Chapter 15 - Hidden Airee

1230 Words
Once updated/scheduled, there's no turning back. It's either you face the challenge or your whole squad will lose the daily task. Press 'continue' for more details about the daily task. Kanina ko pa binabasa 'yan. Ang update na sinasabi ay naka-schedule na sa loob ng isang buwan. Kung may mga bagong member na madadagdag ay isisingit na lang. Halimbawa, sa araw ng Lunes, dalawa ang naka-assigned, isisingit na lang sa kanila ang bagong dagdag na member at magiging tatlo na sila. Hindi na p'wedeng ibahin ang schedule sa mga naunang member. Sabi nila, h'wag ko na lang daw gawin. "Ba't gan'yan na kahirap ang daily task ng bagong hero!" nakasimangot na sabi Sharee. "Oo nga, no'ng tayo noon, pagkuha lang ng bulaklak!" segunda naman ni Xy. "Nasubukan na ba ninyo ang ganitong task?" tanong ko sa kanila. "Hindi pa, pero ang sabi ng ibang nakilala namin dito, delikado raw," sagot ni Kiri. Bigla akong kinabahan. Tatanggapin ko ba ang hamon? Para ko na ring pinatunayan sa sarili ko na duwag nga talaga ako. Pero... Kung tatanggapin ko at hindi magtagumpay, parehas kami ni Zen na hindi makakapag-move in ng tatlong araw. Mas mabuting subukan, kaysa sa wala namang ginawa. Kaagad kong pinindot ang 'continue'. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Ngumiti lang ako sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ang tapang-tapang ko na. Oo nga pala, ako si Ashrah at hindi si Xielo na talunan. Walang umimik sa kanila, kaya ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Ang Hidden Airee ay matatagpuan sa hilagang parte ng Armenza. Sa lugar na ito nakatago ang Akaresh—isang banal na balon. May isang nilalang na nagbabantay sa balon. At tumambad sa 'kin ang isang larawan ng nilalang na hindi ko maintindihan ang hitsura. Pero isa lang ang masasabi ko... Nakakatakot na nilalang. Para itong isang dragon, dahil sa laki nito at may pakpak. Nga lang, ang katawan nito ay parang sa tao, ang ulo nito ay parang sa manok, at ang nakamamangha lang ay ang mahaba nitong buhok. Kulay itim ang balat nito at pula naman ang mga pakpak nito. Ang nilalang na nagbabantay sa balon ay isa sa mga kinakatakutang system operated creature sa loob ng Armenza, ang Serfix. Ang balon na binabantayan nito ay nagtataglay ng tubig at isa iyon sa mga epic items na kailangan sa pag-a-upgrade ng mga skill at weapon. Tandaan! Isang hibla ng buhok lang ang kailangan. Kapag may kinuha kang hindi naman nakasaad sa daily task, automatic na talo ka sa daily task. *Mga maaaring mapanalunan* Individual - plus 5 HP level - 1,000 coins (convertible) - common items (2x gold dust and 2x wood dust) - rare item (1x sapphire stone) Squad - plus 10 HP level - helipad "Helipad!" "Grabeng level up din ang mga premyo!" "Gano'n kabongga!" "P'wede na tayong pumunta sa kahit saan na hindi nagsasayang ng teleportation skill!" Hindi ko na alam kung sino ang nagsasalita. Kaagad kong tiningnan sa menu ko ang weapon upgrades. Nasa 0 level pa si Armia. Need for upgrading - 2x gold dust - 2x wood dust - 1x sapphire stone Saktong-sakto! "Gan'yan talaga ang premyo, sinsakto nila sa mga item na kailangan mo sa pag-upgrade," sabi ni Shin. Kaya pala. Nagpatuloy ako sa pagbabasa. May tatlong bilog na kulay itim. Pumili ng isa Pinindot ko ang nasa gitna. Kaagad na pinakita ang nasa likod ng bilog. Invisibility x3 for 20 seconds each (Sa daily task lang na ito magagamit ang skill na napili mo.) Kapag natalo : Individual - minus 10 HP level - 3 days penalty Squad - minus 20 HP level NOTE! - Tanging ang mga naka-assigned na heroes lang ang dapat na makakuha sa o gumawa sa daily task. - Ibig sabihinn, p'wedeng tumulong ang iba, pero hindi ang pagkuha sa nasabing task. "Ang ganda ng update ng system nila!" hiyaw ni Jio. "Oo nga," segunda naman ni Sharee saka ako tiningnan, "Alam mo bang bawal tumulong ang hindi naka-assigned sa dating patakaran ng daily task. Ang swerte n'yong mga bago, dahil hindi n'yo na mararanasan ang lumang patakaran." "Kaya pala mahirap ang task, dahil maganda naman ang premyo at gumanda rin ang bagong patakaran," bulalas ni Xy. Binasa ko ang huling pangungusap. Aabutin ng isang araw ang pagpunta sa Hidden Airee. At dahil isang oras lang ang ibinigay na oras, kailangang gumamit ng teleportation skill ang mga naka-assigned. Kahit pa may sasakyan kayo, hindi n'yo pa rin mapupuntahan ang Hidden Airee sa gano'n kaikling oras. Kung wala kang teleportation skill p'wede kang bigyan ng mga ka-squad mo o kahit sinong kilala mong hero. Kung wala talaga, pindutin na lang ang start at hintayin na lang na matapos ang itinalagang oras at tanggapin ang pagkatalo. Press start if you're ready. Nakita ko ang biglaang pagbabago ng mga ekspresyon sa mukha nila. "Nagamit na namin ang teleportation skill namin for this week." Akala ko pa naman matutulungan na nila ako. Pero nabuhayan ako ng pag-asa, dahil naalala ko ang binigay na welcome gift ng Armenza! "Don't worry, my teleportation skill ako, welcome gift." Pinakita ko 'yon sa kanila. "Wala akong teleportation skill kaya, wala akong choice kung hindi ang i-monitor ka na lang," mahinang sabi ni Zen. Kaagad na may lumabas na screen sa ere. "Hidden Airee," biglang sabi ni Zen at nag-iba ang larawan sa screen. Hindi ko napigilang mamangha, "Ang... ganda." Isang lugar na napapalibutan ng mga bulaklak. Nagkalat din ang mga puno at may napansin akong isang malaking balon sa pinakagitna. 'Yon na siguro ang Akaresh. Pero, hindi ko makita ang Serfix. Baka nagtatago? Pero, wala akong makita sa paligid na maaari n'yang pagtaguan. "Sabihin mo lang sa isip mo ang, teleportation activate, Hidden Airee. Gan'yan lang kasimpleng gamitin ang teleportation skill," turo sa 'kin ni Kiri. "Maririnig mo ang boses ni Zen, kaya good luck!" nakangiting sabi ni Xy. This is it! Kaya natin 'to Ashrah! Pinindot ko na ang start at... Teleportation activate, Hidden Airee Napapikit ako, dahil naramdaman kong parang may humihila sa 'kin, at nang magmulat ako ng mga mata ay nasa harapan na mismo ako ng Hidden Airee. Sa sobrang lamig sa mata ng tanawin ay malamig din ang simoy ng hangin. Napatingala ako sa langit, dahil nakasulat mismo ro'n ang oras. 59 minutes Ang cool! "Okay, Ashrah, ihanda mo na ang weapon mo." Narinig kong sabi ni Zen. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang excitement, at pakiramdam ko, wala akong kinakatkutan. Sisiguraduhin kong dito sa Hidden Airee, ang unang simula ko para sa pagkamit nang ninanais kong katapangan. Isang hakbang ang ginawa ko, pero bigla na lang akong tumilapon. "Sh*t!" Narinig kong sigaw ni Zen. Mabuti na lang at puro damuhan ang nabagsakan ko. Hindi masyadong masakit. Anong nangyari? Luminga-linga ako, pero wala akong makita kahit na anong nilalang. At sa laki ng Serfix, dapat nakikita ko na s'ya ngayon. Mukhang hindi ko ito basta-basta malalapitan. Humakbang ulit ako at gaya kanina ay tumilapon akp ulit. Sa pagkakataong ito, napamura na rin ako. Ayaw ko man nang naiisip ko, pero parang matatalo ako sa unang daily task ko.  Tumayo ako at nararamdaman ko na ang sakit sa likod ko. Sa kada hakbang ko paabante ay tumitilapon ako. Kaya, sinubukan kong humakbang paatras. Napangisi ako, dahil walanc nangyari.  Hindi lang pala lakas ang kailangang gamitin, kung hindi pati utak din.  Naalala ko tuloy ang sinabi ni El sa 'kin.  "You're intelligent enough."  Simulan na natin Ashrah! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD