HABANG wala si Louie ay inabala ni Giana ang sarili kasama si Juana at pumunta sila sa Cinema room para manood ng movie na ang sabi ni Juana ay magaganda raw. Nagpaluto rin siya ng pop-corn kay Mirasol at niyaya niya na rin ang mga itong manood ng movie. Si Mirasol at Juana lang ang nakasama niya manood dahil abala sina Ate Belen at Nanay Cora sa mga trabaho ng mga ito na hindi pa natatapos. Matapos manood ng movie ay mag-isang naglakad-lakad si Giana sa bahay at nasa second floor siya at interesado na naman siyang alamin ang mga kwarto doon. May mga kwarto pa kasi siyang hindi pa nasusubukang pasukin pero may isang kwarto na sinubukan niya noon kaya lang naka-lock kaya hindi siya nakapasok. Katabing kwarto iyon ng kwarto kung saan nakalagay ang mga latigo ni Louie at pang-parusang gam

