Chapter 35 - Falling

1146 Words
Nakatingin sa malawak na kalangitang napupuno ng mga nagkikislapang bituin. Nasa ilalim kami ng puno at minamasdan ang pagsabay ng mga sanga nito sa malamig na ihip ng hangin. Oo. Kami. Hindi ko alam kung pa'no n'ya ako napapayag na sumama sa kan'ya. "Alam mo, masaya ako na makilala ka at nakakausap ka nang ganito kalapit." Nilingon ko s'ya at nakitang nakatingin s'ya sa langit, "Anong ibig mong sabihin?" "Lagi ko kasing napapanaginipan si Joseph, he's telling me to befriend you." Nagulat ako sa narinig. "Simula no'ng mabangga kita sa supermarket, hindi ko na s'ya napapanaginipan. Naliwanagan ako nang malaman kong ikaw pala si Xielo." Tumingin ulit ako sa kalangitan, "Kulang na lang sabihin mong destiny." "Siguro. At gusto ko ni Joseph, para sa 'kin." Kaagad ko s'yang tiningnan ulit at natatawang tinanong s'ya, "Seryoso ka ba?" He faced me with seriousness in his eyes, "Lagi man kitang inaasar at ginu-good time, pero totoong gusto kita." Bakit parang naging mainit 'ata ang buga ng hangin? Tumukhim ako at umiwas ng tingin sa kan'ya. Pero kaagad din akong napatingin ulit sa kan'ya sa mga sumunod n'yang sinabi. "Simula ngayon, liligawan na kita." Anak ng kangaroo! May dinukot s'ya sa bulsa ng pantalon n'ya at kaagad n'yang kinuha ang kamay ko. May sinuot s'yang bracelet sa 'kin na may letrang R. "Suhol ba 'to?" "Tagasaang planeta ka ba, Inday?" Sarap n'yang sapakin sa mga oras na 'to. Ang seryoso n'ya na kanina at bigla na lang naging abnormal ulit. Inirapan ko lang s'ya, "Kailangan ko bang magpasalamat?" "In case you didn't know, nagbibigay ng regalo ang mga lalakeng nanliligaw sa babae. Ang iba nga, pati mama at mga kapatid nila may regalo rin." "Ang alam ko lang kasi, bulaklak at chocolate ang binibigay ng mga lalakeng nanliligaw," pagrarason ko. "Ah, so gusto mo ng bulaklak at chocolate?" "Alam mo, nakakabobo kang kausap," sabi ko at inirapan s'ya ulit saka tiningnan ang bracelet sa kamay ko, "Teka, ba't letter R?" "Ralph at Raine." Hindi ko alam, pero lihim akong napangiti. Zeshue Ralph Xielo Raine Bigla s'yang tumayo, "Tara!" "Saan?" Umiwas s'ya ng tingin, "Bi-Bibili ng bu-bulaklak at cho-chocolate." Napahagalpak ako ng tawa. "Aist! Halika na nga!" Hinila n'ya ako patayo, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa gusto n'yang mangyari. Ilang minuto lang at nakarating kami sa pinakamalapit na mall. Hindi pa kami bumababa sa kotse n'ya. "Hindi ka pa ba titigil sa kakatawa mo r'yan?" Halatang pikon na s'ya, "Ngayon pa lang sabihin mo na, kung anong gusto mong nireregalo sa 'yo." Nilingon ko s'ya at nakitang salubong na naman ang mga kilay n'ya, "Ikaw 'ata 'tong taga ibang planeta." Nilingon n'ya ako at halos hindi ko na maintindihan kung anong ekspresyon ng mukha n'ya, "Sige, mang-asar ka pa." "Naalala ko, nagkwento si Mommy kung pa'no s'ya niligawan ni Daddy." Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha n'ya sa sinabi ko. Kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Kaya, kahit papa'no may alam ako sa mga ligaw-ligaw na 'yan. Nakikita ko rin si Ate Xiarra noon na nililigawan no'ng high school pa lang s'ya." "Sabihin mo na lang kasi, kung ano," naiirta n'yang sabi. "Hindi nagdi-demand nang kahit na ano si Mommy or si Ate. Kung anong binibigay, tinatanggap nila." Ngumiti ako sa kan'ya, "Kaya kahit anong ibigay mo, tatanggapin ko. Hindi dahil 'yon ang tama, kung hindi dahil 'yon ang gusto ko." Umiwas s'ya ng tingin, "Ba-Basta, sa-sabihin mo lang ang gu-gusto mo, i-ibibigay ko." "Well..." Bigla n'ya akong nilingon ulit. Handang-handa nga talaga s'ya ibigay kung ano man ang sasabihin ko, "Hmm... hi-hindi ko pa nasusubukang sumakay sa... ferris-wheel." Ako naman ang umiwas ng tingin. Hay! Nakakahiya! Nagulat na lang ako nang biglang umandar ang kotse n'ya, "Maliit na bagay. Wala na bang mas mahirap?" "Tsk, ang yabang!" Narinig ko ang pagtawa n'ya. Dati, nababasa ko lang na masarap daw pakinggan ang tawa ng taong gusto mo. I find it over reacting. Pero, ngayon, nararamdaman ko na. Masarap nga pakinggan. Para bang nakagagaan sa pakiramdam. Wait... Gusto ko na ba s'ya? Is this what they called falling? Napabalik na lang ako sa katinuan nang maaninag ko ang iba't ibang kulay ng mga ilaw. Lumawak ang pagkakangiti ko. Hindi ko alam kung anong nasa loob ng isang perya, kaya hindi ko mapigilang mamangha na parang isang bata na pinasyal ng mga magulang n'ya. "Hoy, Inday," untag sa 'kin ni Zeshue, "Nakakakilabot 'yang reaksyon mo, ha!" Imbes na patulan s'ya, ngumiti lang ako sa kan'ya, "Salamat." Biglang nagbago anf ekspresyon ng mukha n'ya, "Ba-Bakit ka u-umiiyak?" "Buong buhay ko, kinulong ko 'yong sarili ko sa nakaraan. Inilayo ko ang sarili ko sa lahat. At ni minsan, hindi ko naranasan ang gumala sa bayan o sa mga mall. Hindi ko naramdaman kung anong saya ang nararamdaman ko ngayon. Kaya, salamat. Kung walang isang tulad mo ang dumating, nangungulit, lapit nang lapit, hindi ko siguro mararanasan ang maging masaya." Bago pa s'ya makasagot ay kaagad na akong bumaba sa kotse n'ya. Na-e-excite ako! "Bilisan mo! Sayang ang oras!" Umiiling-iling s'yang bumaba sa kotse n'ya. Kaagad ko naman s'yang hinila papasok sa loob ng perya. Hindi ko alam kung pa'nong may perya sa isang syudad na puno ng mga makabagong teknolohiya. Isa na siguro ito sa tradisyon ng mga Pinoy. Kung may piyesta, may perya. Bahala na nga. Basta mag-i-enjoy ako! Wala pang isang oras ay marami na akong bitbit na mga stuff toy. Nilingon ko si Zeshue na halatang pagod na. Nilibot 'ata namin ang lahat ng booth na may iba't ibang laro. "Akala ko ba sasakay tayo ng ferris-wheel," mahina n'yang sabi habang nahihirapan na rin sa pagbitbit sa ibang napanalunan naming mga laruan. "Masaya rin pa lang maglaro," nakangiti kong sabi sa kan'ya. "Akin na nga 'yang mga dala mo, ilalagay ko sa kotse." Nang makuha n'ya na ang mga dala ko ay kaagad s'yang nagreklamo, "Amazona ka ba? Pa'no mo nabitbit ang mga 'to? Aist, hintayin mo ako rito." Nakangiti pa rin ako habang tinitingnan s'yang hindi magkandaugaga sa pagbitbit ng mga stuff toy. Kaagad kong nilibot ang tingin ko sa kabuuan ng perya. Hindi pa naman huli ang lahat para maranasan kong maging masaya. Ilang minuto pa at may biglang umakbay sa 'kin at isang dirty ice-cream ang nasa harapan ko na, "Oh, baka hindi mo rin naranasang kumain nito." "Hindi ako tulad mo na kamakailang lang nakakain ng barbecue," pang-aasar ko sa kan'ya, "At saka, kailangan talagang nakaakbay?" "Hoy, Inday. Pagod ang mga kamay ko, kaha kailangan ko ng alalay." Inakay n'ya na akong maglakad, "Tara na nga sa ferris-wheel at baka ano na naman ang makita mo at sa huli ako na naman ang maglalaro." "Akala ko ba ibibigay mo kung anong gusto ko?" Kunwari ay nagtatampo ako. Eww Xielo. Muntik ko pang mamura ang sarili ko. "Oo na, oo na. Tayo na sa ferris-wheel." Napangiti na lang ako. Am I falling already?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD