat ng miyembro ng mga kidlat ay required na magkaroon sila ng magnet skill, we all know na puro sword ang weapon nila. Kung hindi magnet skill ang ibibigay na welcome gift ng Armenza sa kanila, kailangan nilang bumili. Kaya mas matakot kayo kapag ginamitan na kayo ng magnet skill ng mga taga-kidlat. Ang ginawa ni Erish ay simple lang. Nagulat lang din ako na may magnet skill pala ang isa sa mga taga-Tripple D." "Aba! Matapang!" sigaw ni Hezen at hinablot ang baril sa likuran n'ya. Kaagad n'ya 'yong ipinutok sa kinaroroonan ni Erish. Kulang na lang malaglag ang panga ko, dahil iwinasiwas lang ni Erish ang espada n'ya at hindi man lang s'ya natamaan! "Magaling nga sila, kahit may kahinaan. Hindi sila naging top three nang nakaraang squad tournament para lang sa wala," sabi ni Zen. Pero, napasigaw na lang kaming lahat nang tumakbo papalayo si Erish. "Anak ng!" "Bakit naman gano'!" "Ay naloko na!" "Sige, tumakbo ka! Mga duwag! Ano nga ba ang laban ng espada sa baril!" sigaw ni Hezen, punong-puno nga talaga s'ya ng kayabangan. "Hindi." Kaagad nila akong nilingon dahil sa sinabi ko, "Gagamit s'ya ng skill, sigurado ako. Ang hindi ko lang alam ay kung ano. Tumakbo s'ya papalayo, dahil mag-iisip s'ya ng paraan, remember, mabagal s'yang mag-isip." "Tama nga si, Ashrah, guys! Bigla s'yang nawala!" "Invisibility plus speed," sabi ni Migron na nakahiga pa rin sa mga hita ko, "Nalalaman ko ang mga ginagamit na skill ng isang player, kapag nakikita ko sila, syempre." Kaagad namang nagbilang si Aruz, "In three... two... one." Biglang nagkulay green ang kalangitan. "Anong nangyayari!" sigaw ni Hezen. Unti-unting lumilitaw ang katawan ni Erish, nakahawak s'ya sa kamay ng sibilyan, "Oo, mabagal ako mag-isip. Pero hindi ako bobo, katulad mo." "Anong sabi mo!" Kapwa sila natigilan nang may magsalita sa kung saan. "Congratulations, Erish of Tripple D Squad. You are qualified to proceed to the next category. And Hezen of Spectacular Squad, you are eliminated." Sabay silang naglaho at bumalik sa Main City ang background ng big screen. Marami pa ring nanonood. "Spectacular Squad. Hmm, parang pamilyar," sabi ni Yuri na nakatingin sa sahig, na para bang mahahanap n'ya ang kasagutan sa naiisip n'ya. Erish ng Tripple D Squad. Magaling ka. Hindi ko lang alam kung sino sa inyo ni Riyu ang mas magaling. Bigla kong naalala si Mirya. Haharapin ko s'ya pagkatapos nitong squad tournament. Ano kayang weapon n'ya? Hindi na ako makapaghintay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD